Chapter 24.1: AVSUD

81.4K 742 23
                                    

  Chapter 24.1: AVSUD

Kara Charlotte’s POV

Yung premiere na to ang pinaka intense na premiere na nakita ko.

I mean, oo ngayon nga lang ako naka attend ng isang premiere night pero napapanood ko naman ang ibang premiere night ni Dane  sa Youtube at T.V.

Pero itong gabing ito ang tingin kong pinaka intense kasi ang sigawan ng fans ay todo todo talaga. Dagdag mo pa ang tension na babalot saming apat.

I felt Dane  squeezed my hand.

Tingnan ko siya.

He’s looking at me intently. I gave him a small smile then nodded, at binaling sa mga fans ang tingin.

Kanina, nung nakita ko kung papano ni Dane  tingnan si Jul ay nanlumo ako.

Totoo pala, totoo ang mga sinasabi ng mga fans at ng makeup artist.

Ginagamit niya lang ako...

He’s just using me to make her jealous.

------

“hay, Kara  if you keep on giving me a silent treatment.. pano ko malalaman kung anong problema?” Dane  said with annoyance. Imbes na dumeretso kami sa bahay ay dinala nanaman niya ako sa bundok kung saan siya nagpakalasing at umaming mahal niya ang anghel nay un.

I don’t know pero mas kumulo ang dugo ko, kung ba’t ba naman sa dinamidami ng lugar na pedeng puntahan ditto pa talaga.

Umiwas ako ng tingin.

He sighed.

“ba naman e, kanina ka pa” sabi niya at ginulo gulo na niya ang buhok niya.

I think kanina pa niya yun gustong gawin kaya lang masisira ang buhok niya sa harap ng medya. Dyehe naman yun diba?

I just constantly tap my foot.

“Kara ” seryoso niyang tawag sakin.

I looked at him

“ano ba talaga ang problema?” he asked me pleadingly.

I just shook my head.

Di ko alam kung papano ko siya tatanungin.

‘Dane  ginamit mo lang ba ako para paselosin si Jul?’

‘Dane , mahal mo pa ba si Jul?’

‘Dane  di mo ba ako mahal?’

The last question hit me, oo nga pala. Wala akong karapatang magselos. Kasi from the start malinaw ang usapan na gagawin lang namin to para sa kaligtasan ko.

And here i am ako pa ang nagiinarte.

Pero kasi ang hirap.

Ang hirap na di ka masaktan, kasi sa lahat ng panahong magkasama kami.

Alam ko unti unti na rin ang nahuhulog.

At ito na nga. Nahulog na.

Ang problema.

Di ko alam kung sasaluhin niya ako.

Kasi ang alam ko—

Ang sinasalo lang naman ng mga prinsepe katulad niya ay ang mga anghel

Katulad niya....

Ang Angel ng lahat.

ang living angel ng buong sanlibutan.

at higit sa lahat...

ang angel ng puso't buhay niya...

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon