CHAPTER 28

80 1 0
                                        

Halos mag-lilimang minuto na 'kong narito sa clinic at nagpapatanggal ng sakit ng ulo.

Mabuti nalang ay dinala agad ako kanina ni Kaizer dito nang matamaan ako ng bola.

Napapikit ako ng maramdaman ang hapdi sa bandang ilong at ulo ko. Sobrang sakit kasi ng pagtama ng bola sa'kin.

"Hey, how's your feeling? may masakit ba sa'yo?" Hindi ko namalayan na na'ndito na rin pala si Kaizer sa Clinic at may dala-dalang chocolate drink at yelo na kabibili niya lang.

Tumango nalang ako sa kan'ya dahil parang nanghihina akong magsalita, maging kahit ang labi ko kasi sobrang sakit dahil buong mukha ko talaga ang natamaan ng bola.

"You're not. Alam kong masakit 'yang mukha mo. Eyes can't lie, Sanya." he said while staring at me.

Inilabas niya ang yelo sa plastic at binalutan ito ng towel.

"Sabi ng Nurse kanina, bumili rin daw ako ng yelo dahil makakatulong daw 'to para maibsan 'yung sakit ng pagkakatama sa'yo ng bola." aniya at lumapit sa'kin para ilagay ang yelo sa bandang labi ko na kumikirot.

"Aray! Masakit." napadaing ako dahil sa sakit.

Bakit kasi sa dinami-raming anggulo kanina na matatamaan ng bola ay sa'king anggulo pa papunta?

"I'm sorry, pero hindi mawawala 'yang kirot kung hindi natin gagamutin." aniya at naramdaman ko namang maingat at dahan-dahan niyang dinadampi ang yelo sa may bandang labi ko pero hindi ko pa rin talaga maiwasang masaktan dahil kumikirot talaga.

I looked at his brown eyes. Parang bumilis ang tibok ng puso ko nang marealized ko na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

He's really good looking and caring.

He's so husband material.

Dahil sa tagal kong nakatingin sa kan'ya, hindi ko namalayan na pati siya ay nakatingin na rin pala sa'kin.

Parang may sinasabi at nanghihigop ang kan'yang mga mata habang nakatingin na rin sa'kin.

Nahulog na talaga 'ko sa lalaking ito na kaharap ko ngayon.

Habang tumatagal na mas nagiging malapit kaming dal'wa sa isa't-isa ay mas nahuhulog ang damdamin ko sa kan'ya.

"It still hurts?" bumalik ako sa reyalidad nang magsalita s'ya.

"H-ha? medyo o-okay na." saad ko at parang gusto kong tapikin ang bibig ko dahil sa nautal pa 'ko.

"I didn't know your eyes are so beautiful, Sanya."  he said, causing my eyes to widen slightly.

I know he only said that as a friend and nothing more.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong ko at bahagya pa kong tumawa para kahit papaano ay mawala ang awkward.

Awkward na ako lang naman ang nakakaramdam.

"Because I saw your eyes and noticed that they were beautiful." he said and chuckled.

Bahagyang tumawa nalang din ako at hindi na 'ko muling tumingin sa mga mata niya dahil baka makahalata na s'ya.

Nang matapos siya sa pagdampi ng yelo sa bandang labi ko ay saktong pagdating naman nila Yana at ni... Daryl?

Anong ginagawa ni Daryl dito?

"Bessss! Sanya! kumusta kana?! anong masakit sa'yo?! saan ka natamaan?! masakit ba?!" parang naluluha at sunod-sunod na tanong ni Yana sa'kin na akala mo naman ay namatayan.

"Ayos lang ako, Yana. Ano ka ba?" pagpapakalma ko sa kan'ya.

Napangiti ako ng bigla niya kong niyakap ng mahigpit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HE IS MY SSG PRESIDENTStories to obsess over. Discover now