CHAPTER 7

93 12 3
                                    

Sanya's POV

Nang makalabas na kami ni Kaizer galing sa loob nang Clinic ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito kalakas ang tibok ng puso ko.

Masyado ata akong nawala sa sarili nang dahil sa titigan namin kanina ni Kaizer.

At ngayon habang may ipinapaliwanag siya tungkol sa debate ay nakalutang ang isip ko dahil sa mga nangyari kanina sa loob ng Clinic.

Dati na naman na kaming close ni Kaizer at talagang caring siya sa kahit na kanino.

Pero yung pagca-care niya sa akin kanina ay parang binibigyan ko ng malisya ngayon sa isipan ko.

At yung sinabi ni ate Kira niya kanina, ano daw? Gusto niyang maging kami ni Kaizer?

Umiling ako saka napapikit dahil sa mga kung ano-anong pumapasok sa isipan ko.

Mabilis akong napatingin kay Kaizer sa tabi ko nang marinig kong tumawa siya nang mahina.

Nakita kong nakatingin pala siya sa akin.

Nakita niya ata yung pagpikit ko at pag-iling ko kanina.

"What's your problem?" tatawa-tawang tanong niya at napaiwas naman ako nang tingin sa kaniya dahil sa kahihiyan. Nakita niya nga!

"H-ha? Ahh...wala may iniisip lang kaya 'ko napailing." saad ko sa kaniya at sinabayan ng ngiti.Saka ako nagpauna na sa pag-lakad para makalimutan na ang kahihiyan ko.

"Hey." rinig kong tawag niya sa akin pero binilisan ko nalang ang lakad papuntang Court dahil baka mailang ako nang dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko.

Mabilis niya naman akong nahabol sa paglalakad.

Pasimple ko siyang sinulyapan nang nasa tabi ko na siya.

Nakita kong nakapamulsa siyang naglalakad habang nakatingin sa harapan nang nilalakaran namin.

Nang marating namin ang Court ay mabilis kaming umakyat sa Stage at umupo na sa puwesto namin sa mga kasama naming partido.

Nagsimula nang mag-salita ang Speaker para masimulan na ang Debate.

Sinimulan nang nasa mababang posisyon ang sagutan sa debate.

Hanggang sa nasa pataas na ng pataas na posisyon na ang sasagot sa tanong at makikipag-debatehan sa iba pang kalaban naming partido.

Dalawang oras bago natapos ang debate-han.

Nakahinga ako nang maluwag dahil kahit medyo sumasakit pa ang braso ko ay may anim na beses akong nakasagot nang maayos sa mga itinanong sa akin nang Speaker bilang tumakbo sa posisyon na Secretary.

Tiningnan ko si Kaizer sa tabi ko at nakita kong ngiting-ngiti siya dahil maging siya ay alam niyang may laban ang partido namin.

"You look so happy." nakangiting sabi ko kay Kaizer nang mag-end na ang debate.

Agad niya naman akong nilingon.

Nakangiting tumango-tango siya at bigla niya nalang hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"May chance na talaga tayong manalo, Sanya." galak at nakangiting sabi niya sa akin at nakangiti akong tumatango dahil kita ko talaga sa mga mata niya ang saya.

Habang magkaharap kami ay may sinasabi pa siya sa akin pero parang hindi ko iyon marinig at bigla nalang akong nalutang.

Natauhan ako nang bigla niyang pinitik ano noo ko.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now