CHAPTER NINE

171 13 0
                                    

Tahimik kong binuksan ang pinto nang Kuwarto ni Carmela. Gising na pala siya hinahaplos nito ang tiyan. Kaya pala ang laki ng tiyan niya yun pala Apat ang laman! Ang galing ko talaga! I'm proud of myself! Aba bihira lang ang makakagawa ng nagawa ko ah.

        Pumasok ako sa loob saka ko sinara ang pinto.

        "Gustavo.". mahinang tawag ni Carmela.

        Ngumiti ako saka ako humakbang palapit sa kama niya.  "Kumusta nang pakiramdam mo?"

         Hinawakan nito ang kamay ko. Saka iyon dinala sa bilog na bilog niyang tiyan. Hinaplos ko naman iyon. Humikbi si Carmela.

         "B-bakit Mama?". nag-aalalang niyakap ko ito.

         "Apat daw sila sabi ni Dok... Gustavo natatakot ako... p-pano kung hindi ko sila makayanang e-ere lahat?". napangiti na lamang ako at hinagkan ko siya sa noo.

        "Don't worry sasamahan kita sa delivery room. Sisiguraduhin kong maipapanganak mo silang lahat. Sa ngayon dapat magpahinga ka lang ha. Bali inutusan ko si Joshua na mamili ng pangregalo para sa kapatid mong lalake at para sa Mama mo."

        Ang sarap ng yakap ni Carmela. Tingin ko pag uwe namin sa Pasko... Hihingin ko na ang kamay niya. Gusto kong normal na huminge ng pahintulot mula sa Mama niya. Ano pa bang hahanapin ko. Meron na ako nang lahat nang bagay sa Mundo at ang pinakamahalaga sa lahat meron na ako matatawag kong sarili kong pamilya. Ako ang bumuo nito kasama si Carmela at magpapatuloy kami hanggang sa pagtanda namin. Walang bagay ang hindi ko ibibigay sa mga anak ko.... lalong lalo na sa Mommy nila. Kung kinakailangang pati sarili ko ibigay ko sa kanya pagkatapos niyang manganak e ibibigay ko pa din! Kaso nga lang may kondisyon na eh kelangan ko ng gumamit ng proteksyon! E pano na Ang Basketball team namin? Panira tong cond*m na to bakit ba kasi nainbento pa yon?! Dati naman wala namang ganun ah! Sana magbago isip ni Carmela. Masmasarap pa din ang Natural process!

        "Gustavo!"  tawag ni Carmela sa atensyon ko.

        "Yes Mama?"

        Ngumuso ito. "Gusto ko ng mangga Yung may sawsawan na asukal at bagoong! Nagugutom na kasi ako eh."

        "Ha? N-nakakabusog ba yon? Saka Wala atang mangga at bagoong sa cafeteria ng Ospital. Mama."

         "G-ganun ba?". saka umagos ang masaganang luha nito.

         Agad ko iyong Pinahid.

         "Gustavo. Gusto ko nun.... Gusto namin nun.... Tapos hindi pala pwede kasi wala sa cafeteria... Meron nun sa palengke e.". hagulhol ni Carmela.

        Napabuntong hininga ako. "Okay. Bibili na po ako. Pero dito ka lang ha. Wag na wag kang lalabas ng Kuwartong ito. Kapag may problema pindutin mo lang yang buton na yan. Maliwanag ba?"

         Tumango si Carmela  saka nagpunas nang luha. Hindi kaya trip lang ako nito. Pero ayos lang para maging kamukha ko silang apat!

        Lumabas na ako. May dalawang bantay sa mismong pinto ng Kuwarto ni Carmela para Hindi na siya mawala pa.

       Nagbilin ako sa mga bantay na tanging mga Doktor at Nurse lang ang papapasukin nila. Saka ako umalis. Medyo malayo Ang palengke

PAGLABAS NI GUSTAVO MAY PUMASOK na Nurse. Ngumiti ako dito. Naka-face mask ito kaya hindi ko gaanong makita ang mukha nito.

         "Wow. Ang lake na nang tiyan mo Miss Estrella."

        Napatitig ako dito. Bigla akong kinabahan parang kilala ko kung kaninong boses yon. Tumawa ito. Nagulat ako ng bigla niya ilabas ang dala niya Swiss knife!

CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon