Tatlong Buwan na din simula nang kinuha at iniwan ni Taneo si Carmela sa kung saan. At Tatlong Buwan na din akong naghahanap sa mag-ina ko.
Nasa Opisina ako. Pero Wala Dito Ang isip ko. Iniisip ko pa din ang tungkol kay Carmela. Malapit na akong mabaliw. Baka magaya ako kay Taneo na hindi kinaya ang pressure kaya nagpakamatay sa loob ng selda niya.
Napukaw ng tunog nang cellphone ko ang mumuni muni ko.
"Hello?" sagot ko.
"Ito po ba si Gustavo Mariano?". tanong nang isang Babae na sa tantya ko ay matanda na.
"Ako nga. Sino ho kayo?" sagot ko.
Narinig ko itong nagpasalamat sa diyos. Saka humikbi.
Kinabahan ako. "S-sino ho kayo?"
"Hindi mo ko kilala. Pero yung Babaeng nakita ko sa Daan. Lage niyang binabanggit ang pangalan mo. K-kaya eto nagbakasali ako kuntakin yung numero nyo... ngayon lang ako nakatawag kasi ngayon lang may nagpaskil ng mukha niya na nawawala siya. Buti at kinopya ko. Naku puntahan mo siya dito sa Sorsogon Bicol. Pag-andito ka na pumunta ka dito sa istasyon ng Night light Bus Station. Dito Kasi ako nagtitinda. Asa Bahay lang siya."
Pero kailangan kong makasigurado. Madami na din ang tumawag sa akin at nagsasabing nasa kanila si Carmela.
"Hindi sa Hindi ho ako naniniwala kaso madami nang tumawag sa akin at sinabing nasa kanila si Carmela kahit wala naman."
Huminga ng malalim ang matandang babae mula sa kabilang linya. "Alam kong itatanong mo iyan. Sige. Lage siyang may binabanggit na pangalan kapag natatakot siya... Taneo. Saka lagi din niyang sinasabi na mabait si Gustavo at mahal ka daw niya naiwan daw niya ang bigay mong magandang cellphone. Sapat na ba yon na katibayan o massapat kung sasabihin kong Malaki na ang tiyan niya. Hindi ko alam kung ilang Buwan na. Kasi hindi ko siya makausap ng matino. Naniniwala ka na ba?"
Tumikhim ako. At sumulyap sa wristwatch ko. "Antayin nyo ho ako."
Si Carmela nga ang tinutukoy ng matanda. May tumulong luha sa mga mata ko. Siguro tears of joy. Dali Dali akong nagtungo sa Parking lot. Pina-cancel ko lahat ng Appointment ko ngayong araw. Mas-importante ang mag-ina ko.
Agad akong sumakay sa kotse. Antayin mo ako Carmela. Papunta na ako diyan. Iuuwe na kita.
Wala namang trapik kaya binilisan ko ang takbo ng Kotse ko. Magtatanghalian ng umalis ako ng Mall. Sa pagkakaalam ko walaong oras ang biyahe papuntang Bicol sa madaling salita gagabihin ako. Sana antayin ako ng matanda.
GABI NA NGA NANG MAKARATING AKO sa Sorsogon Bicol. Nagtanong ako agad kung saan Banda ang sinabi nitong Night light Bus Station.
Madali ko naman itong nakita. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa gilid nang kalsada saka ko hinanap yung matanda. Nakalimutan ko palang kunin ang pangalan ng tumawag na Babae. Pano ko ipagtatanong ang pagkakakilanlan nito kung hindi ko alam ang pangalan. Sh*t!
Abala ako sa kakahanap kung merong matandang Babaeng nagtitinda sa gilid o sa loob ng Bus Station. Nagulat ako ng may humawak sa braso ko.
Natigilan ako. Medyo kinabahan ako. Alam ko ang hawak na yon. Iisang tao lang ang may lakas loob na hawakan ako sa braso ko. Parang ayokong lumingon sa gawi nito dahil baka nagkakamali lang ako.
"G-Gustavo?" masuyong sambit nito. Parang huminto ang Oras. Boses yon ni Carmela. Humigpit ang hawak nito sa braso ko.
"G-Gustavo?" ulit nito sa pangalan ko. Naramdaman ko ang panginginig ng mga balikat ko at dahan dahan akong humarap.

BINABASA MO ANG
Carmela
RomansaPROLOGUE "Sir. Bakit nyo ho ako tatanggalin sa trabaho?" mapangahas kong tanong sa Manager ng pinagtatrabauhan kong Mall. "Yon ang desisyon ng May-ari. Kasama ka sa mga male-lay-off. I'm sorry Carmela." alam kong nasunod lamang ito...