Naglalakad ako nang Mapansin na may sumusunod mula sa likuran ko.Hinarap ko yun agad, at. Di inasahan.
“bakit ka pa nandito?” sa hina ng boses ko hindi ko alam kung narinig nya ba
“para malaman ang sagot mo sa tanong ko.” napakurap ako at nagtaka.
“Anong tanong?” Puno ng inis na may lungkot ang mga mata nya. Para bang may mali
“Kahit kailan hindi mo sinabing Mahal mo Ako. Ngayon sabihin mong hindi taas noo, sa mga mata ko. at Titigilan na kita.”
Hindi ko alam kung ano pa bang dapat kung gawin. Ano pa bang masasakit ang dapat kong marinig. Para matapos na ‘to.
“Ayaw ko sa mundo mo. Ayaw ko mapalapit sa mundo mo kase, magmumukha akong kawawa. sa Iba. sa pamilya mo. Ayaw ko non. pero,”
nakatingin lang kami sa mata ng isat isa, parang. Ang sakit sa puso. Makita syang ganto. dahil,
“gusto kita ... gustong gusto kita... Ayaw ko aminin sa sarili ko na kailangan kita dahil di ko mapipigilan yun! Ang, Mahalin ka” Tumulo na nga ang mga luha ko. Pinunasan ko agad gamit ang likod ng kamao ko. “ano? Masaya ka na” tiningnan ko sya ulit “Masaya Ka na ba!-”
“Bakit ang hirap mong ipaglaban ako.. Brill!! Brill Ako yung Narito! ang Pakikisamahan mo ang Mamahalin mo. Bakit sila pa rin ang iniisip mo!!”
“Dahil parte Sila ng buhay mo! Rade. Paano yung mga nasasaktan”
“Paano naman ako. paano ako?” Hindi ko mapigilan ang mga luha ko, sunod sunod ang patak.
“Magiging tahimik lang kapag nalayo na ako sa ‘yo.”
“Wala ka na bang sasabihin?”
Inalog ko ang ulo ko na sinasabing wala na.
“Makakalimutan kita. Makikita mo” sabay non ay ang pagalis nya. Habang ako. pinanood syang mawala sa akin,
mawawala nga ba? ng tuluyan.