Tawid by @𝗰𝗮𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲𝘀

0 0 0
                                    

Ito nanaman ako, tumatawid ng kalsada bago makapuntang School. Ayan na, ayan nanaman. Makakasalubong ko nanaman siya

As if, Kilala n'ya ko.
Tuloy tuloy lang ako sa pag lakad at siya rin. Di pansin ang presensya ko. Naka ear pods pa, cool na dating, di ako mahilig sa lalake, kaso sakanya. siya lang ang nakapag padama sa ‘kin ng malakas na heart beat. Pero syempre, acting like i don't know Him. Naka uniform siya, tumatawid ng kalsada.

Nang papalampas na siya sa ‘kin, sa may gilid ko. Bigla ba namang nahulog ang iilan sa dala kong libro! Sa paper bag ko lang kasi nilagay. Napunit tuloy sa bigat siguro

Napanganga ako sa inis o gulat. “HALA” Napalakas ang boses ko. “SHITT andito pa si Wren” mahina kong sabi. Napatingin ako sa mga kasabay ko sa paglalakad Gago nakatingin ba naman. kaso isang tao ang lumapit sa akin

Tiningnan ko s‘yang pinag kukuha ang libro, pati ako tumingin na lang sa mga libro kase. Di ko siya gusto tingnan Naiinis rin ako, napansin n'ya ako sa gantong pagkakataon.

“Akin na” Sabi ko nang pabalang di nakatingin sakanya. I didn't know what was His reaction when i said that. Hinihintay ko lang na ibigay n'ya kamo sa kamay ko. Nang mabigay n'ya na tumuloy na ako sa pag lakad.

“uh, Thank you ha! Miss Shame” sigaw n'ya mula sa likuran.

Napahinto ako. Kilala n'ya ko? Alam n'ya pangalan ko, dahan dahan ko siya nilingon nang makatawid na. Nakatayo siya sa may kabilang tapat ko nakatingin, mismo sa akin. kumindat pa bago umalis


(Expect some errors ahead, and some wrong grammar and punctuation. photo from Pinterest, credits to the owner)

RANDOM STORIES, BY MY IMAGINATION Where stories live. Discover now