CHAPTER ONE

332 11 2
                                    

JUNO HOTEL ang nakapangalan sa Keycard. Nagmamadali akong lumabas ng Mall at kumuha ng Taxi. Nagpahatid ako sa Address ng Hotel.

      Ano naman kayang gagawin ko dun? Ah. Baka may lilinisin akong kalat doon. Kinakabahan talaga ako. Kasi ganitong ganito yung mga nababasa ko sa mga Online story na kunwari papupuntahin si Babae sa Lugar  ayun pala pagsasamantalahan lang. Napakrus ako. Diyos ko wag naman po sanang ganon. Alam ko hindi po ako kagandahan pero kahit pano ayokong mapagsamantalahan e.

      Medyo nagdidilim na din ang Langit mukhang uulan pa ata angalas ko Nan! Mawawalan na nga ako ng trabaho eto pa at mababasa pa ata ako ng ulan.

       "Miss. Andito na po tayo sa JUNO HOTEL."  agaw nito sa atensyon ko.

       Kumuha ako ng pambayad sa wallet ko naku. Saktong 3k na lang ang Pera ko pangkain ko to hanggang sa mga sumunod na araw kung matatanggal ako sa trabaho siguradong gutom ako at sa kalsada din ako pupulutin dahil palalayasin ako ng may-ari ng inuupahan kong studio tye na Kuwarto.

       Inabot ko kay Manong ang bayad at dali dali akong bumaba. Dali dali akong naglakad papasok ng Lobby ng Hotel dahil napatak na ang ulan. Lumapit agad ako sa Receptionist.

       "Miss anong floor po itong nasa Keycard?". Nagmamadali kong tanong dito.

       Tinignan niya ito saka may tinawagan. Bago muling bumaling sa akin.

       "Ma'am itapat nyo lang po iyan sa scanner at Automatic na po kayong ihahatid ng elevator sa Rooftop.". sagot nito.

        "R-rooftop?"

        "Opo. Sa penthouse po nang may-ari nitong Hotel ang Keycard na iyan. Tinawagan ko na po si Sir at kanina pa daw po niya kayo inaantay."

       "Ha?! Naku! Sige Miss salamat po!"  at dali dali akong tumakbo palapit sa elevator.

       Napansin ko kung paano ako titigan ng Receptionist. Kaso Nagmamadali ako kaya mamaya ko na lang siguro itatanong dito kung bakit ganun siya makatingin.

Kamuntik pa akong matapilok nang masira ang one inch kong heels. Kinuha ko pareho ang mga sapatos ko at nagyapak na lamang ako saka ko tinapat sa scanner ang Keycard na hawak ko. Bumukas ang Elevator. Sumakay ako. Mabilis ang andar nito kaya nasa 21st Floor na agad ako nang JUNO HOTEL. Bumukas iyon at laking gulat ko dahil loob agad ng Bahay ang nasa kabilang bahagi nito. Dahan dahan akong humakbang palabas ng elevator saka naman iyon nagsara nagulat pa ako ng tumunog ito at may letrang lumabas sa scanner na LOCKED. Bigla akong kinabahan. Napalingon ako sa malaking bintana. Ang lakas na pala ng ulan sa labas. Wala pa naman akong payong! tapos sira pa itong sapatos ko!

       "Bakit ngayon ka lang Miss Estrella?" napatingin ako sa pinanggalingan ng Malaki ngunit mababang boses... lalakeng lalake ang dating nito.

       Siya na kaya ang Big Boss namin? Ang tangkad niya at medyo Kulot ang hanggang balikat nitong buhok na bumagay sa kanya.

       "S-Sir? K-kayo na po ba ang Boss ko? Ibig ko pong sabihin kayo po ba ang may-ari ng Mall kung saan ako nagtatrabaho?"  walang paligoy ligoy kong tanong.

      Humakbang siya palapit sa akin.  "Ako nga. Bakit may iba ka pa bang inaasahan?"

      Dahan dahan akong umiling. Napaatras ako nang hawakan niya ako sa balikat ko.

      Tumawa ito ng bahagya.

      "Sir. Pwede ko ho bang malaman k-kung bakit niyo po ako tatanggaling sa trabaho ko? Tatlong taon na po ako sa serbisyo bilang Sales Lady saka malinis po Ang Record ko eh."  nag-uumpisa nang manginig ang boses ko.

CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon