CHAPTER THREE

213 17 6
                                    

Day off ko ngayon! Sakto at magpapadala ako kina Mama. 50k ang binigay kagabi ni Sir Gustavo. Magbabayad na muna ako ng Renta ko pati sa tubig at kuryente. Saka na ako magpapadala.

         Nagtimpla ako ng kape. Saka ko kinuha ang Pandesal na tira ko kahapon sa isang kahon. Isinawsaw ko iyon sa kape ko. Mag-almusal muna ako bago ako umalis.

KAHIT ANONG LINGON KO hindi ko makita si Carmela. Nauubos na ang pasensya ko ah pero hindi dapat magpahalata.

        "Meron palang mga Absent ngayon.". Patay malisya kong tanong.

        "Absent po?". ulit ng Manager ko.

        "Oo."  sabay turo ko sa pwesto ni Carmela.  "Wala si Miss Estrella ganun din ang iba."  palusot ko. Teka bakit naman ako matakot kung malaman nilang may affair kami ni Carmela? E ako ang Boss nila!

       "Ah! Naku Sir. Day off po kasi nila kaya wala po sila dito."  sagot nito.

       Nagsalubong ang kilay ko. "Day off?"

       "Opo. Sir----"

       Hindi ko na ito pinatapos sa sasabihin nito. Agad akong talikod at umalis.

       Day off pala niya bakit hindi niya sinabi sa akin! Kinuha ko ang cellphone ko saka ko dinayal ang Numero ni Carmela.

       Naka-ilang minuto na pero hindi pa rin ito sumasagot. May meeting pa ako. Itinext ko na lamang ito.

        "Sir. Inaantay na po kayo sa Conference Room."  pagbibigay alam ng Secretary ko. Lalake na ang kinuha kong kapalit ni Andrea.

         Hindi ko ito sinagot. Naihagis ko ang hawak kong Cellphone. Naka-ilang text at tawag na ako ni hindi man lang nasagot! Baka tinakasan na niya ako? Pero imposible Kasi mahal nun ang trabaho niya.

        "Joshua!". tawag ko sa Bago kong Secretary.

         "Yes Sir?"

         "Ikuha mo ako ng Bago Cellphone dalawa. In 5 minutes aalis ako."  utos ko dito.

         "Aalis po kayo? Pero Sir may meeting po kayo sa---"

         "Pauwiin mo na lang sila. Ngayon kung ayaw nilang umuwi o di i-cancel na lang kamo nila ang kontrata. Hindi sila kawalan. Yung cellphone kelangan ko yun NOW!"

        "Naku! Opo Sir!" agad itong umalis.

        Carmela. Makakatikim ka sa akin mamaya. Kahit magtago ka pa mahanap at mahanap pa din kita.

Nakapagpadala na ako kina Mama at nakabayad na din ako sa Renta at tubig pati kuryente. Teka baka nagtext na si Mama?

       Kinuha ko ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hala! s-si Sir natawag Pala at ang dami niyang text. Binasa ko ito.

Gustavo :  10:05am
         Asan ka?

Gustavo :   10:08am
         Bakit hindi ka nasagot?

Gustavo :   10:11am
          Tinatawagan kita!

Gustavo :  10:20am
          Sh*t! Tinataguan mo ba ako?

         Nanginginig ang mga daliri ko habang binabasa ang text nito. Nagulat pa ako nang mag-ring ng cellphone ko. Si Sir Gustavo! Sasagutin ko ba o hindi? Naku baka magalit naman kapag Hindi ko sinagot. Huminga muna ako nang malalim saka ko yon sinagot.

        "Hello...Sir?". bungad ko.

        "Gustavo! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo ha?". sagot nito sa kabilang linya. Naku galit nga.

CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon