Umikot paharap sa akin si Carmela saka niya ako niyakap ng buong higpit. Ito Yung yakap na gusto kong ibigay niya sa akin yung tipong hindi sapilitan. Ninamnam ko ang maliit niyang mga braso na nakakapit sa bewang ko.
"S-salamat uli... Sir-----Gustavo. Iingatan ko to. Salamat." mahinang sambit nito habang pinupunas sa puti kong Long sleeves ang mga luha niya. Para lang siyang batang tuwang tuwa sa natanggap na regalo.
Hinagkan ko uli siya sa kanyang buhok. "Buti at nagustuhan mo. Basta magsabi ka lang. Ibibigay ko sayo kung anuman yon."
Umiling siya saka bahagyang tumingala. "Ayoko humingi sayo. Kaya kong pagtrabauhan yung panggastos ko sa araw araw pati yung kina Mama. Sanay akong magtipid... kaya salamat talaga sa mga bigay mo sakin. Makakatipid ako sa bigas pati sa ulam. Rekado na lang ang bibilhin ko!"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Naalala ko bigla nung unang beses na nakita ko siya. Nagtutupi siya nun nang mga damit na ginulo ng mga Costumer... napakasimple lang niya. Gaya ng sabi ni Dad malalaman mong Importante ang isang tao kapag hindi ka na nito pinapatulog sa gabi. At ganun nga kaya kinuha ko ang Mall kay Dad dahil kay Carmela gusto ko siyang makilala ng husto kaso may umeksena si Taneo. Naging sila at masayang masaya naman si Carmela sa kanya. Ang sarap basagin ng pagmumukha ni Taneo dahil inagaw niya sakin ang kaisa isang babaeng gumulo sa isip ko at nagpawindang nang Mundo ko. Hanggang sa dumating si Andrea. Payag siyang maging Bedmates ko pero hindi ko siya tinuri na Girlfriend kahit kelan hanggang kama lang siya. Binibigay niya ang init na hinahanap ko gabi gabi kapalit ng mga bagay na kaya kong ibigay. Pero iba si Andrea... kahit ilang beses pa siyang maghubad sa harap ko hanggang init ng katawan lang ang makukuha niya mula sa akin. Iba din si Carmela... ako ang Una at ang magiging huling lalake sa Buhay niya. Sinisigurado ko yan!
Nagulat ako ng tabigin ako ni Carmela.
"Naku! Tuyo na Ang sabaw!". tukoy nito sa Tinola.
Hinawi ko ito baka mapaso kasi siya. Agad kong pinatay ang Stove. Saka tinignan ang loob ng Kaserola. Natawa ako.
"Tingin ko Carmela. Yung Tinola mo mukhang magiging Adobo." sabay tawa ko uli.
"Ha?! Patingin nga!" tinabig niya ako saka sumilip sa Kaserola. "Hala! Sunog na! Pano to. Sayang!"
Niyakap ko uli ito. "Umupo ka muna. Ako na lang ang magluluto."
Tumingala siya sa akin. "Bisita kita dito Gustavo."
Napangiti ako. "Bakit hindi mo na lang ilipat yung simcard mo sa bago mong cellphone tapos videohan mo ko o kaya picturan diba."
"Okay. Marunong ka bang magluto?"
Ang cute niya habang nakanguso. Masama ang loob dahil masunog ang Tinola nya.
"Yup! I'm an expert!". pagyayabang ko.
Tumaas ang Isang kilay ni Carmela. "Expert ha... Baka mamaya niyan e Piritong Manok lang ang mailuto mo tawanan talaga kita!"
Yumuko ako saka pinisil ang magkabila niyang pisnge. "Laugh while you can. I'm sure you will going to like it."
Tinapik nito ang mga kamay ko.
"Ang bastos mo naman Gustavo!"
"Ha?! Anong bastos sa sinabi ko?". natatawang tanong ko.
Namula ang mukha ni Carmela. "Yung paraan kasi ng pagsasalita mo ayusin mo para ka kasing---"
Namewang ako. "Para akong ano Carmela?"
BINABASA MO ANG
Carmela
RomancePROLOGUE "Sir. Bakit nyo ho ako tatanggalin sa trabaho?" mapangahas kong tanong sa Manager ng pinagtatrabauhan kong Mall. "Yon ang desisyon ng May-ari. Kasama ka sa mga male-lay-off. I'm sorry Carmela." alam kong nasunod lamang ito...