Chapter 7: Confession II

115K 1.1K 71
                                    

 Chapter 7: Confession II

Kara Charlotte’s POV

Madaling araw na, Im watching the sunrise ditto pa din kung saan ako dinala ni Dane …

Di na ako na kauwi kasi naman, lasing na lasing na to si Dane  kagabi 

Tinawagan ko na lang si ate nic’s para sabihing wag na akong hintayin.

Natawa  na lang ako ng malungkot ng maalala ko ang pinag-gagawa nito kagabi

---

“jul!” for the nth time yan nanaman ang sinisigaw niya

Matapos niyang sabihin ang katagang “Walang jul’ng bumalik” e pinagbabato na niya ang mga bato papuntang bangin, pinipigilan ko na nga e, baka mahulog pero sadyang malakas siya kesa sa saakin

Kalaunan  tumigil na siya sa pam babato at lumuhod na lang sa lupa

“Mahal na Mahal ko siya e” Umiiyak niyang sabi

Ako naman, taga hagod lang ng likod niya, yun lang yung magagawa ko para sakanya

“akalain mo yun? Napaiyak niya ng isang Dane Jarett?” mukhang baliw nato, tumatawa habang umiiyak..

“sabi nila maangas, mayabang, babaero, at walang galang sa babae daw ako, kulang na lang sabihin nila sakin na ako si satanas! Palagi na lang e!"he took a deep breath..

“ di lang nila alam kung gano ako ginago ng isang babae… yung babaeng sinasabi nilang Anghel! yung sinasabi nilang linoloko at pinaglalaruan ko! " ginulo ni Dane  ang buhok niya na  kadalasang ginagawa ng isang lalaki kapag problemado...

"di nila alam kung anong ginawa ng anghel na tinuruting nila! di nila alam kung gano kasakit, kung gano kahirap ang pinag-daanan ko, ginagawa ko naman ang lahat e!” umiiyak parin siya pero pinagpatuloy niya lang ang pag kwe-kwento

Awang awa na ako

"Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko, lahat lahat, pero bakit parang kulang pa din? bakit kulang padin?" 

Sana pala di ko na lang siya tinanong kung ano ba niya si jul

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon