Kaizer's Point of View
Narito na kami sa Court at inanounce na ang mga nanalo bilang mga officers ng SSG.
Natutuwa ako dahil nanalo kami ni Yana, si Yana na ang Vice President samantalang ako na ang Secretary ni Kaizer. Malakas talaga ang chance ni Kaizer manalo bilang President kaya siya muli ang nagwagi ngayong taon. Nasa kaniya ang boto ng madaming students dahil sa taglay niyang kasipagan, talino at kaguwapuhan.
Nagsihiyawan at nagpalakpakan ang mga students nang pumunta sa harapan si Kaizer para simulan na ang kaniyang speech. Parang valedictorian lang ang peg.
"Good day everyone!" nakangiting saad niya sa lahat nang naandito sa Court at muli kaming nagsipalakpakan.
"I am very very grateful. . . Halos kalahati ng students ay sa akin ang boto. Hindi ko kayo magpapasalamatan isa-isa but with all my heart I am very grateful to you all students. I am very thankful." aniya at muling nagsihiyawan ang mga estudyante.
"Ayokong mangako sa inyo na magiging mabuting presidente ako sa paaralan na ito. Dahil nais kong gawin ang lahat, nais kong umaksyon at hindi ang mangako lamang. I will do my best. . . again.." dagdag na sabi niya. Siya ang President ng SSG dati pa at ngayon isang taon nalang siya sa school na ito kaya alam kong mas gagawin niya ang makakaya niya at best para mamuno bilang SSG president dito sa School.
Lahat kaming nga nanalo ay nag-speech rin. Ipinagpasalamat kong nanalo ako dahil sa suporta nila. Nilang lahat dahil nagtiwala sila sa akin.
Kung sa ibang school ay hindi masyadong mahalaga ang SSG. Dito sa School namin ay napakaimportante nito, seryoso ang labanan at hindi basta basta bumuboto ang mga students ng kung sino nalang ang mananalo, kailangan ng sipag, tiyaga at talino para mapabilang sa SSG.
Mahalaga rito ang bawat plataporma, agendas, rules and regulations.
"Shall we go?" biglang tanong sa'kin ni Kaizer nasa likuran ko na pala siya.
Bumalik na sa kani-kanilang klase ang mga students na naandito kanina sa Court. Ang iba ay nasa Gym na, ang iba naman ay nagpunta na ng garden dahil mukhang wala ng klase ang ibang students.
"Where are we going?" tanong ko sa kaniya. Babalik pa kasi akong room dahil may demo pa.
"Magrereview tayo." saad niya.
"Ha, pero may demo kami."
"Ah..may demo pa ba kayo?" bahagyang nagulat na sabi niya.
"Kami kasi maya-maya ay uwian na." aniya.
"Merong demo si ma'am, kami ang piniling estudyante. And I need to go back to room kasi kailangan daw ako. President kasi ako sa room, hehe" pagpapaliwanag ko at nakita ko naman siyang tumango.
Ang totoo ay kakausapin ko rin sana si Yana na siya nalang ang sumama sa'kin magreview. Nahihiya kasi talaga ako kay Pres. Kaizer.
Baka may kailangan pa siyang gawin pagkauwi o kaya ay baka magcelebrate pa siya kasama ang family or friends niya dahil nanalo siyang President.
"By the way, Congratulations again Sanya.." nakangiting sabi niya bigla sa'kin habang naglalakad na kami. Tiningnan ko siya at nginitian.
"Thanks Pres! Nang dahil sobra-sobra ang suporta mo sa'kin nanalo ako. Congratulations din President Kaizer!" saad ko sa kaniya, nagkatinginan kami at sabay na natawa.
Nasa harapan na kami ng room namin.
Wala pa naman si ma'am na mag-dedemo sa'min kaya gusto ko muna sanang tanungin si Kaizer.Sabi niya kasi kanina ay wala naman siyang pupuntahan. Ang parents niya naman ay busy sa trabaho kaya mag-isa lang siya bahay nila. Kaya mas gusto niya nalang daw ang magreview.
YOU ARE READING
HE IS MY SSG PRESIDENT
RomanceKaizer Guevarra is an SSG President who is well-known, intelligent, and handsome is always with his Secretary, named Sanya. Reason for them to be close everyday and slowly falling inlove in each other. Sa tuwing mag-tititigan nang matagal ang mga...