Nang matapos mag-pakilala nang aming party-list ay umalis na kami sa room.
Recess time na kaya may pag-kakataon na bumalik muna kami sa kaniya kaniyang rooms at may 20 minutes kami para mag recess saka namin ipag-papatuloy ang pangangampanya.
Babalik na muna sana ako ng room namin pero hinanap ko muna si Yana ang kaibigan at kaklase ko na kasama ko rin rito sa pangangampanya.
"Sanya!" maya-maya'y sumigaw ito sa likuran ko at tiningnan ko siya.
Kinawayan niya 'ko at sinabing lumapit ako habang nakangiti kaya pumunta ako sa kaniya.Kasama niya pala si President Kaizer, pinsan kasi niya.
"Oh? Akala ko iniwan mo na 'ko at bumalik ka na sa room." saad ko ngunit tumawa lang si Yana.
"Iniintay ka nga namin dito ni kuya Pres. Ipapakilala pa daw uli tayo.." bitin na saad niya at tiningnan ko si Pres. Kaizer na kasalukuyang may isinusulat pala sa table.
"Pres. ano 'yan? Kailangan mo ba ng tulong, nandito na ang Sekretarya mo" pabirong sabi ko at hindi niya siguro namalayan na naandito na 'ko.
"No need, it's done." aniya.
Psh, hindi man lang sinakyan ang biro ko. Masyadong seryoso.
Tapos na rin pala siya sa pag-susulat kaya hinarap na kami at tumingin sa amin ni Yana.
"Sabay-sabay na tayong mag Recess then babalik tayo sa pangangampanya around 10:30. Sa Grade 11 na tayo." saad niya at inilagay sa bulsa ang ball pen na hawak.
"Saan mo pala kami ipapakilala Kuya Pres.?" tanong ni Yana kay Kaizer, habang ako naandito, nakatayo at saglit na may dinutdot muna sa cellphone bago sila tinignan.
"Sa room namin. Ipapakilala ko uli kayo sa mga classmates ko para matandaan nila kayo at sasabihin kong kayong dalawa ay iboto nila." tugon niya at bago pa ako mag-salita ay hinawakan na niya ako sa balikat ko at nag-simula na kaming mag lakad patungo sa room nila.
'W-wait, bakit kinakahaban ako. Kahit wala naman akong ibang sasabihin. Mag-papakilala lang naman.' tugon ko sa aking sarili.
Naandito na kami sa tapat ng pintuan sa room ng Grade 11 STEM.
Pinapasok na kami ni Pres. Kaizer dito sa room nila at nang makapasok ay mas lumalim ang kaba ko na pakiramdam ko ay umaabot na iyon sa lalamunan ko.
Nag-simula si Pres. Kaizer at sinasabing mag-papakilala muli kami ni Yana at iboto kami sa section nila.
Bigla tuloy akong parang hindi makapag-salita lalo na nang makita ko si Daryl at mag-katinginan kami.
Matagal na akong may gusto kay Daryl ngunit hindi ko alam kung alam niya na may gusto ako sa kaniya.
Famous siya at guwapong lalaki kaya hindi ako sigurado kung mapapansin niya ako kahit kailan.
Ngunit ngayon ay nakatingin siya sa akin at hindi ko malabanan kaniyang mga titig.
Kumakabog na ang dibdib ko kaya tumingin nalang ako kay Pres. Kaizer na kasalukuyang naka hawak pa rin sa aking balikat.
Si Yana ang unang nag-papakilala ngayon sa harap ng mga Grade 11 STEM students.At ako ngayon ay kinakabahan pa rin dahil sa presensiya ni Daryl.
"P-pres. Kaizer akala ko ay ikaw ang mag-papakilala sa amin? Pwede bang i-ikaw nalang ang mag-pakilala sa akin?Kinakabahan kasi ako." nahihiya man pero binulong ko iyon kay Pres. na kasalukuyang naka-tingin na sa akin.
"Hm? Kinakabahan ka? Kaya mo 'yan. Magaling ka kayang mag-salita pero sige wala namang problema. Ako na ang mag-pakilala sa'yo." aniya at mabilis akong nangiti nang pumayag siya. Pero nakakahiya tuloy dahil inutusan ko siya!
"Salamat, Pres." saad ko at tumingin naman siya sa akin at tumango.
"Ipunin mo 'yang energy mo para sa pag-sasalita uli mamaya sa Campaign." saad niya at nakangiti akong tumango.
Pumunta na siya sa unahan nang matapos mag-salita ni Yana. Medyo nag-taka si Yana dahil si Kaizer ang nag-papakilala sa akin ngayon sa Grade 11 STEM.
"Nahihiya kasi ako." mahinang tugon ko kay Yana nang pisilin niya ang tagiliran ko.
"Nahihiya ka ba talaga o nahihiya ka kay Daryl?" pang-aasar niya kaya tiningnan ko siya. Nahalata niya 'yon?
"Huwag ka ngang maingay baka may makarinig sa'yo dito. Nakakahiya." saad ko at narinig kong nagsi palakpakan na ang mga kaklase ni Kaizer.
Hindi ko namalayan na tapos na pala siya mag salita.
"Thank you for listening. Please class Vote for Sanya and Yana. They can manage our School and they can be a leader as my Vice President and Secretary." tugon niya at nag sihiyawan ang kaniyang mga kaklase.
Ngumiti ako at nakahinga na ng maluwag nang lumabas na kami sa room nila.
"Gusto kayo ng mga kaklase ko kahit daw hindi ko kayo ipakilala sa kanila. Lalo ka na Sanya. Maganda ka daw at matalino dahil lagi ka nilang nakikita tuwing may activities." saad ni Kaizer sa aking likuran habang nag-lalakad na kami papunta sa Canteen.
Nilingon ko siya at abot mata akong ngumiti saka nag pasalamat dahil sa kaniyang suporta sa amin ni Yana sa section namin.
"Thank you, Pres"
"It's my pleasure. Dahil alam kong magaling ka sa room niyo at mas lalo na kung magiging leader ka rito sa School natin. Top 1 ka sa klase niyo at talented rin. Mana ka sa Kuya mo."
saad niya kaya napangiti ako habang siya ay naka hawak pa rin sa balikat ko.
Mahilig talaga siyang humawak sa balikat o kung hindi naman sa braso kapag nakiki-pagusap. Ngunit depende sa kausap niya kung komportable siya o hindi.
"Nakasama ko na kasi dati ang Kuya mo, Sanya. Naging President ko iyon dati at napakagaling maging leader rito sa School.
Kaya ikaw ang napili ko sa section niyo bilang magiging Secretary na lagi ko ng makakasama."
"Thank you for Supporting and advicing Pres. You always makes me feel confident." tugon ko at ngumiti siya't walang anumang tumango.
Saka kami nag-simulang pumila rito nang marating na namin ang Canteen upang saglit muna na mag-recess.
"What do you want?" tanong ni Kaizer.
"A-ahh 'yang burger nalang and pancake." tugon ko at sinabi niyang siya nalang daw ang pipila at bibili ng foods sa amin ni Yana para hindi na rin kami mahirapan pumila.
YOU ARE READING
HE IS MY SSG PRESIDENT
Storie d'amoreKaizer Guevarra is an SSG President who is well-known, intelligent, and handsome is always with his Secretary, named Sanya. Reason for them to be close everyday and slowly falling inlove in each other. Sa tuwing mag-tititigan nang matagal ang mga...