Chapter 6: Colosseum of Challenges

15 6 0
                                    

"Go to hell girl! Dun ka bagay hindi dito sa Academy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Go to hell girl! Dun ka bagay hindi dito sa Academy." patuloy pa din nilang binubully yung babae na kahit anong gawin nila ay hindi naman sumasabat.

Nanatili lang siyang nakayuko pero nakakuyom na ang kamay niyang may hawak na tinidor.

"Kung magpakita ka dito akala mo parang walang ginawa masama. To tell you honestly, wala nang may gustong sayo dito kaya wag mo ng ipilit ang sarili mo!" muli na naman siyang sinigawan ng isang babae at nagawa pa siyang itulak ulit dahilan para mahulog siya sa kinauupuan niya.

Napatayo ako. Ano bang ginagawa niya, hindi ba siya lalaban?

"Aisha, sit down" hinawakan ako ni Moriko sa kamay para pigilan.

"Wala bang tutulong sa kanya? Kita niyo namang sinasaktan na siya ng dalawang yun" inis na sabi ko.

"Aisha, kalma. Hindi natin siya pwedeng tulungan o kahit na sino dito" hinatak niya ulit ako paupo. Pero hindi pa din mawala ang inis ko.

Ewan ba, naalala ko lang kasi yung sarili ko sa kanya nung nasa kamay pa ako ni Arthur at habang nasa orphanage pa ako. Palagi din akong kinakawawa ng mga taong nasa paligid ko. Hindi ko naman kayang lumaban dahil mag-isa lang ako at madami sila. Pero ibang usapan naman ngayon, yung Eris na yun may kapangyarihan naman kaya kaya niyang protektahan ang sarili niya.

"Kumain na lang tayo Aisha."

Sinubukan ko na lang abalahin ang sarili ko sa pagkain pero di ko maiwasang di sila lingunin dahil hanggang ngayon ay binubully pa din siya ng dalawang babae.

Ano ba kasing nagawa niyang kasalanan bakit ganyan na lang sila kung mam- bully?

"SOPHOMORES! STOP!"

As if on cue, the whole canteen hall became silent. Lahat ng atensyon ay napunta sa harap kung saan nanggaling ang malaking boses na sumisigaw.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Barrett doon– yung member ng Soldiers. Galit na galit ang mukha niya habang nakatingin sa mga nambully sa babae.

"ARE YOU NOT AWARE THAT THIS IS THE CANTEEN HALL AND NOT AN ARENA?!" Napakalakas ng sigaw niya at wala ni isang may balak na magsalita. Lahat sila nakayuko lang at iniiwasan ang tingin ni Barett.

"Lagot, ginalit na nila si Barett" bulong ni Moriko sakin. Nilingon ko siya habang nakakunot ang noo.

Hindi ko din inaasahan na makikita ko siya dito sa canteen hall ng mga freshmen at sophomores. Kasi ang sabi ni Moriko madalang lang sila sa Academy at mas lalong hindi ko inaasahan na kaya niyang magalit ng ganyan gayong sa lahat ng member ng Soldiers maliban dun kay Ravi ay siya na yata ang pinakakalmado.

Well, isang beses ko pa naman silang nakilala kaya di ko alam kung ano ang totoong ugali nila.

"APOLIGIZE TO HER NOW!" pasigaw na utos niya sa dalawang babae na ngayon ay nakayuko na din.
Nag- angat ng tingin ang isa.

Fantasia Academia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon