Ang sakit ng katawan ko. Dahan dahan akong bumangon. Nasaan ako? Nakahiga ako sa isang malaking kama. Maaliwalas dahil nakabukas ang pagkalaki-laking bintana. Teka baka Isa to sa Bahay ni Gustavo!
Agad akong tumayo.
"Gusta---" napahinto ako sa pagsasalita nang maramdaman kong parang may nakakabit sa sakong ko. Binaba ko ang tingin ko. Kadena? Kinadena ako ni Gustavo? Pero imposible.
"G-Gustavo!" tawag ko ng paulit ulit sa pangalan nito.
Bumukas ang pinto. Niluwa non ang nakangising mukha ni.....
"Taneo!?" nanginig ang buong katawan ko Lalo ng humakbang ito palapit sa akin.
"Sabi ko naman sayo Carmela makukuha kita Bago matapos ang Araw na to diba. At eto andito ka ngayon sa Bahay natin. Alam mo bang trinabaho kong mabuti kung paano ko kayo mapaghihiwalay ni Gustavo. At ayun nga isang package lang ang katapat niya at andito ka na kasama ko. Diba ang galing ko!"
"Hindi... Ikaw ang gumawa non sa kanya? Pero bakit? Ano bang ginawa ni Gustavo sayo at ganyan ka sa kanya?!"
"Inagaw ka niya sa akin Carmela! Kaya Tama lang na magkaganon siya! Kulang pa nga yon dahil pinakialaman ka ng H*y🤫p na yon! Binuntis ka niya!"
"Tumahimik ka! Lahat ng nangyayari kasalanan mo! Ikaw at si Andrea! Kayong dalawa ang dahilan kung bakit ako nagkaganito! Kaya wag na wag mong maisisi Kay Gustavo lahat! Ang kapal ng mukha mo! Pinagkatiwalaan ka niya diba! Naging mabait siyang Amo sayo! Bakit mo siya ninakawan! At ngayon Ikaw pa ang galit! Ikaw ang dapat na nasa kulungan! Hindi si Gustavo!"
Napaatras ako ng sunggaban ni Taneo ang buhok ko. "Ah. Talaga? So si Gustavo na ba ang Mahal mo ha? Bakit dahil magaling siya sa kama!? Siguro kung patitikimin kita baka sakaling magbago ka kasi masmasarap ako kesa sa kanya!"
Lumipad ang kanang kamay ko at tumama yon sa pisnge nito. "H*YOP KA TANEO! TRAYDOR KA! PAKAWALAN MO KO DITO!"
"Wow. Palaban ka na pala ngayon Baby ko. Gusto ko yan. Wag kang mag-alala alam mo kung bakit. Pagkatapos ng gagawin ko sayo tiyak tanggal yang nasa loob ng Tiyan mo." banta nito.
"Wag kang lumapit sa akin Taneo. Please lang. B-buntis ako!" napahawak ako sa medyo umbok kong Tiyan.
"Owww mukhang naging maamo ang Tigre... Gusto ko yan. Ilang Buwan lang akong nawala nagbago ka kaagad at talagang wenelcome mo siya nang todo at nagpabuntis sa kanya."
Tuluyan na akong napaupo sa kama. Napahiyaw ako ng sabunutan ako ni Taneo saka niya ako hinagkan sa labi. Ayoko kaya kinagat ko ang labi niya.
"ANAK KA NG P*T*! KINAGAT MO KO!" isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya pero ayos lang ang mahalaga hindi niya ako magagalaw. Ayoko. Si Gustavo lang ang gusto ko.
Naglakad si Taneo palabas ng kuwarto siguro gagamutin niya ang nagdugo niyang labi.
Napapikit na lamang ako at niyakap ko ang sarili ko. "Asan ka na Gustavo... natatakot ako..." impit kong daing.
HALOS HATING GABI na nang bumalik sina Seth at Eros. Hindi nila nakita si Carmela. Para akong nauupos na kandila. Napasandal na lamang ako sa gilid Ang kulungan ko.
"Carmela... Patawarin mo ko. Pero kahit anong mangyari hahanapin ko kayo." tanging bulong ko.
"Gustavo. Pare. Tumayo ka na diyan.". pukaw ni Santiago. "Umobra ang petisyon namin halika na at may hahanapin pa tayo. Tumawag na ako sa Bahay nagpaalam na ako Kay Carmen. Ikaw Seth?"
BINABASA MO ANG
Carmela
RomancePROLOGUE "Sir. Bakit nyo ho ako tatanggalin sa trabaho?" mapangahas kong tanong sa Manager ng pinagtatrabauhan kong Mall. "Yon ang desisyon ng May-ari. Kasama ka sa mga male-lay-off. I'm sorry Carmela." alam kong nasunod lamang ito...