Sanya's POV
Pagkapasok namin sa office bumungad sa'min ang itsura ni Yana na naka-busangot habang nakatingin sa matatatandang manyak na muntikan na kaming pagsamantalahan kanina lang.
Napatingin ang ilang na'ndito sa office sa kamay namin ni Kaizer na magkahawak dahil pinagsiklop iyon ni Kaizer.
Kaya mabilis kong tinanggal 'yon at ramdam ko pang namula ang pisngi ko dahil iba ang naramdaman ko habang hawak n'ya ang kamay ko kanina.
Madalas naman na niyang nahahawakan ang kamay ko dati pero ngayon ko lang napansin na may epekto na iyon sa'kin.
Nagkatinginan pa kami ni Kaizer pero ako din ang napaiwas agad.
Maya-maya'y nag-uusap usap na pala uli sila kaya napatingin na uli kaming dalawang sa Guidance counselor.
"Kung gano'n totoo ba ang sinasabi nila na muntik niyo ng pagsamantalahan itong si Ms. Yana at Ms. Sanya, Nicolo!?" may bahid na pagkagalit na tanong ng counselor kina Nicolo at Jacob.
Sina Nicolo at Jacob ay working student dito sa School at may scholar.
Pareho silang nawalan ng magulang simula nung nangyari ang hindi inaasahang trahedya nung nakaraang taon.
Pero kahit gano'n ang napagdaanan nilang dalawa ay napag-patuloy pa rin nila ang pag-aaral nila dahil nabigyan sila ng Scholar dahil sa katalinuhan nila.
Bukod do'n nabigyan din sila ng pagkakataon na mag-trabaho rito madalas sa School bilang construction worker tuwing wala silang pasok. At doon nila nakakasama ang apat na matatanda na kasama nila kanina na binalak silang dalawang takutin para mapasunod nila si Nicolo at Jacob.
Hindi ko man lubos na kilala si Nicolo at Jacob, pero alam kong hindi nila gusto yung nangyari kanina.
Mababait sila at madalas ko silang nakakausap kaya alam kong inosente sila at tinakot lang sila nung apat na matanda para mapaalis sila sa marangal nilang trabaho.
Naawa ako kay Nicolo nang napilitan siyang tumango sa tanong ng Counselor, sumang-ayon siya na may ginawa nga s'yang masama kahit ang totoo ay wala naman.
Alam kong walang balak si Nicolo at Jacob na pagsamantalahan kami ni Yana kanina dahil alam kong napag-utusan o tinakot lang sila ng mga manyak na matatatandang ito.
Nakita ko ang pagbuntong hininga at pag-kasalubong na kilay ng Counselor dahil sa pag-tango ni Nicolo at naniwala nga itong kasama sina Nicolo at Jacob sa may balak na pagsamantalahan kami kanina.
Mag-sasalita pa sana uli ang Counselor nang bigla akong tumikhim dahilan para mapunta ang tingin nila sa'kin.
Kanina ko pa rin gustong mag-salita tungkol sa nangyari at nais kong sabihin ang totoong nangyari kanina.
"Counselor g-good evening. I just want to speak, can I?" Agad akong nag-salita at dumepensa.
"Oh you're already here, Ms. Sanya. Kanina ka pa namin iniintay, speak up... Kung ano ba talaga ang totoong nangyari."
Hindi na umangal ang Counselor dahil mukhang gusto niya rin marinig ang katotohanan.
Nang pasadahan ko ng tingin ang lahat, ay napansin kong hinihintay na nila ang mga sasabihin ko.
Napalunok pa'ko nang magtama ang mata namin ni Kaizer ngunit umiwas din ako nang makitang seryoso ang tingin niya sa'kin at hinihintay na rin n'ya akong mag-salita.
Tumingin ako kay Nicolo at Jacob na nasa'kin na rin ang paningin.
Nginitian ko silang dalawa at tinanungan sila na para bang sinasabi kong huwag silang mag-alala dahil tutulungan ko sila.
"Ang totoo po niyan Counselor..."
"Yes, what it is, Ms. Sanya.."
"Wala naman po silang ginawang masama sa'min, nagkataon na binulungan lang po ako ni Nicolo, ginawa niya po 'yun dahil may balak siyang iligtas kami ni Yana. At yun na yung saktong biglang dumating sina Pres. Kaizer kaya nagka-gulo na." saad ko.
Humugot ako ng malakas na pag-hinga saka muling nagpaliwanag.
"Tinakot lang po sila Nicolo at Jacob at napag-utusan sila nitong matatandang lalaki na harasin kami ni Yana. Dahil kung hindi daw sila susunod sa utos nitong matatanda ay tatanggalin daw sila Nicolo at Jacob sa trabaho nila" dagdag ko pa at tinuro ko ang apat na matatandang mga manyak.
Bumuntong hininga muli ako saka ko ipinaliwanag ang nangyari, simula sa kung paano kami napunta ni Yana sa liblib na lugar na 'yon hanggang sa mga sunod-sunod na mga nangyari.
"Okay, if that's the case, what do you want to do, Ms. Sanya?" Pagkatapos kong ipaliwanag sa guidance Counselor ang nangyari ay agad ako nitong tinanong kung anong balak kong ipagawa o gawin sa kanila.
Nang biglang tanungin iyon sa'kin, nagkatinginan na naman kami ni Kaizer at hindi niya tinanggal ang tingin niya sa'kin.
Lumapit pa siya sa'kin at
hinawakan ako sa balikat ko pagkatapos ay muli na kaming sabay na tumingin sa Guidance counselor."Mr. Servantes, ayaw ni Sanya na ipakulong sila Nicolo at Jacob dahil wala naman daw sila talagang ginawang masama sa kanilang dalawa ni Ms. Yana." saad ni Kaizer.
Bahagyang tumaas ang kilay ng Counselor at sinulyapan ang apat na matanda na nakaposas lamang habang nakaupo at mga nakatungo.
"Paano itong apat na matanda? Will you not imprison them too?"
Sa totoo lang, gusto ko silang ipakulong. Pero nang mag-salita silang apat kanina at nang ipinaliwanag nila ang rason kung bakit nila tinakot sina Nicolo at Jacob ay parang nag-iba rin ang desisyon ko sa kanila na huwag na rin silang ipakulong.
Halos magdadalawang oras na rin kami na nan'dito sa Office.
Kanina pa kami naguusap-usap at madaming tanong ang iginagawad ng Guidance Counselor sa aming lahat.
Pero ngayon nakapag-desisyon na kami ni Yana na hindi namin sila ipapakulong dahil nag-sisi na talaga ang apat na matanda.
Sina Nicolo at Jacob naman ay wala naman talagang ginawang masama kaya hindi namin talaga sila ipapakulong.
Pero bibigyan namin sila ng parusa para hindi na nila ulitin ang nangyari.
Nang sabihin na namin ni Yana ang nais namin sa apat na matandang lalaki bilang parusa nila ay kinausap din ng Counselor ang boyfriend at mga kabarkada nila Yana.
Maya-maya ay biglang naramdaman kong may kamay a humawak sa kamay ko.
Nagulat pa'ko ng maramdaman kong dumikit ang braso ni Kaizer sa'kin at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Dati niya naman na'kong hinahawakan pero ngayon simpleng paghawak n'ya lang sa'kin, iba na ang epekto. Naiilang ba'ko sa kan'ya?
"Are you okay?" mahinang sabi niya sa'kin pero sapat na para marinig ko pa rin.
Tumango nalang ako sa kan'ya at ngumiti para sabihing ayos lang ako.
Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko, nawawala ako sa sarili ngayon lalo pa't magkahawak ang kamay naming dalawa.
YOU ARE READING
HE IS MY SSG PRESIDENT
RomanceKaizer Guevarra is an SSG President who is well-known, intelligent, and handsome is always with his Secretary, named Sanya. Reason for them to be close everyday and slowly falling inlove in each other. Sa tuwing mag-tititigan nang matagal ang mga...