Part 4

41 1 0
                                    

Belle Pov

"Fil! Go to them." Sigaw ni mommy sabay turo sa gawi nila Donny. "Kung kinakailangan kaladkarin nyo sila palabas dito gawin niyo. Hindi sila pwede makita ng mga reporter. Move!" Sigaw niya pa.

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila.

"Mom, No! Wait! Please ako na lang ang magpapaalis sa kanila."

"What? No! Hindi pwede." Galet niyang sabi.

"Please mommy. Wala pa naman yung mga reporter eh. Please!" Pagmamakaawa ko.

"Fine. Bilisan mo." Seryoso niyang sabi at tumango naman ako.

Habang naglalakad ako palapit kila Donny ay gusto kong umiyak.

Ang ganda ganda ng anak ko. Kamukhang kamukha niya ang daddy niya. Ang cute ng dress at hair clip niya.

Pagkalapit ko sa kanila ay iniba ko ang reaction ng mukha ko. Kailangan ko mag panggap na galet dahil alam kong nakatingin si mommy saken.

"What are you doing here?" Madiing sabi ko pagkalapit. "Nananadya ka ba?" Kunwareng inis na sabi ko.

"Hi po!" Bati saken ng anak ko pero hindi ko siya pinansin.

i love to see you here but i'm sorry, baby

"Pwede bang umalis na agad kayo? Maraming reporter dito. Please, Donny." Nagmamakaawa kong sabi.

Please, nandito si mommy. Umalis na kayo bago niya pa kayo ipakaladkad. Hindi ko kakayaning makita yun. Please, Donny.

Muntik na ko mag react dahil walang emosyon niya akong nilingon.

Ang saket. Nasasaktan ako sa paraan ng tingin niya saken. Parang.. parang wala na ako para sa kanya. Tuluyan niya na ba ko kinalimutan?

"Hindi mo kami kailangan paalisin. Aalis kami." Seryosong sabi niya at nasasaktan ako dahil hindi siya ganito saken dati. Palaging malambing ang boses niya. "Let's go, baby."

Binuhat niya ang anak namin at mabilis naglakad paalis.

I'm sorry, Donny.

Bumalik na ko kay mommy ng makitang papalapit na ang mga reporter.

————

Donny Pov

Hindi talaga nagbibiro si Belle. Nagpadala siya ng dalawang tickets. At hindi lang basta regular na ticket kundi Vip. Kaya ngayon habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasang kabahan.

Hindi ko pa nasasabi kay Donabelle na ito na ang last concert ng mommy niya. At mamaya rin magkikita sila. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Ang dami rin kasing what if sa isip ko.

What if sinabi ko kay Donabelle tapos hindi dumating si Belle? Hindi ko kayang makitang nasasaktan at nadissappoint si Donabelle. Lalo na kung mommy niya ang dahilan.

"Are you excited baby?" Tanong ni Nics sa kanya. Kasama namin siya manonood. Nung malaman niyang last concert na ito ni Belle sinadya niyang wag pumasok ngayon para makasama.

Hindi na nakakagulat yun dahil dati niyang bestfriend si Belle. And i know kahit hindi niya sabihin bestfriend parin ang turing niya dito.

Naglalakad na kami papasok ng theater. Hawak hawak lang ni Donabelle ang headband na may mukha ng mommy niya dahil sinuotan ko siya ulet ng hat.

Sa bandang harap ang naging puwesto namin dahil doon daw ang vip. Naiilang ako dahil parang pinagtitinginan kami ng mga tao. Pero binalewala ko na lang nang makita kong magsisimula na ang concert.

Her DreamWhere stories live. Discover now