Chapter 3: The White Hair Soldier

23 10 8
                                    

"Students, I request you to calm down for a bit for we are about to start the awarding ceremony"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Students, I request you to calm down for a bit for we are about to start the awarding ceremony"

Isang lalakeng nasa mid 30s ang nagsalita sa harap. Wala siyang hawak na kahit ano pero nakapagtataka kung bakit napakalakas ng boses niya at ume-echo pa sa buong stadium. Tumahimik bigla ang mga estudyante kaya tumigil na din siya sa pagsasalita.

"Sila yung sinabi ko sayong Soldiers ng Academy. Ang cool nila diba?" bulong ni Moriko sakin. Kahit tumahimik na ang paligid ay panay pa din ang ngiti niya.

"Ayan ka na naman sa pagpapa-fan girling mo, di naman halata na inggit ka no" nagsalita si Sereia as tabi niya.

"Sereia–ihhhh, hindi naman sa inggit pero sino bang hindi mahuhumaling sa katulad nilang cool at halos hinahangaan ng lahat" sagot niya habang pumapadyak pa.

"Ewan ko sa'yo" Hindi na siya pinansin ni Sereia at tinuon na lang ang atensyon sa harap.

Si Moriko ay umusog naman palapit sakin at ikinawit ang isa niyang kamay sa balikat ko.
"Hayaan mo na yan, masungit at pilosopo lang talaga siya minsan pero mabait naman siya" natawa ako sa backhanded compliment niya sa kaibigan.

"Narinig ko yun"

"Shut up ka na nga, Sereia"

"As you all know, the Academy sent the Soldiers in another mission for the sudden attacks of the minotaurs in some small city in the east..." nagsimulang magsalita ang lalake sa gitna ng stage. Pormal ang kasuotan niya at may suot siyang salamin.

Pero nakuha niya ang atensyon ko nang banggitin niya ang mga minotaurs, natuon ang buong ang atensyon ko sa kanya at hinihintay pa ang susunod niyang sasabihin.

"These includes the City of Arael, Finlion, and The Ruins."

The city where I came from.

Ibig sabihin nanggaling sila doon.

"The minotaurs are a beast with strong capability in fighting but with their braveness and dedication, they fought the monsters and brought them to end" tumahimik ang lahat habang pinapakinggan ang sinasabi ng lalake sa harap.

Bumubulong na lang ang mga estudyanteng nasa malapit ko na ang tinutukoy yata ay ang limang taong nakaupo sa stage. Obvious naman. Kumbaga sila ang star of the night ng ceremony na to, e.

"Even though the minotaurs has a lot of strength, still they defeated the enemies.." he continued. "The Fantasia Academia is proud of the Soldier's another achievement, so here we are today acknowledging their dedication to their job and giving them another award of appreciation" the man ended his speech with an applause kaya sumunod din ang lahat sa kanya.

Lahat sila pumalakpak at nagsimula na namang maghiyawan ng tumayo isa- isa ang mga Soldiers ng Academy.

"The master of the thunder, Raiden Akashi." he called the first man on the right. Mabilis siyang lumapit sa lalake at nilagay sa dibdib niya ang malaking pendant.

Fantasia Academia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon