Tinahi ko ang napunit kong Uniform. Dalawa lang kasi ito pamalit ko. Bukas papasok na uli ako. Kahit nawala ang iniingatan ko atlis hindi naman ako nawalan ng trabaho. Kaso ang hirap tanggapin na naging ganito ang takbo ng Buhay ko. Bakit Taneo? Naging mabait na Girlfriend naman ako sayo e... pero naghanap ka pa talaga nang iba. Sabagay maganda yung Sekretarya ni Sir saka Bata pa siya. Sa totoo lang naiinggit ako sa tuwing nakikita ko siya kasi ang Sopistikada niya syempre sunod ang luho Kasi mayaman ang Boyfriend niya. Pero bakit ako ang kelangang sumalo nang lahat? Wala naman akong ginawang mali.
Sige ang tulo ng luha ko.
"Di bale. Okay lang yon. Okay lang ako! Lahat naman ng Babae nararanasan yon kaso hindi gaya ko na parang ni-rape ako. Pero kung magrereklamo ba ako may maniniwala ba? Wala.". bulong ko sa sarili ko.
Tumayo ako at humarap sa salamin ng Aparador ko. Kita pa ang paga ng pisnge ko. Wala namang gugusto sa akin e. Siguro si Taneo trip niya lang ako kaya niya ako niligawan.
Wala na akong ganang kumain kaya humiga na lamang ako sa kutson ko na nakalatag sa sahig saka ako nagbalot ng kumot para mainitan ako kasi malamig. Itutulog ko na lamang ang hinanakit ko.
"BUTI AT NAKARATING ka sa Bachelor's Party natin. Pare."
Tumawa ako. "Ako pa ba. Steve? Ano magaganda ba yung nasa loob?"
"Oo naman pare! Ako pa ba kukuha ng panget? Halika na para makapag umpisa na." aya nito saka kami pumasok sa loob ng Hotel room na kinuha nito para sa Party.
May Anim na babae ang sumasaway ngayon sa ibabaw ng mesa para pasayahin kami. Magagandang silang lahat at sexy.
Napatitig ako sa isa sa mga ito. Kulot ang kulay itim nitong buhok gaya ng Kay Carmela. Naitapon ko ang hawak kong bote ng Beer saka ako Dali daling lumapit sa nakatalikod na Babae habang unti unti itong naghuhubad.
Nagulat pa ito ng hawakan ko ang balikat niya.
"Sir!?"
Napaatras ako. Saka nagsi-inggayan ang mga Kaibigan ko. Ngumiti ng malagkit ang Babae saka ako hinaplos sa dibdib.
"Okay. Kung gusto mo ikaw ang una kong bibigyan ng Lap dance.". saka ito marahang gumiling pero sa halip na matuwa ako ay tinabig ko ito kaya namudmod ito sa couch. Natigilan silang lahat.
"Pare! May problema ba? Sinasayawan ka na nga e sinasaktan mo pa. Saka wag mo na munang isipin si Andrea. Babalik din yon kapag naubos na ang perang kinuha Ng Manager mo."
"SHUT UP STEVE!" bulyaw ko.
"Gustavo!" awat ni Ronan. "Andito tayo para magsaya okay. Tama si Steve kalimutan mo muna si Andrea."
Talagang paulit ulitin pa talaga ang pangalan ng Babaeng yon! Naglakad na ako papuntang pinto.
"Saan ka pupunta pare?!" tanong ni Keith.
"Wala na akong gana. Kayo na lang ang magpakasawa sa mga bayarang na yan!". saka ako tuluyang lumabas.
MALAKAS NA ANG ulan kaya medyo trapik na. Talagang medyo uminit ang ulo ko sa Babaeng yon. Akala ko si Carmela na talaga ang isang yon. Masmaganda at mas-seksi yon Kay Carmela... kaso masmalinis si Carmela kesa sa mga Babaeng yon at yun ang problema ko dahil gusto ko pa ng isa pa! Hinahanap hanap ko ang init niya.
"Sh*t!". sabay suntok ko sa manibela.
Maaga akong gumising kinaumagahan. Nagtimpla ako ng kape pampainit ng tiyan saka ako naligo. Isinuot ko ang isa kong Uniform hindi na kasi nadala sa simpleng tahi ang napunit kong Uniform. Saka ko itinali ang kulot kong buhok. Naglagay lamang ako ng Lipstick. Wala kasi akong pondo pambili ang make up. Kesa ibili ko nun... ibibili ko na lang nang pagkain ko. Bihis na ako. Saka ko inubos ang kape ko. Kinuha ko na ang luma kong Shoulder bag hindi pa kasi ako nakabili kaya tiyaga tiyaga na muna. Napupunta kasi lahat sa Renta at gastusin ko sa pang-araw-araw ang sinasahod ko. Kinuha ko ang nag-iisa kong sapatos. Dumikit na kaya ang nilagay kong Rugby dito kagabi?
BINABASA MO ANG
Carmela
RomantizmPROLOGUE "Sir. Bakit nyo ho ako tatanggalin sa trabaho?" mapangahas kong tanong sa Manager ng pinagtatrabauhan kong Mall. "Yon ang desisyon ng May-ari. Kasama ka sa mga male-lay-off. I'm sorry Carmela." alam kong nasunod lamang ito...