Tahimik lamang ang byahe namin ni Kaizer kanina pa.
Siya ang nagda-drive ng kotse n'ya ngayon patungo sa School namin.
Nagpresinta ako sa kan'ya kanina na ako nalang ang magda-drive, para kahit papaano ay makaganti naman ako sa kan'ya dahil tinulungan niya ko kagabi na makapag-review.
Marunong akong mag-drive ng kotse pero hindi niya ko pinagbigyan.
S'ya nalang daw at magpahinga nalang daw ako habang nasa byahe o kaya'y review-hin ang mga itunuro niya sa'kin kagabi.
Halos kalahating oras na ang byahe namin.
Nagbabasa ako ng libro at kanina pa 'ko pasulyap-sulyap sa kaniya.
At mabuti naman na mukhang hindi niya 'yon napapansin dahil nakatutok talaga s'ya sa pagmamaneho habang magkasalubong ang dalawang kilay.
Kanina pa siya hindi nagsasalita at mukhang malalim ang iniisip niya kaya hindi nalang rin ako umiimik at nagbabasa-basa nalang ako ng libro.
Nakita ko rin kanina bago kami umalis ay may tumawag sa kan'ya at may kinausap siya sa phone niya.
Pagkatapos no'n ay napansin kong bigla siyang nawala sa mood.
What if...
Tanungin ko kaya siya?
Hindi naman siguro masamang magtanong kung ayos lang ba s'ya 'diba?
Napalunok muna ako bago ako magsalita.
"Uhm, K-Kaizer." Saad ko, bakit ba 'ko nauutal?
Wala akong narinig na response mula sa kan'ya.
Mukhang hindi n'ya ko narinig. Ang lalim nga talaga ng iniisip niya.
"Kaizer." Muling pagtawag ko at do'n sinulyapan niya 'ko.
"Hmm? Why?" Tugon niya.
"Are you okay? Is there something wrong? N-Napansin ko kasi kanina kapa mukhang may malalim na iniisip." Sabi ko.
Napansin kong nawala ang pagkakunot ng kilay niya at napalitan iyon ng seryosong reaksyon.
May nasabi ba 'kong mali?
"Sanya.." aniya.
Nagulat ako ng hawakan niya ang isang kamay ko gamit ang isa n'yang kamay.
Gulat akong napatingin sa kan'ya.
"W-Why?
Sakto namang pagsalita ko na'ndito na kami sa School.
Itinigil niya ang kotse sa parking habang nakahawak pa rin siya sa'king kamay.
Pagkatapos no'n ay tiningnan niya ko sa mata.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit.
Ilang segundo niyang hinawakan ang kamay ko at tinitigan.
Hindi ko alam kung pa'no ko nalabanan ang mga titig n'yang 'yon sa'kin.
"I want you to marry me, Sanya." Aniya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
H-huh? Why? M-marry him?
"Huh? What? Why? Marry you?" Tanong ko.
Tumango naman siya habang seryosong nakatingin pa rin sa'kin na pilit kong nilalabanan.
"my mom and dad told me na magpakasal na ko sa madaling panahon, dahil si Lolo ay may sakit at naisbniyang ako ang maging tagapagmana ng mamanahin ko, pero isang kondisyon ang gusto ni Lolo, nais niyang makita na maipakasal ako kaya nag arrange ng marriage sina Mom pero hindi ko man lang kilala ang babaeng ipapakasal nila sa'kin." Kuwento niya.
"You'd better be Sanya, dahil bukod sa ikaw lang ang nakikita kong mapagkakatiwalaan at may mabuting puso ay ikaw lang rin ang babaeng malapit sa akin."
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.
Kaya ba kanina pa siya mukhang may malalim na iniisip?
D-Dahil gusto niyang ako ang pakasalan niya?
Alam ko na dati pa ang sitwasyon na 'to ni Kaizer dahil naku kuwento niya 'to dati sa'kin na may balak s'yang ipakasal para sa mamanahin niya, pero ang sabi niya ay malabo naman daw iyon matuloy.
Pero ngayon ay mukhang matutuloy na base sa pagkakasabi at seryosong tingin niya sa'kin.
YOU ARE READING
HE IS MY SSG PRESIDENT
RomanceKaizer Guevarra is an SSG President who is well-known, intelligent, and handsome is always with his Secretary, named Sanya. Reason for them to be close everyday and slowly falling inlove in each other. Sa tuwing mag-tititigan nang matagal ang mga...
