Belle Pov
"My. Ano ba talagang gagawin mo dito?" Naiinip nang tanong saken ni Danny.
Nagpahatid kasi ako sa kanya dahil dinala ko kanina sa repair shop ang kotse ko. Medyo humina na kasi ang preno nun.
"Sinabi ko na. May gusto lang akong matikman na kape dito." I lied. "Sige na umuwi ka na. Mag cocommute na lang ako pauwi." Sabi ko at sinuot ang cap na hawak ko.
"What? No." Umiiling na sabi niya. "Hihintayin na lang kita."
I shook my head.
"Hindi na. Mauna ka na." Pamimilit ko.
"Pero—"
"Sige na. Umuwi ka na." Paglalambing ko sa kanya at mukhang nakuha naman siya doon.
"Fine." Napipilitang sabi niya. "Pero i text mo ko kapag pauwi ka na para kung sakaling wala kang masakyan susunduin kita."
Para siyang tatay kung magsalita tapos ako ang anak niya. Hay naku.
"Oo na po, Itay." Biro ko sa kanya.
"Tsk." Asik niya saken.
Humalik na siya sa pisngi ko para magpaalam.
"I text mo ko ha!"
Pahabol niya pa bago nag drive paalis. Napapailing na lang ako sa kakulitan niya.
Nakatayo lang ako sa labas ng cafe. Hinihintay dumating si Donabelle. Hindi naman ako nagtagal sa paghihintay sa kanya dahil dumating rin agad siya.
"Mommy!" Sigaw niya habang tumatakbo palapit saken. Naka cap rin siya. "Naghintay ka po ba ng matagal?" Tanong niya saken.
"Nah. Kakarating ko lang den." Nakangiti kong sabi.
"Tara na po sa loob." Sabi niya at tumango naman ako. "Doon na lang po tayo maupo, mommy." Turo niya sa upuan na malapit sa glass wall.
Mabilis naman lumapit samin ang isang crew nila dito at binigay ang menu. Tinanong ako ni Donabelle kung anong gusto ko orderin ang sabi ko ay yung katulad na lang nang sa kanya dahil gusto ko rin talaga matikman yung bagong kape nila dito.
"Nagpaalam ka ba sa daddy mo?" Tanong ko sa kanya habang hinihintay namin ang order.
"Opo. Siya nga po ang naghatid saken dito." She said. "Pero wag po kayo mag alala siniguro ko pong nakaalis na siya bago ako dumeretso dito." Depensa niya agad kahit wala pa naman akong sinasabi kaya bahagya akong natawa.
"May gusto ka bang itanong saken?" Tanong ko sa kanya.
"Tanong po? Ah.." Nag iisip na sabi niya. "Paano nyo po nalaman ang pangalan ko? Sinabi po ba sa inyo ni Daddy?" Umiling ako.
"Sa balita ko nalaman. Nung unang beses na manalo ka ng gold medal sa swimming." Nakangiti kong sabi. "I'm so proud of you, Donabelle."
"Thank you po." Nahihiyang sabi niya.
"I knew it."
Sabay kaming napatayo ni Donabelle nang biglang sumulpot si Donny.
"Daddy.."
"Sumunod kayo saken." Seryoso niyang sabi at naglakad palabas ng cafe.
Nagkatinginan pa kami ni Donabelle bago sumunod sa kanya. Mabilis ang paglalakad ni Donny kaya halos tumakbo na kami para mahabol lang siya. Huminto lang siya nang makarating kami sa parking lot.
Mukhang dito niya kami dinala dahil kung doon sa cafe kami mag uusap ay masyado kaming aagaw ng pansin.
"Daddy, ako po." Hinawakan ni Donabelle ang kamay ng Daddy niya. "Ako po ang may kasalanan. Ako ang nagpumilit kay mommy na makipag kita siya saken. Please, Daddy saken ka po magalet. Wala siyang kasalanan dito. Please." Pagmamakaawa ni Donabelle.