Sa Mariano Mall kami nagpunta. Isa sa mga Branch niya dito sa Tagaytay. Ngayon lang ako nakapasok dito at talagang ang ganda! Ibang iba sa Mall kung saan ako nagtatrabaho.
"Nagustuhan mo ba?" tanong nito. Habang naka-akbay sa akin.
Tumango ako. "Oo! Ang ganda! Bakit ganon parang masmaganda to kesa sa Mall mo sa Pasay?"
"Bagong gawa lang kasi ito. Mag-aanim na Buwan pa lang naman ito e. Yung sa Pasay kasi bumilang na yon ng taon kaya ganon. At si Dad ang pumili ng desenyo nun."
"Ah. Okay. Bago pala ito kaya pala Moderno lahat. At talagang ang ganda!" talagang napahanga ako sa desenyo nito.
"Masmaganda ka kesa sa Mall na to Lalo na kapag wala kang su----"
"Ituloy mo at magwo-walk out ako Gustavo. Kanina ka pa ah! Nang asar ka ba talaga?". namewang ako saka ako naglakad mag-isa.
"Wow. May nagagalit na buntis. Sige ka baka mawala ka ikaw din." napahinto ako sa sinabing yon ni Gustavo.
Nilingon ko siya. Talagang aliw na aliw ito na inaasar ako. Nakahalukipkip pa talaga ang Kulot na to! Habang nakakalokong nakangiti.
Sa asar ko. Inirapan ko siya na lalong ikinatawa nito. Saka tuluyang lumapit sa akin.
Kinuha nito ang kamay ko. "Holding hands tayo Mama. Ayokong mawala ka uli. Kayo ni Baby ang pinaka-importanteng bagay sa Mundo na meron ako ngayon. Wag ka nang magalit. Masaya lang ako na kasama ko na kayo ngayon. Tara doon tayo sa Baby Section." seryosong sambit ni Gustavo. Ramdam ko ang bawat salita niya. Dahil maraming Tao nahihiya akong halikan siya kaya pinisil ko na lamang ang kamay niyang nakahawak din sa kamay ko.
Ngumiti siya at naunang naglakad kasunod lamang niya ako sa kanyang likuran. Tuwang tuwa kasi ako sa kakalingon ang ganda kasi talaga.
Napahinto ako nang makakita ako ng Drug store. Hindi ko akalaing mabibili ko kaagad ang gusto kong bilhin!
"Gustavo pasok tayo doon may gusto akong bilhin." pigil ko sa paglalakad nito.
Ngumiti siya at tumango. Maraming Tao kaya hindi maiiwasan ang magkabanggaan. Kaya todo hawi si Gustavo sa mga tao para hindi ako madikitan pano ang lake na nang tiyan ko. Kaya siguro ganun na lamang si Gustavo natatakot ata siya na masagi ako. Mahigpit akong humawak sa braso niya.
"Magandang Umaga po.". bati ng Staff.
Nagulat pa ako ng biglang lumapit ang Manager at binati si Gustavo. Ay oo nga pala siya nga pala ang may ari ng Mall. Hinayaan ko silang mag-usap. Nag-ikot ikot ako hinahanap ko Yung balak kong bilhin.
Ayun! Nakita ko na. Kumuha ako ng Isang box!
"Para saan yan. Mama?". yamot na tanong ni Gustavo. Kamuntik ko pang mabitawan ang kahon.
Tumikhim ako sabay harap sa kanya. "Para sayo! O bayaran mo na."
"Ha? Sa akin? Bakit? Ayoko nga. Saka bakit pa ako gagamit nang Condo----"
"Ssshhhh!" agad kong tinakpan ng palad ko ang bibig nito. "Ang lakas ng boses mo!"
Banayad nitong hinawi ang kamay ko. "Basta hindi ako gagamit niyan. Tapos."
"So. Nagproprotesta ka ba Gustavo?" tanong ko.
"Oo. Seryoso ako sayo kaya hindi ko kelangan nyan isa pa pang-teenager lang yan e basta ayoko!" maktol nito.

BINABASA MO ANG
Carmela
RomantizmPROLOGUE "Sir. Bakit nyo ho ako tatanggalin sa trabaho?" mapangahas kong tanong sa Manager ng pinagtatrabauhan kong Mall. "Yon ang desisyon ng May-ari. Kasama ka sa mga male-lay-off. I'm sorry Carmela." alam kong nasunod lamang ito...