Chapter 2: Girlfriend

139K 1.6K 313
                                    

 

Chapter 2: Girlfriend

Kara Charlotte's POV

Hi I’m DJ!

Hi I’m DJ!

Hi I’m DJ!

Hi I’m DJ!

Hi I’m DJ!

 

Minulat ko ang aking mga mata sa pag-aakalang panaginip lang iyon...

Pero sa aking pag mulat ay nakita ko ang isang lalaki na nakayuko at natutulog....

Sa tabi ng aking mga kamay na nakalatag sa kama....

Linibot ng aking mga mata ang kwarto kung saan ako’y naroon...

At unti-unting lumaki ang aking mga mata....

Puting pinto

Puting bintana

Puting kisame

Puting dingding

At isang angel sa tabi ko....

Tiningnan ko ang labas ng bintana habang pilit na ina-alala ang pangyayare bago ako napunta ditto..

Langit na ba to?

Pero pano ako na punta sa langit, eh kung tutu-usin ay dapat ala impyerno na ang aking nararamdaman dahil sa ako’y hiniwalayan ng aking boyfriend....

“Gising ka na pala”

Nagising ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses na yon.....

na ilang ulit ko ng naririnig sa mga radio, t.v. at internet...

Di ako pwedeng magkamali siya yon....

Kaya mula pagkakatingin sa labas ng bintana ay ini Lipat ko ang aking mga tingin sa angel na katabi ko...

“Dane..”

Ang tanging lumabas na salita sa aking bibig...

Ngumiti siya...

“Okay ka lang ba?”

Di ako makapaniwala....

Kaya hinawakan ko siya sa pisnge...

Lag lag panga...

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at...

 may biglang pumasok na lalaki

“Dane, may mga reporters sa labas...gusto ka daw nilang tanungin kung bakit na putol ang concert mo kagab—“

Di na niya natapos ang sasabihin niya...

“di natapos?” tanong ko...

“oh-.. gising ka na pala... ah.. ako nga pala ang manager ni dane.. “

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon