Sanya's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.
Otomatikong nanlaki ang mata ko dahil nasa kwarto na'ko.
Bakit ako na'ndito? Nasa sofa lang ako kagabi ah?
Naalala kong kagabi nagbabasa ako pero nakatulog na pala ako sa sofa.
Ang sakit ng ulo ko, puyat kasi kagabi. Tatlong oras lang ang tulog ko, sana kayanin kong intindihin ang ie-exam namin.
Ang ganda naman ng kwarto. Ang lawak, malamig dahil may aircon rin at kakaiba ang scent ng pabango ng kwarto. Ang bango ng amoy.
May nakabukod na cr rin. Kaya naglakad ako papunta do'n para maghilamos na at mag-ayos.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Naka-uniform pa rin ako hanggang ngayon.
Nadako ang paningin ko sa sofa na na'ndito sa guest room.
Napansin kong may nakalagay na pants at tshirt na kulay pink sa sofa.
Tiningnan ko ito at nang mapansin kong may isang nakasingit na note ay agad ko 'tong kinuha at binasa.
Goodmorning, this is yours. I don't know kung magugustuhan mo 'tong damit na nabili ko, pero I guess you're favorite color is pink, kaya pink ang binili ko. Hope you like it!
Napangiti ako nang mabasa ko ang note na nakasulat.
Nagno-note pala ng ganito si Kaizer?
Ang galing niya ha, sa simpleng ginawa niyang 'to ay napakilig na n'ya agad ako.
Pwede naman kasing sabihin niya nalang sa'kin ng deretsuhan.
"Teka, bakit ba 'ko kinikilig? Bakit ba naiisip kong kinikilig ako? Tsk, bakit ka naman kikiligin, Sanya?" Saad ko sa sarili ko at umiling-iling. Tinabi kona ang note na nakasulat sa Bag ko.
Kinuha ko na ang pants at tshirt. Pagkakuha ko ay napansin kong mayro'n ding nakalagay na bra at panty, pink din ang kulay.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil sa nakita kong underwear. S-Susuotin ko rin 'to?
B-Binili niya rin ba 'to? Paano niya nalaman ang size ko?
Hindi ko maiwasang pag-initian ng pisngi. Teka nagba-blush ba 'ko? Hindi!
"Bakit naman ako magba-blush?Hindi ako nagba-blush. Tsk." Saad ko muli sa sarili ko. Nababaliw na ata ako.
Nag-alarm muli ang alarm ng phone ko. 6:20 na pala, grabe ang bilis ng oras!
Alas nuebe pa ang pasok ko pero matagal pa ang iba-byahe namin, may dalawang oras pa dahil malayo ang school mula rito.
Dali-dali akong pumasok ng CR. Naligo na'ko at agad na nag-ayos.
Sinara ko na rin ang aircon at lumabas na ng kwarto, pagkatapos ay sinara ko na rin ang pintuan.
Pababa ako ng hagdan nang makita ko si Manang na naglilinis.
"Hi, Manang!" bati ko sa kan'ya.
"Oh Iha, magandang umaga." bati nito sa'kin kaya agad naman akong ngumiti..
"Magandang umaga rin po, ahm si Kaizer po, nakaalis na po s'ya?" Tanong ko.
"Ay na'ko, hindi iyon aalis ng hindi ka naihahatid, Iha. Naandoon s'ya sa kusina at nagluluto. Baka nga kanina ka pa no'n hinihintay." Tugon nito.
"Ah, gano'n po ba, Manang. Sige po, pupunta na po ako do'n, salamat po." Sabi ko at nginitian si Manang.
Bago pa ako maglakad papuntang kusina ay napansin ko na parang nanunukso ang tingin ni Manang sa'kin.
"Aba'y Iha, bagay na bagay kayo ni Kaizer. Sana'y magkatuluyan kayo, hane." Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Manang.
"Ay, na'ko magkaibigan lang po kami, Manang hehe." Saad ko naman at si Manang makikita pa rin ang mapanukso niyang tingin sa'kin at kinurot pa 'ko sa tagiliran.
Magpapaalam na sana ako para pumunta sa Kusina nila nang biglang naamoy ko ang pamilyar na pabango sa likuran ko.
"Hi, Manang." Saad ng pamilyar na boses mula sa likuran ko
Hindi ko alam kung bakit parang may paro-parong dumapo sa bandang tiyan ko nang magdikit ang balat naming dalawa.
Nasa likuran ko si Kaizer at magkadikit ang braso namin.
Sinulyapan ko siya at nakangiti siya kay Manang habang nakikipag-usap na rito.
Hindi kona napakinggan ang pinag-uusapan nila dahil napako na ang paningin ko kay Kaizer.
Hindi ko alam kung bakit saglit ko pa siyang pinakatitigan.
Ang gwapo ni Kaizer sa suot niyang polo shirt, pink rin ang kulay nito na bahagyang nakatiklop sa braso niya at naka black pants s'ya. Bagay na bagay sa kaniya.
Hindi rin siya naka-uniform, katulad ko. Which is, pwede naman dahil required naman sa amin.
At mas lalong bumagay sa kan'ya ang buhok niya at suot niyang mamahaling relo.
"Oh, s'ya kayong dalawa'y mag-umagahan na. Anong oras na at malayo pa ang iba-byahe niyo. Pero Iha, ang sabi mo kanina'y magkaibigan lang kayo. Iyon ba talaga'y totoo?" Tanong ni Manang at bumalik akong nanunuksong tingin.
Nanlaki ang mata ko pero agad rin naman akong ngumiti at hindi pinahalatang nagulat ako.
Napasulyap ako kay Kaizer na nakatingin na pala sa'kin. Hindi ko alam kung bakit agad akong umiwas.
Teka, nahihiya ba 'ko? Tinanong lang naman ako ni Manang kung magkaibigan kami ni Kaizer. Mahirap ba 'yon sagutin, self? Bakit kaba nahihiya, self?
"A-Ahh opo, magkaibigan lang po kami." Sagot ko.
"Why did you ask, Manang?" Tanong ni Kaizer habang nakapamulsa.
"Wala naman, Iho. Napansin ko lang na bagay kayong dalawa. Akala nga kagabi ay may dinala ka ng magandang kasintahan mo rito..."
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Manang.
"Oh, s'ya maiwan kona kayo. Dadako na muna ako doon sa hardin." Dagdag na sabi ni Manang at tumango nalang ako.
Napatingin muli ako kay Kaizer na nakapamulsa. Nagsmile siya at tumango rin kay Manang.
Nagpaalam na rin kami ni Kaizer kay Manang na pupunta na sa kusina nila.
"Let's go." Saad ni Kaizer nang makaalis na si Manang.
Nagpauna siyang maglakad at sumunod naman ako.
"Pagpasensyahan mona si Manang. Natuwa lang talaga siguro 'yon, ngayon lang kasi ako nagdala ng binibining katulad mo rito sa bahay." Aniya.
Pakiramdam ko ay nag-iinit na naman ang pisngi ko. Bakit ba panay ang pagsasabi n'ya ng mga sweet na salita?
Hindi nalang ako nagsalita para maitago ko ang reaksyon ko sa kaniya. Ayokong mapansin niya na kinikilig ako.
Oo, aaminin kona sa sarili kong kanina pa 'ko kinikilig.
"Let's eat na, baka malate pa tayo. But by the way, I want you to know that I cooked this." Sabi niya.
"Talaga? Marunong ka pala talaga ng magluto." Saad ko at tipid na tumango naman siya habang nilalapag ang mga pagkain na niluto n'ya.
Uupo na sana ako nang ipaghila niya ako bigla ng upuan kaya kinikilig ako nang makaupo ako.
Umupo na rin siya sa harapan ko at mabuti nalang talaga ay agad kong naitago ang kilig ko sa kaniya.
Bakit hindi ko maiwasang kiligin kay Kaizer?
He's so gentleman. Nalilito na tuloy ako. Gusto kona ba siya?
Pero now I think...
Do I like him?
YOU ARE READING
HE IS MY SSG PRESIDENT
RomanceKaizer Guevarra is an SSG President who is well-known, intelligent, and handsome is always with his Secretary, named Sanya. Reason for them to be close everyday and slowly falling inlove in each other. Sa tuwing mag-tititigan nang matagal ang mga...