Chapter 13: Sigaw

103K 1.1K 116
                                    

 Chapter 13: Sigaw

 

 

 

Dane Jarett’s POV

 

 

 

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, gulat na gulat at waring di makapaniwala sa nakikita..

 

“tama na” sabi ko

 

Pero patuloy padin sila sa paghahalikan, dib a nila ako nakikita?

 

“sabing tama na!” sinigaw ko na pero parang di parin nila ako naririnig.

 

Ang sakit, ang sakit sakit

 

Nagulat ako ng biglang may umakap sa akin galing sa likod

 

“ako na lang, ako mamahalin kita ng buong buo..” sabi ng babaeng nasa likod ko

 

Gustong gusto ko siyang lingunin kaya lang parang bato ang aking katawan at di ko maigalaw

 

“s-sino ka?” pero imbes na sagutin niya ako ay narinig ko siyang humikbi

 

“o-oy bat ka umiiyak?” natataranta kong tanong.. pinilit ko siyang lingunin, kaya itinagilid ko ang mukha ko para Makita ko kahit papano yung nasa likod,

 

Nagulat ako ng biglang siyang nawala, tingnan ko ang mga parte ng mga lugar sa likod ko para mahanap siya kaya lang wala talaga e..

 

“mahal mo pa ba siya?” nabigla ako sa tanong niya

 

Nasa unahan ko na siya, nakayuko...

 

Bakit parang familiar to?

 

“nandito lang ako para sayo, mahal na mahal kita....”

 

“Kara ?” pero sa sandaling binigkas ko ang kanyang pangalan ay bigla na lang siyang nagpadala sa hangin, tulad kanina bigla bigla na lang nawala, nawala na rin ang kaninang naghahalikan sa aking harapan at nawala na rin lahat ng bagay ditto

 

 

 

Ako, ako na lang ang natira...

 

 

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon