Almost #2

439 19 3
                                    

ALMOST ENOUGH #2

Sharyn's POV

Naabutan ko na naglalaro ng hide and seek ang mga bata sa ampunan. Or was it takbuhan? I wasn't sure. Ang iba kasi ay nagtatago tapos ay iba naman ay tumatakbo.

Lumingon ako sa paligid at isa-isa na sana silang tatawagin nang mapansin ko na halos lahat sila ay may hawak na walkie-talkie katulad ng radio monitor na ginagamit ng mga pulis o sundalo kapag may operation sila.

"Checkmate, Checkmate." ani Rady habang nakatapat ang bibig sa radio monitor na akala mo ay may emergency.

"Huh? Kids, where did you get that?" Lumapit na ako sa tatlong bata na nakatayo malapit sa pintuan. Ang iba naman ay nasa ikalawang palapag at labas ng bahay-ampunan.

"Checkmate? Anong ibig sabihin non? Sinong kausap niyo?"

"Roger that." Pamilyar ang boses na nagsalita sa walkie-talkie nila.

"Secret," sabi ni Amelia.

"Eh? Saan niyo nakuha yan?"

"Kay Kuya Hunter po," si Cadice.

"Hunter? Nandito na si Hunter?"

I checked my watch. It was 8 in the morning. I expected Hunter to be here at exactly 9 in the morning. Iyon ang napag-usapan namin pero mukhang gumawa siya ng sariling schedule niya.

"Opo," sagot ni Rady. "Maaga nga po siya, Ate Sharyn. Mga 5 nandito na po siya. Ginising po kami ni Sister. Nagpakilala po siya bilang kaibigan ninyo tapos nag-exercise po kami at nagdala po siya ng breakfast."

"Ang sarap nga po ng luto." Cadice.

"Tapos binigay na po niya itong walkie-talkie. Regalo raw po niya sa aming lahat." Amelia smiled.

I blinked. "Regalo?"

Sinabi ko kay Hunter na pwede siyang magbigay ng regalo tulad ng laruan sa mga bata. I didn't expect he would give them a walkie-talkie. Anong gusto niyang gawin ng bata sa walkie-talkie?

"Nasaan na ang Kuya Hunter niyo?" tanong ko.

"Sa likod niyo po."

I jolted.

Nang nakabawi ay umayos ako ng tayo sabay tingin sa likod. Nakatayo nga si Hunter. Muntik na ako masubsob sa dibdib niya kung hindi ako agad naka-atras. Hindi ko man lang naramdaman na nandyan na siya.

"Gago." I tapped his chest. It was my instinct. Nagulat lang din ako.

"Hey, hey. What did I do?" Nagtataka na tanong niya. "I was early. Nadala ko na rin dito ang mga kailangan mo. I gave the kids gift tapos nakipaglaro ako."

"You shook me."

"Oh." He sighed with relief. "I thought I did something wrong again...that would make you hate me."

"You don't want me to hate you?" I raised my brow.

"Have you forgotten my confession? Why would I want my crush to hate me?"

A small curve formed my lips. I hadn't calculated that but I let it go.

"Akala ko ba mag-move on ka na?"

"Should I?"

I shrugged. "Bakit mo ako tinatanong? Feelings ko ba yan?"

"No. But who knows, we might share the same feelings."

I laughed. "I didn't know you were a hopeless romantic."

"Basis?" He raised his brow.

"Wala lang."

Almost Enough (Could Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon