Almost #1

666 21 1
                                    

NOTE: Slow update for this story but since tomorrow, August 8, is Sharyn's birthday, I decided to write a chapter for this. Gusto ko na rin naman na ipakilala si Hunter. Happy Reading!

ALMOST ENOUGH #1

Sharyn's POV

"Hindi na kita crush."

Hunter choked. He didn't expect that I was going to say that. We're inside his bar. Dito namin napag-usapan na magkita para makuha niya ang I.D. niya sa akin. Hindi na ako umangal dahil madadaanan naman ito bago ang school.

"W-what?" His left hand tapped his chest while his right hand was opening the water bottle. Natuon ang atensyon ko doon dahil binuksan niya ito gamit ang isang kamay lang.

He was eating pineapple bits. Medyo marami ang sinubo niya kanina kaya ayan nabulunan sa sinabi ko. I didn't mean to say it. Naisip ko lang habang nakatingin sa kanya.

"Did you just confess to me?" tanong niya pagkatapos na maubos ang laman ng water bottle. Nawala na rin ang pamumula ng mukha niya.

"Yeah." Tumango ako. "But it doesn't matter. Nasa past tense naman na."

Hunter laughed. It was the first time I heard him laugh. Madalas kasi ay seryoso ang mukha niya. River described him as a reserved person. This time, natulala ako.

Gwapo talaga si Hunter. Kaya nga naging crush ko na siya nang una pa lang. I guess it was because of his bad boy look. River told me na huwag na maging crush si Hunter dahil nasobrahan na raw sa pagka-bad boy. Nagsawa na ako sa good boy kaya bad boy naman. Kidding aside, I'm just after the looks—ibang usapan na kung bad boy pati ugali. Plus, I never said that I am gonna make him my boyfriend.

Crush lang. Healthy crush. Kaso ngayon hindi na. Nakakainis kasi siya. This is our fourth encounter. Sa tatlong beses na yun ay lahat bwisit siya.

Nang una ay inagawan niya ako ng taxi kaya naman na-late ako sa klase. I was asked to recite the whole period! I almost got singko because of that. Ni hindi man lang siya lumingon o nag-sorry man lang.

Sa pangalawang beses ay natalsikan ako ng tubig-baha nang dumaan ang sasakyan niya habang nasa gilid ako ng Mendiola Peace Arch at naghihintay kina River. I memorized the plate number. Hindi kasi bumaba at nag-sorry man lang tapos malalaman ko na si Hunter.

For the third time, he bumped on me. Natapunan ako ng kape. Sobrang nagmamadali siya nang araw na yon. Nahulog niya nga ang I.D. niya. Hindi man lang kinuha kaya heto kami ngayon.

"So you are admitting you have a crush on me?"

"Had po, Mr. Eleazar. Past tense," I emphasized.

Umangat ang tingin niya kasabay ng kurba sa labi niya. Wala na ang piercing niya sa gilid ng labi kumpara nang unang beses na makita ko siya.

"Bakit naging past tense?" Curious na tanong niya sa akin.

"Wala. Ang rude mo kasi tapos ang gago mo." I rolled my eyes.

"Your basis?"

"I already told you about our encounters, right? Ayoko nang ulitin. Also, you are friends with River. Ang gago kaya ni River."

"River is your best friend." He stated.

I nodded. "Yes, kaya nga alam ko na gago siya."

"Paano mo nasabi na gago ako, just because of River?"

"Birds of the same feather flock together." I shrugged.

"Ah, I see." Tumango-tango siya na may kasamang maliit na ngiti. "Maganda nga naman si Ellia at Avey."

Almost Enough (Could Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon