Araw-araw laging ganito lang ang ginagawa ko. Paggising ko sa Umaga. Ihahanda ko ang susuotin ni Gustavo tapos bababa para magluto nang Almusal kapag nakaluto na ako saka ko naman siya gigisingin kaso ang problema pati ako isinasabay na niya sa pagligo niya para daw makatipid sa tubig at sa sabon at shampoo. Sinasabon ko ang katawan niya habang shina-shampoo niya naman ang buhok ko. Nakakatuwa Ang dating nakakatakot kong Boss pwede pa lang maging ganito kaamo.
"Tumataba ka ata ngayon." bulong nito habang tinutuyo ng tuwalya ang buhok ko.
"Kasalanan mo to eh. Puro kasi masasarap na pagkain ang binibili mo eh kaya ayan nagiging tabachoy na ako!" uminit agad ang ulo ko ewan ko kung bakit. Sabay tulak ko sa kanya kaya napasandal ito sa pader.
Tumawa lang siya.
"Sungit!" talagang nang-aasar pa.
"Baba na ako ha. Antayin kita sabay tayo mag-almusal Bago ako pumasok sa trabaho." malambing nitong sambit habang nakahawak sa saradura ng pinto.
Tumango ako. Saka ito lumabas ng pinto. Para akong naiiyak nung Wala na sa paningin ko si Gustavo. Hindi ko alam kung bakit ako ganito ngayon. Minsan gustong gusto ko siyang makita minsan naman ayoko. Bigla akong napa-isip. Kinabahan ako bigla. Dalawang Buwan na ako dito sa poder ni Gustavo at sa loob ng Dalawang Buwan na yon hindi ako dinatnan! Sinipat ko ang sarili ko sa salamin at tama tumaba nga ako lage din akong gutom. Napahawak ako sa Tiyan ko. Isa isang nagbagsakan ang mga luha ko. Pano kung buntis nga ako? Hindi din malayong mangyari yon. Walang ginagamit na proteksyon si Gustavo kapag nagtat*lik kami at sabay naming nararating ang dulo ng pantasya namin at ang malupet pa halos gabi gabi namin yong ginagawa kahit araw Meron din kaming schedule. Hindi naman ako nagrereklamo kong magdalang tao ako ginusto ko din naman ito. Isa pa naging mabait sa akin si Gustavo ramdam kong kahit paano may puwang ako sa Buhay niya at sana Meron pa din kapag nalaman niyang buntis ako. Pero hindi pa ako sigurado. Kelangan kong bumili ng Pregnancy test. Bahala na sa magiging resulta. Kung ayawan kami ni Gustavo o di uuwe ako kina Mama sa laki ng perang pinadala ni Gustavo kina Mama sigurado akong may naipon sila kahit pano.
Napukaw ang pagmumuni muni ko ng bumukas uli ang pinto. Si Gustavo. Agad akong nagpahid nang mga luha ko.
"Umakyat uli ako kasi ang tagal mong bumaba." nangunot ang noo nito. "Umiiyak ka ba? Bakit?"
Lumapit ito sa akin saka ako niyakap Lalo tuloy akong naluha. Grabeh gustong gusto ko kapag akap niya ako. Pakiramdam ko protektado ako yung tipong walang pwedeng umapi sa akin.
"N-namiss ko kasi sina Mama.". palusot ko.
Hinaplos ni Gustavo ang magkabila kong pisnge saka ako tumingala para pagmasdan ang brusko nitong mukha.
"Malapit na ang pasko. Wag kang mag-alala sasama ako sa pag-uwe mo sa Mama mo gusto ko din kasi siyang kausapin."
"K-kausapin? Gustavo wag mong sabihin Kay Mama ang mga pinaggagagawa ko ayokong magalit siya at-----"
"Pakakasalan kita Carmela kaya gusto kong hingen ang bendisyon ng Mama mo."
Natulala ako sa sinabing yon ni Gustavo. Pakakasalan niya ako? Talaga? Totoo ba to?
"G-Gustavo? Joke ba to?"
Umiling siya at tumawa. "Hindi. Tara almusal na tayo saka isasama kita naisip ko kasing Dalawang Buwan ka nang nakakulong lang sa hawla mo. Para makapamasyal ka. Tara."
Hindi na ako nakatutol ng buhatin na naman ako ni Gustavo.
"Wow! Bumigat ka na Carmela! Effective pala ang sariwang putaheng pinakain ko sayo ah!" kinagat ko ito sa braso ang kulit Kasi. Tumawa lang siya at lalong nang asar!
BINABASA MO ANG
Carmela
Любовные романыPROLOGUE "Sir. Bakit nyo ho ako tatanggalin sa trabaho?" mapangahas kong tanong sa Manager ng pinagtatrabauhan kong Mall. "Yon ang desisyon ng May-ari. Kasama ka sa mga male-lay-off. I'm sorry Carmela." alam kong nasunod lamang ito...