Part 1

85 1 8
                                    

"Who is she, Papa?" Tanong ng anak ko saken habang nakaturo sa stage.

Tumingin ako sa stage at tinitigan ang magandang babae na nagpeperform. Tipid akong napangiti.

Natupad niya ang pangarap niya. I'm so happy and proud of her.

"She's your mom, baby." Bulong ko.

Napalingon ako sa anak ko nang maramdaman ko ang titig niya saken.

"My mom?" Takang tanong niya.

"Yes, baby."

"So.. my mommy is a singer?" Masaya niyang sabi. Kita sa mata niya ang paghanga.

"Yes, she is." Nakangiti kong sabi.

"Can i hug her later, daddy?" Nawala agad ang ngiti ko sa tanong niya.

"I'm sorry, baby pero hindi pwede eh." Mahina kong sabi.

"Why po?" Nakanguso niyang tanong.

Dahil may ibang pamilyang naghihintay sa kanya. May ibang pamilya na sasalubong sa kanya pagbaba niya ng stage.

"She's busy right now. We can't come closer to her." I said.

"But she's my mom. I want to hug her and congratulate her po." Halata sa boses niya ang lungkot.

"I'm sorry talaga, baby. Maybe, someday.. mayayakap at mababati mo rin siya." I tapped her nose and smile. "Let's go. Your tita mama is waiting for us outside."

Tumayo na ko at sumunod naman siya. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at hinawakan naman niya yun.

"Let's go?" Nakangiti kong sabi at tumango naman siya.

"Can we buy ice cream, daddy?" Tanong niya saken nang makalabas na kami sa theater.

"Of course. Which flavor do you want?"

"Of course. Cookies and Cream!" Excited niyang sabi.

Pati flavor ng ice cream pareho sila ng paborito.

Malapit na kami sa kotse ng buhatin ko si Donabelle. Kita ko na rin si Nics na nakangiti at kumakaway samin.

"Baby, can you promise me na hindi mo sasabihin kay tita mama ang sinabi ko sayo about kay mommy mo?"

"But why?"

"Kasi.. Tita mama will get hurt if she
know about that. Do you want that?"

I'm sorry, baby pati ikaw dinadamay ko.

"No. I don't want tita mama to be hurt. Okay, I won't tell tita mama about mommy." Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"I love you, baby."

"I love you, daddy!" Hinalikan niya den ako sa pisngi. "Papa! There's a balloon! Oh my god! There's a princess belle! Let's buy that, daddy!"

Nagulat ako nang bumitaw siya saken at lumapit doon. Tumatalon pa siya habang tinuturo ang lobo. Napapailing naman ako lumapit sa kanya. Walang tigil siya sa kakatalon at turo ng turo kay princess belle.

"Pakibigay na kuya." Sabi ko at agad naman niyang inabot kay Donabelle ang lobo.

Kinuha ko ang wallet sa bulsa at naglabas ng isang daan.

"Keep the change na po." Nakangiti kong sabi.

"Salamat po, Sir."

Inaya ko na si Donabelle na pumasok na ng kotse. Nagmadali siyang tumakbo doon nang makita si Nics na naghihintay makalapit kami.

"Tita mama!" Nics kissed her cheeks before lifting Donabelle up at kinandong sa hita niya. "Look at this! It's princess belle!"

"Wow. That's cute, baby." Nakangiti niyang sabi.

Sa sobrang tuwa ni Donabelle pati sa driver namin ay pinakita niya ang lobo.

"Bakit hindi ka sumama sa loob?" Tanong ko kay Nics habang na kay Donabelle ang tingin ko. Masaya siyang nakikipag usap kay Jose.

I heard her sighed. "Wala lang." Nilingon ko siya.

"You know i won't accept that reason." Sabi ko at napayuko naman siya.

"Hindi ko pa kasi kaya humarap sa kanya eh." Halata sa boses niya ang lungkot. "Siguro soon. Kapag kaya ko na siya lapitan at makausap ng harapan." Malungkot siya ngumiti at nilingon ang anak ko. "Basta ngayon ito na lang muna. I'll do my best para alagaan si Donabelle." She smiled. Genuinely.

"Thank you for always taking care of Donabelle. Thank you for loving my daughter." Sincere kong sabi pero tinawanan lang niya ko.

"No need to thank me. Gusto kong inaalagaan ang anak ng bestfriend ko. I treat Donabelle like my real niece. At habang wala pa ang mommy niya, ako muna ang mag aalaga sa kanya. Pati na rin sayo."

"Thank you, Nics."

"Sabi ng tigilan eh." Asik niya at natawa naman ako.

"Papa! Tita mama! Let's go home na po!" Sigaw samin ni Donabelle at sabay naman kaming napangiti ni Nics.

Umusob na siya para makapasok ako. Magkatabi kami sa likod at si Donabelle ay hindi na umalis sa shotgun seat. Pinapalipat ko siya pero sabi niya ay okay na siya doon kaya hinayaan ko na lang.

Her DreamWhere stories live. Discover now