Chapter 5: The Red Hair Girl

22 7 8
                                    

"Aisha!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Aisha!"

"Aisha, wake up!"

"Aisha, girl. Gising na! Yuhooo~"

Unti-unti akong nagising ng makaramdam ako na may yumuyugyog sa buo kong katawan. Even though I'm still half asleep, I tried to open one of my eyes to peak who's shaking and poking my back. Blurry pa ang paningin but surely it was Moriko.

"Ano na girl, umaga na. Late ka na sa klase mo" she continued speaking.

Nag-inat na lang ako at humikab habang rumolyo paharap sa kanya.

Teka..

Paanong nandito ako ngayon e naalala ko pa kagabi nasa lighthouse ako kasama si Ms. Roxi habang sinusubukang hiramin ang isa sa mga flare of power. Anong nangyari?

Kahit nagtataka ako ay bumangon na lang ako at nilibot ang paningin sa buong dorm.

O-kaaay? Mukhang wala naman silang idea sa nangyari sakin kagabi pero paano ako nabalik dito?

"Sabay ba tayong natulog kagabi?" I asked absentmindedly.

Tumayo si Moriko sa harap ko habang yakap- yakap niya ang isang makapal na libro tapos si Sereia ay nasa kama niya at inaayos ang sintas ng kanyang sapatos.

"Uh-oo? Diba nga nag goodnight ako sa inyo. Ang lakas pa nga ng hilik mo, girl. Di halata sayo ah" sagot niya kaya mas lalo lang akong nagtaka.

May ginamit bang magic sakin si Ms. Roxi kaya normal lang ang lahat?

Ang naalala ko lang kagabi ay bigla akong nahimatay ng hawakan ko ang isang flare, iyon lang. Hindi ko nga alam kung nagtagumpay ako.

"Maligo ka na, Aisha girl. Late ka na sa first class mo, ihahatid ka pa samin pero baka ma- late lang din kami"

I waved my hand in the air. "Hindi, okay lang. Kaya ko na naman."

"Sige sure ka ha, kita na lang tayo later. Sunduin Ka namin kapag lunch time na"

Tumango ako kaya nagpaalam na sila sa akin. Actually si Moriko lang, si Sereia as usual tahimik lang sa gilid.
Hindi ko alam kung gusto niya din ba akong maging kaibigan o napipilitan lanh siya dahil magkasama kami sa dorm lalo na at napaka- friendly ng kasama niya.
Hindi ko naman kasi sure kung ano talagang nararamdaman niya sakin dahil hindi naman siya palasalita. Siguro ganun lang talaga siya, mukhang okay naman sila ni Moriko, e. Parang matagal na silang magkakilala.

Tumayo na ako sa kama at mabilis na naligo sa banyo. Nang magsimula akong maligo ay saka ko lang napansin na parang may nag- iba sa kulay ng buhok ko. Sinuri ko yun ng mabuti gamit ang maliit na salamin na nakasabit at talaga namang nagtaka ako nang makitang may iilang hiblang kulay puti ang buhok ko.

Inisip ko ng mabuti kung paanong nagkakulay ang buhok ko gayong wala naman akong natatandaan nagpakulay ako dati. Yung kulay ng buhok ko ay purong brown at medyo kulot.

Fantasia Academia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon