Part 6

36 0 0
                                    

Donabelle Pov

After 7 years

"Donabelle. What's this?" Gulat na tanong saken ni daddy nang makita ang tweet ko.

Ngumiti ako at nag peace sign.

"Sorry na agad, Daddy. Ang ganda kasi ng pagkakuha ni tita mama kaya pinost ko." Nakanguso kong sabi.

"Bakit naman ganiyan ang caption mo?" Takang sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa braso.

"Hayaan mo na, daddy. Kunware na lang inlove ka saken. Ang hopeless romantic mo kasi eh." Biro ko sa kanya at bigla niya naman ako sinamaan ng tingin kaya bumitaw ako sa kanya at umiwas ng tingin.

Rinig ko naman ang pagpipigil tawa ni tita mama sa tabi ko.

"What's funny, Nics?" Masungit na sabi niya kay tita mama.

"Huh? Wala. Tumatawa ba ko?" Sabi ni tita mama at nagpanggap na parang walang alam.

Ako naman ang natawa pero naging ubo yun dahil sinamaan na naman ako ni daddy ng tingin.

Isang oras pa ang lumipas bago kami nag landing sa airport. Hila hila ni daddy ang maleta ko dahil medyo mabigat yun. Sandali lang den namin hinintay ang van na sasakyan namin dahil mabilis lang den ito dumating.

"Donabelle. Go inside na." Natatarantang sabi ni daddy nang makita niyang papalapit na sa gawi namin ang mga reporters.

He knows that i have a trauma in camera and reporters. Sino bang makakalimot diba? Halos kumalat sa buong social media ang nangyari 7 years ago. Ayaw ko man siya makita pero social media ay social media. Kahit saang app ka pumunta nandoon ang mga issues.

Almost 7 years ko na iniwasan ang mga interviews. Lalo na kung sa public. I don't know. I just hate when many people is surrounding me specially a interviewer or reporter. Bukod sa nahihirapan ako huminga kapag iniipit nila kami. Para akong mabubulag sa mga flash ng camera nila. Although hindi ko rin naman kasi sila masisisi. Ginagawa lang naman nila ang trabaho nila.

Hindi sa nagmamayabang pero isa rin kasi ako sa representative ng bansa pagdating sa larangan ng swimming at skating. Ilang beses ako nanalo ng gold medal sa iba't ibang bansa. I also have 1 song album na nirelease ko nung 15 years old pa ako.

"Donabelle. You know you can't escape them." Paalala saken ni daddy habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay.

"Yeah." Tamad kong sabi. "Sa bahay ako magpapa interview bukas. Pero isa lang!" Madiin kong sabi. "Ikaw na lang bahala pumili papa kung sino."

"Okay. I got it."

Mabilis lang den kami nakarating sa bahay dahil walang traffic. Dumeretso agad ako sa kwarto ko pagkarating.

"I miss this place." Nakangiti kong sabi.

Humiga ako sa kama at dinama ang malambot kong kama. Nilibot ko ang mga mata ko sa kwarto at napatayo ako ng makita ang box na tinago ko sa ilalim ng bedside cabinet ko. Binuksan ko at napaubo pa ako sa dami ng alikabok. Hindi talaga ito nalinis ng mga taong inutusan ni daddy dahil kinausap ko sila na wag na wag gagalawin ang kahon na to.

Nandito lahat ng mga souvenirs ko na galing sa concert ni mommy noon.
Simula nung araw na nangyari ang issue na yun. Gusto ng ipatapon saken lahat ni daddy ang mga souvenirs na nauwi ko galing sa concert ni mommy. Sa kagustuhan ni daddy na itapon ko ang lahat ng gamit na konektado kay mommy. Napilitan akong magsinungaling sa kanya. Sinabi kong tinapon ko na lahat pero ang totoo ay nilagay ko lang yun sa isang box at tinago.

Tinanong ko siya kung bakit kailangan ko yun itapon pero ang sabi niya lang sa aken ay hindi ko naman daw iyon mapapakinabangan. Nagtaka rin ako nang hindi na niya ko payagan manood ng concert ni mommy kahit sa online man lang. Halos isang buwan kong hindi kinausap at pinansin si daddy noon. Sobrang laki ng tampo ko sa kanya. Hanggang sa kausapin niya ko at pinaliwanag niya saken kung bakit kailangan ko yun gawin.

Hindi ko siya maintindihan noon. At hanggang ngayon pero alam kong kapakanan ko lang ang iniisip niya kaya naging okay na ulet kami pagkatapos naming mag usap.

Kinuha ko ang headband na may mukha ni mommy.

"I'm here na mommy. Namiss po kita." Nakangiti kong sabi.

Para akong tanga dito dahil kausap ko yung picture na nasa headband.

"Donabelle! Let's go! Sa labas tayo kakain!" Rinig kong sigaw ni Daddy.

Mabilis kong binalik sa kahon ang headband at pinasok na ulet sa ilalim ang kahon.

Hindi pwede makita ni daddy ang mga to. Magagalet siya saken.

"Donabelle!" Tawag niya ulet saken.

"Pababa na po!"

Siniguro ko munang naitago ko ang kahon bago ako bumaba. Sinuotan ako ni daddy ng hat bago kami lumabas ng bahay.

Gusto ko sana sa carinderiya na lang kami kumain para hindi kami mapansin ng mga reporter pero sabi ni daddy ay mas mapapansin daw kami dahil sa suot namin kaya wala akong nagawa nang sa isang sikat na restaurant kami kumain. Konti lang naman ang kinain ko dahil baka matulog agad ako pag uwi dahil may jetlag pa ako.

"Daddy, daan tayong groceries. Gusto ko bumili ng ice cream." Sabi ko pagkalabas namin sa restaurant. Hinihintay namin ang kotse.

"Tamang tama wala tayong stock sa bahay ngayon." Sabi ni tita mama.

"Okay." Tipid na sagot niya lang.

Sumakay agad kami pagdating ng kotse. Sumandal ako sa balikat ni tita mama para umidlip ng kaunti. Halos sampung minuto lang ata ako nakatulog dahil ginising na agad ako ni tita mama.

"Nandito na tayo."

Lalabas na sana ako ng kotse nang bigla akong pigilan ni tita mama.

"Wear it." Sabi niya at inabot saken ang hat na suot ko kanina. "Tinanggal ko kanina nung natutulog ka."

"Ahh, thank you tita mama." Nakangiti kong sabi at ngumiti rin siya.

"Let's go?" Inakbayan niya ko kaya umakbay rin ako sa kanya.

"Let's go!" Sabi ko at sabay kaming pumasok sa loob. Napapailing naman na sumunod samin si daddy.

Namili muna kami ng mga pagkain para stock sa bahay like meat, vegetables, condiments at kung ano pang mga pagkain na karaniwan naming kinakain.

"Papa, iwan ko na muna kayo ni tita mama. I'll just get my ice cream." Paalam ko.

"Sige. Bumalik ka agad ha." Nagbabantang sabi niya.

"Opo." Sabi ko at umalis na.

Nasa bandang gilid ng groceries ang mga ice cream. Katabi ng mga meat at stall ng mga yogurt. Hinanap ko agad ang cookies and cream flavor. Lumipat ako ng freezer nang biglang may dumating na babae.

"Nasaan ba yung cookies and cream?" Inis na sabi ko dahil halos halukayin ko na ang mga freezer ay hindi ko pa rin makita. "Wala ba silang stock nun?"

"Eto ba ang hinahanap mo?"

Nagulat ako ng biglang magsalita ang babaeng katabi ko na namimili rin. Tiningnan ko ang hawak niya at nakita yun nga ang hinahanap ko.

"Opo, ayan nga yung hinahanap ko— mommy?" Gulat na sabi ko.

"D-Donabelle?" Gulat rin niyang sabi.

Her DreamWhere stories live. Discover now