Special Part

87 3 4
                                    

Belle Pov

"My. Ayun na sila Dy!"

Napalingon ako gawi na tinuro ni Danny. And there mommy and Darren are waving at us. Yumakap at bumeso kami sa kanila nang makalapit.

"I missed you, baby boy." Nakangiting sabi ni mommy sa kanya.

"Mamila. Stop calling me baby. 18 na ko bukas." Nakasimangot na sabi ni Danny at natawa naman kami.
"By the way, namiss rin kita, Mamila." Nakangiting sabi ni Danny at yumakap sa lola niya.

"Let's go home. Sa bahay niyo na ituloy yang lambingan niyo ni Danny." Singit ni Darren sa kanila.

Tinulungan namin sila ni Danny sa mga maleta nila at dinala sa van. Pinauna na naming pinapasok si Danny at ang lola niya.

"Where they are?" Tanong saken ni Darren habang inaayos namin sa likod ang maleta.

Nasabi ko na kasi sa kanya ang lahat sa tawag. Hindi ko na nahintay ang pagdating nila. Kaya sa ngayon si mommy na lang ang kailangan namin kausapin. Kanina pa nasa bahay si Donabelle at Donny kasama si Nics.

"Nasa bahay sila. Hinihintay na tayo." Sabi ko at inayos ang huling maleta. "Tara na." Aya ko sa kanya.

Maglalakad na sana ako papasok ng van nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Masaya ako para sayo, Belle." Tipid na ngiting sabi niya. Ngumiti rin ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Salamat, Darren. Sa lahat lahat." Sincere kong sabi.

"My! Dy! Ang tagal nyo naman?" Rinig naming sigaw ni Danny kaya sabay kami napalingon sa kanya at natawa.

"He's still a low patience human." Natatawang sabi ni Darren.

"He is." Sabi ko. "Let's go na."

Hinila ko na siya papasok ng van.

"Ang tagal nyo. Siguro naglambingan pa kayo sa likod no?" Asik ni Danny samin pagkapasok namin. Magkatabi sila ng lola niya sa harap at kami naman ni Darren ang magkatabi sa likod.

"No." Nahihiya kong sabi.

"How did you know?" Nakangising sabi ni Darren.

Sabay na sabi namin ni Darren.

"Si My itatanggi pa oh."

"Tumigil ka nga." Suway ko sa kanya at sabay naman silang tumawa ni Darren. Pati si mommy ay nakisali na rin.

Mga siraulo talaga.

---

Donabelle Pov

"Ayos na ba ang lahat diyan?" Tanong ni tita mama habang nasa kusina siya.

"Yes, tita mama." Sagot ko.

Nag aayos kami ng dining table para pagdating nila mommy ay kakain na lang. Ang daming niluto ni tita mama na pagkain. Pinaka gusto ko sa lahat ay yung calderetang baka at sinigang. Kami naman ni Daddy ang gumawa ng dessert. Buko pandan at mango graham ang ginawa namin. Nilagay ko muna sa ref at mamaya na lang ilalabas kapag oras na ng dessert.

"You finish?" Tanong ni Daddy kay tita mama.

"Yes, tapos na. Malinis na sa kusina. Hihintayin na lang naten sila." Nakangiti niyang sabi.

"Pawis ka na." Sabi ni Daddy kaya kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mukha ni tita mama. Nagtaka ako nang makitang pareho silang nakatingin saken.

Okay, nang aasar na naman sila.

"Oh, please. Tigilan nyo yan Daddy. Isusumbong kita kay mommy." Sabi ko at agad naman siyang napalayo kay tita mama.

"Kidding lang." Sabi niya at nag peace sign pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her DreamWhere stories live. Discover now