Chapter 3: Start

136K 1.4K 149
                                    

 Chapter 3: Start

 Kara Charlotte's POV

Umi-was ako ng tingin

“Kailangan ba talaga yun?”

Nawala ang ngiti niya at sasagot na sana pero ang manager niya ang sumagot....

“Girl, diba kung sasabihin natin na fan ka lang niya, walang maniniwala? Kasi isipin mo to ahh.. ‘a fan is the reason why Dane Jarett’s concert wasn't finished’ , o e diba walang maniniwala.. kung sasabihin naman na kaibigan eh di sana matagal ka nang nakikita sa mga social networking sites with the caption on every photo na ‘Bonding with my Friends’ eh bawat fan halos alam na lahat ng kaibigan ni dane eh... pero kung sasabihin natin na girlfriend ka niya,  bukod sa may karapatan kaming protektahan ka eh may ipang gaganti na si Dane kay ju—“

“ahh... A-ang ibig niyang sabihin eh...  mas malaki ang controversy kung di natin sasabihin sa kanila na girlfriend kita kasi ang mga reporters ay di titigil sa pag research tungkol sa buhay mo... baka lahat na ng tungkol sayo ay i publish nila sa mga dyaryo,tv at internet, samantalang kung magpapangap ka na girlfriend ko eh matatakot silang bangain ang management ko..” singit ni Dane

Sabagay may punto sila dun...

Teka muna nga... nasan naba  ang phone ko?

Baka hinahanap na ako ni vanessa...solo na kasi ako sa buhay, buti na lang at nandiyan si vanessa...

Sina mama at papa kasi ay namatay dahil sa isang aksedente at nabubuhay ako dahil sa mga ari-arian nila na pinapalakad ng bestfriend ng papa ko, mayaman naman kami kahit papano...

They died kasi hinahabol nila ang time nung  High school graduation ko, they both work on the same company, a company na  2 hours ang byahe mula sa bahay namin...

 kaya lang di sila umabot eh... they we’re in rush kaya nag over speeding sila...

at nawalan ng preno ang kotse at mahulog sa bangin...

I was the valedictorian of my batch, I was very happy, pero bago pa man ako sabitan ng medalyon ay tumawag na sakin ang hospital...

Pinuntahan ko agad ang hospital, nawala na sa isip ko ang graduation...

Pero pagdating ko sa hospital ay nanlumo ako...

They're already dead...

“Uy kara!”

Napalingon ako sa kanya...

Ohh.. ito pala yung bag mo... “

Teka diba nasa upuan ko to nung concert?

“ahh.. yan ang bag na nakita sa reserved na upuan mo nung concert, buti walang gumalaw..”

Mind reader ba to?

“halata kasi sa mukha mo na yun ang itatanong mo...”

Napaiwas na lang ako ng tingin sa hiya...

Tiningnan ko ang laman ng bag at salamat naman dahil walang nawawala... 

Kinuha ko ang phone ko at dial ang number ni vanessa...

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon