CHAPTER TEN

277 16 4
                                    

Hindi ako nakakilos nanatili lamang akong nakatayo habang kalong si Lorenzo.

          Dahan dahang bubamaba ng kama si Carmela. Ibinaba nito ang plato ng Cake sa gilid ng higaan nito saka ito humakbang palapit sa amin ni Lorenzo.

         Nakatulala lang ako hanggang makalapit na ito sa amin. Ayon ang ngiting matagal ko nang gustong makita.

        "G-Gustavo..."    nagpapalit palit ang tingin ni Carmela sa akin at sa Batang hawak ko.     "S-siya na ba yon?"

         Ngumiti ako at tumango. Tumulo ang mga luha ni Carmela.

         "P-pwede ko ba siyang m-makalong?" nanginginig ang boses nito.

          Tumango ako ibinigay ko sa kanya ang Anak namin. Agad itong kinuha ni Carmela saka siya paupong umiyak. Hindi ko na din naiwasan ang mahawa sa pag-iyak nito.

          "A-anak.... Sorry ha.... Ang laki laki mo na! Andito na si Mama."  mahigpit itong niyakap ni Carmela.

         Lumuhod ako at pareho ko silang kinulong sa mga bisig ko. Kompleto na ako. Kahit hindi namin mabuo ang pangarap kong Basketball team... ayos lang ang mahalaga andito silang dalawa... ang mag-ina ko.

SA WAKAS NAIUWE KO na din si Carmela!  Pagdating na pagdating namin sa Bahay agad na dinala ni Lorenzo ang Mama niya sa Play Room. Hinayaan ko na muna silang magbonding... ang tagal na din kasi Bago sila nagkitang mag-ina.

        Hinandaan ko muna ng Meryenda ang mag-ina ko. Tinulungan ako ni Carlo na magdala non sa Play Room ng pamangkin niya.

        Malayo pa lang kaming dalawa pero rinig na rinig namin ang tawa ni Lorenzo... nagkatinginan kami ni Carlo.... ngayon lang kasi namin narinig na tumawa ng ganito ang Anak ko. Siguro ito na yung tinatawag nila Mother's Love. Kahit na masmatagal kong nakasama si Lorenzo at ibinigay lahat ng gusto nito ni minsan hindi ko pa siya napatawa ng ganito kalakas.

         Tumulo ang luha ko.

         "Kuya. Ako na pong magbitbit nyan. Punasan nyo na muna luha nyo baka makita pa yan ni Ate Carmela malulungkot yon." nakangiting usal ni Carlo.

         "Salamat."  ipihawakan ko muna dito ang dala kong tray. Saka ko pinunasan ang luha ko.

        "Okay na ba? Hindi na halatang umiyak ako.". tanong ko kay Carlo.

        Umiling ito. At tumawa.  "Pogi pa din po kayo!"

        Sabay kaming pumasok sa Play Room ni Lorenzo.

        "PAPA!". patakbo nitong salubong sa akin.

        Natatawa naman si Carmela saka ako nito ginuhitan sa mukha gamit ang red lipstick kaya pala grabe ang tawa ni Lorenzo kasi si Mommy puro na lipstick ang mukha!

        "Sorry. Daddy gusto ni Baby eh.". malambing nitong hinge nang despensa. Natawa na lang ako sa hitsura niya. Saka namiss ko ang boses niya.

        "Ti-tooooo.". turo nito kay Carlo.

        "Ay! Wag ako Ate!". dali dali nitong nilapag ang tray ng Juice saka tumakbo palabas.

        Kaya ang ending mukha ko na lang ang sinulatan ng sinulatan ni Lorenzo. Habang si Mommy nananamantalang hinubad ang suot kong t-shirt saka ako sinulata sa dibdib ko. Napangiti ako sa sinulat niya.

      'I love you.'  yon ang isinulat ni Carmela.

      Yumuko ako at bumulong sa tenga nito. "I love you much more Mama. Namiss kita. Baka pwede magpaschedule pagtulog ni Lorenzo."

         Natawa lang si Carmela pero natigil yon nang humikab si Lorenzo. Saka nagkakuha sa akin. Maya maya pa ay tulog na ito. Meron siyang duyan sa Play Room niya kaya doon ko ito inihiga. Saka ako humakbang palapit sa pinto para idobol lock iyon.

         "Well?". nakangising tanong ko kay Carmela.

         Tinaas naman nito ang laylayan ng suot na dress. So I consider it as 'yes'. Baka sa pagkakataong ito masundan si Lorenzo kahit hindi na pang-Basketball team ang bilang.

         Hinagkan ko ang mga labi ni Carmela talagang hinanap hanap ko ito. Pareho kaming napaungol nang marating namin ang dulo ng Mundo o masmasasabi kong Langit!

ANG GANDA NI CARMELA SA SUOT NIYANG puting Wedding Gown. Akay akay siya ni Carlo.

        Hindi ko akalaing ikakasal ako. Ito ang huling bagay kasi na hinding hindi ko gustong pasukin... pero dati yon hindi ngayon.

        "Kuya. Alagaan mo si Ate at ang pamangkin ko ha.". nakangiting sambit ni Carlo.

        Tumango ako at kinuha ang kamay nang Babaeng nagpatiklop ng mga tuhod ko. Walang nang hadlang sa kaligayahan namin. Matagal nang namayapa si Taneo habang si Andrea naman nasa Mental Hospital na. Hindi kinaya ng utak nito ang pressure sa loob ng kulungan kaya bumigay ito.

         "MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!!" sigaw ng mga tao paglabas namin ng Simbahan kalong ko si Lorenzo.

         Ito na yung magiging umpisa ng panibagong pahina ng Buhay ko kasama ang dalawang taong kumompleto sa akin... Ang mag-ina ko. Bubuo kami ng Isang masayang pamilya.

      ----------------WAKAS-------------

CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon