Donny Pov
I think it's a bad idea na sinabi ko sa kanya ang tungkol sa mommy niya.
Dahil nandito na naman kami sa theater kung saan nag concert si Belle. Tapos na ang concert. Naglalabasan na rin ang mga tao pero si Donabelle ayaw pang lumabas."Baby, let's go. We need to go." Nagmamadaling sabi ko. Hawak ko siya sa kamay at pinipilit na lumabas na.
Hindi niya kami pwede makita dito. Hindi pwede.
"Dad! Wait!" Pigil ni Donabelle saken kaya nilingon ko siya."Papalapit si mommy dito!" Sigaw niya sabay turo sa gilid ng theater kung saan naglalakad si Belle palapit samin.
"Let's go, baby." Natataranta kong sabi.
Pilit ko hinihila si Donabelle paalis pero hinihila niya rin ako para hindi makaalis. Wala na kong nagawa nang makalapit ang mommy niya.
"What are you doing here?" Madiing bulong niya pagkalapit samin. Napabuntong hininga nalang ako. "Nananadya ka ba?"
"Hi po!" Masayang bati ni Donabelle sa kanya pero hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin.
"Pwede bang umalis na agad kayo? Maraming reporter dito. Please, Donny."
Hindi ko alam kung nagmamakaawa siya o nagagalet.
Walang emosyon ko siyang nilingon at nasalubong ko naman ang mga mata niya. Hindi ko alam kung tama ang nakikita ko pero parang nasasaktan siya sa paraan ng pagtingin ko sa kanya. Pero impossible yun.
"Hindi mo kami kailangan paalisin. Aalis kami." Seryoso kong sabi. "Let's go, baby."
Binuhat ko na si Donabelle dahil ayaw talaga niya magpahila. Mabilis akong naglakad palabas ng theater ng makitang papasok na ang mga reporter. Nilagay ko den kay Donabelle ang hat na suot ko.
"Papa, galet po ba si mommy?"
Tanong saken ni Donabelle habang naglalakad kami papuntang parking lot."No, baby. Pagod lang siya kaya mainit ang ulo." Palusot ko.
"Hindi po siya galet saken?" Sabi niya na parang maiiyak kaya mabilis akong umiling.
"Of course not. Mommy will not mad at you."
Sana nga. Saken na lang siya magalet wag na kay Donabelle. Wag sa anak niya.
"Totoo po?" Nakanguso niyang sabi.
"Totoo." Sabi ko at ngumiti na siya.
Bago kami umuwi ay dinaan ko muna siya sa ice cream shop para mabawasan ang lungkot niya.
"Tita mama!"
Patakbo siyang lumapit at humalik sa pisngi nito.
"Uyy, nakauwi na pala ang baby ko." Malambing na sabi ni Nics. Binuhat niya si Donabelle para ikandong. "Did you enjoy?"
"Opo! Super saya!" Energetic na sagot ni Donabelle.
"Good to hear you enjoy." Nakangiting sabi ni Nics habang hinahawi ang ibang buhok ni Donabelle na nakaharang sa mukha niya.
"Donabelle." Tawag ko at nilingon naman niya ko. "Go to your room and take a bath."
"Okay po, Papa."
Umalis siya sa pagkakandong kay Nics at tumakbo paakyat sa kwarto niya. Napailang naman ako.
"Ikaw? Nag enjoy ka ba?" Nakangising tanong saken ni Nics.
"She saw us." I said.
"Weh? Oh, anong sabi niya?"
"Pinagtabuyan niya kami, Nics. Kaming dalawa ng anak niya." Madiin kong sabi.
"Nagawa niya talaga yun?" Gulat na tanong niya at tumango naman ako.
"Hinding hindi na kami manonood ulet." Galet na sabi ko.
———
After a year.
"Happy 11th Birthday!" Bati namin kay Donabelle.
"Thank you po! Daddy and Tita Mama!" Masaya niyang sabi at niyakap kami ni Nics.
Lumayo si Nics sa kanya at may inabot na maliit na box.
"Here's my gift, baby."
"Wow, Can i open na po?" Magalang niyang tanong.
"Go, baby."
Pagkabukas niya ay agad nagliwanag ang mga mata niya. Gulat na gulat.
"Omg! Is this a ticket?!"
"Yes, baby." Nakangiti sabi ni Nics.
"Anong ticket?" Takang tanong ko.
Lumapit ako kay Donabelle at kinuha yun.
It's Belle concert ticket.
Lumingon ako kay Nics. "Nics? Ano to?"
"My gift for her." Nakangiti niyang sabi na parang hindi ko alam yun.
Humarap ako kay Donabelle at lumuhod para mapantayan siya.
"Baby, dito ka lang ha. Mag uusap lang kami ni tita mama. Okay?"
"Okay po." Mabilis na sagot naman niya kaya tumayo na ko.
"Let's talk." Sabi ko at sumunod naman agad si Nics saken. "Para saan to?" Sabi ko at nilahad sa kanya ang ticket.
"Sinabi ko na. Gift ko yan kay Donabelle."
"Sa dami ng pwede mo iregalo ito pang ticket concert ni Belle?"
"Bakit may problema ba diyan?"
"Are you seriously asking me that? Alam mo kung anong nangyari the last time na nanood kami ng concert ni Belle." Inis na sabi ko. "Nananadya ka ba, Nics?"
"What? No! Listen to me. Si Donabelle mismo ang may gusto niyan."
"So?"
"Do you remember kapag pumupunta kayo galing sa concert ni Belle noon? Hindi mo ba nakikita kung gaano siya kasaya? Sobrang saya niya. At simula nung pagbawalan mo siya manood nawala na yung sigla at saya niya. Pero nito lang nakaraan tinanong ko siya kung anong gusto niya sa birthday niya. Sabi niya saken gusto niya ulet pumunta ng concert. Gusto niya daw ulet makita si Belle. Gusto niya ulet manood ng concert."
"Alam ko lahat yan, Nics! Sa ating dalawa ako ang mas nakakaalam non!" Sigaw ko.
"Yun naman pala eh. Bakit hindi mo maibigay sa kanya? It's her birthday wish, Donny!"
"It's not that easy, Nics!"
"I know ayaw mong manood ulet ng concert niya dahil sa nangyari noon pero it's Donabelle wants. It's one of her wish. Kaya mo ba baliwalain ang gusto ng anak mo? Kaya mo ba baliwalain ang makakapag pasaya sa kanya?" Sunod sunod niyang sabi at hindi agad ako nakapag salita. "At ikaw matagal mo na pala sinabi kay Donabelle na mommy niya si Belle hindi mo man lang sinabi saken."
"I'm sorry I thought.."
"Ano? Magseselos ako? Baliw ka! Mommy niya yun. Tunay na ina." Madiin niyang sabi. "Wala akong karapatang ipagdamot malaman ni Donabelle yun."
"Okay. I'm sorry."
"Tsk." Asik niya saken.
After that conversation napapayag den ako. Tama si Nics. Hindi ko kayang baliwalain ang bagay na alam kong makakapag pasaya kay Donabelle. Wala rin akong nabili sa kanyang regalo dahil naging busy ako nitong mga nakaraan kaya wala akong choice kundi ang pumayag.
Pero sisiguraduhin ko ng hindi kami makikita ng mommy ni Belle o ng mga bantay nila. Ayoko ng ipagtabuyan ulet kami ni Belle. Not in front of her daughter again. Ayokong makita ulet ni Donabelle kung paano kami ipagtabuyan ng sarili niyang ina. Nang taong iniidolo niya.