Chapter 6: Life

12 5 0
                                    

Third person POV

"Thank you Mr. Valiente, pinahintulutan mo kaming ituloy ang interview" saad ni Tere matapos pumayag ni Jano na ituloy ang interview

"I think it is important na ma-feature natin ang kwento nila Gideon" he answered

"Two months na rin 'no? what happened after the accident?"

"After losing his hearing, Dig decided to leave the council and nag homeschool. Last week, Shiloh woke up with memory loss. Sadly, Dig doesn't got the chance to hear her voice for the last time"

"Sad nga"

"Did Gideon knows na Shiloh suffers from memory lost?"

"Kahapon lang actually, nung una kasi walang naglalakas loob na sabihin sakanya and they think it's for the best. Hindi na maalala ni Shiloh yung sakit na dulot ng pagmamahalan nila. While Dig, he won't hear na hindi na siya maalala ng pinakamamahal niya"

"Pero deserve naman malaman ni Dig yo'n"

"Hmm, kaya sinabi rin nila agad"

"Grabe 'no, they did nothing to deserve this tragedy"

"Right"

"Eh kumusta naman si Shiloh"

"Her parents decided to transfer her sa ibang school, sabi nila to start a new beginning daw"

Natigil ang interview nang mag text sakanya si Gideon, asking Jano to assist him to his errand today. After the incident, Gideon is still doing his best to live a normal life kahit may malaking pagbabago ngayon sa buhay niya

Samahan mo ako kukunin yung hearing aid ko today, may work si mommy wala akong kasama

"Sorry, si Dig lang, nagpapasama"

"Sure, okay na yun, itetext na lang kita pag may mga kailangan ako"

"Sige, thank you Tere"

"Thank you Jano"

Matapos noon ay kaagad siyang nag tungo sa bahay ni Gideon. Malaking pagbabago ang naidulot ng aksidente hindi lang sa buhay ng dalawa ngunit maging sa mga tao sa paligid nila but that doesn't stop them from living

"May kukwento ako. Buti na rin pala yung nawala pandinig ko at least di ko maririnig opinion mo" bungad sakanya ni Gideon matapos makapasok sa sasakyan

"Oo, at least mamumura kita na hindi mo nalalaman" sagot niya sa kaibigan

"Bonak, hindi kita naririnig, anong pinagsasabi mo jan" natatawang sagot ni Dig

"Anyway, eto na nga yung kwento ko. Alam mo ba gamit pa rin ni Shiloh yung number niya?"

"Gago ka don't tell me kinakausap mo?"

"Ha?"

"Ewan ko sayo, bonak"

"Yun nga nag usap kami. Nung una tinatry ko lang siyang itext not expecting anything tapos bigla siyang sumagot sa mga text ko. Naalala ko yung una naming pag-uusap no'n ganoon na ganoon pa rin siya ngayon. Ang dami niyang tanong tapos gusto niyang makipagkita saakin"

hindi na nag salita si Jano at ipinagpatuloy ang pag mamaneho

"Pumayag akong makipagkita sakanya, okay lang naman siguro yun hindi ba? Hindi ko naman siya guguluhin gusto ko lang talaga siyang makita" 

Nakaramdam ng awa si Jano sa kaibigan. Sa loob ng dalawang buwan nakita niya kung paano nag dusa ang si Dig sa pagkalayo kay Shiloh, naiintindihan niya ang kagustuhan ng binata na makita ang dalaga

Matapos makuha ang hearing aid ay tuwang-tuwa itong sinubukan ni Gideon

"murahin mo 'ko dali" saad nito kay Jano na tinawanan lang siya

"Gago ka"

"Gagi Jano, naririnig kita!"

"Para kang sira ulo, tara na may gagawin pa ko"

"Grabe, di ko inexpect gano'n boses ni doc"

"Bakit, ano bang akala mo?"

"Wala. Anyway, ano na? Anong masasabi mo sa pagkikita namin ni Shiloh"

"Huwag mo nang ituloy"

"Bakit?"

"Sasaktan mo lang sarili mo saka isa pa nag babagong buhay na yung tao"

"Gusto niya rin makipagkita eh"

"Nabingi ka na't lahat-lahat matigas pa rin ulo mo"

Sandaling katahimikan ang bumalot sakanila sa loob ng sasakyan

"Mapapatawad niya kaya ako?"

"Wala ka namang kasalanan" 

"Minsan iniisip ko kung tama yung naging desisyon namin pero tuwing naaalala ko yung tawa niya, yung ngiti niya nung araw na yo'n parang pinapaalala saakin na worth it lahat ng risk na ginawa namin kasi kahit sa maikling panahon naging malayakami"

That's what they want after all, to escape from everything




Run With Me, ShilohWhere stories live. Discover now