CHAPTER 24

34 0 0
                                    

Sanya's POV

Kasalukuyang nakaupo ako rito sa may bench. Break time na namin.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ni Kaizer kagabi.

Inaya n'ya 'ko ng dinner kagabi at doon muli naming napag-usapan ang tungkol sa kasal.

-Flashback-

"What is your decision? Will you agree to marry me?" Mababang boses na tanong sa'kin ni Kaizer.

Tiningnan ko s'ya mata sa mata.

"Kaizer, i'm so sorry. I'm not really ready to get married. Kahit sa kontrata lang tayo maikakasal. I-I'm really sorry." I said.

Nginitian niya 'ko pero kitang-kita ko ang panlulumo sa mga mata niya.

"Gusto kong ikasal kapag handa na ako at kapag natupad ko na ang mga pangarap ko." Dagdag ko pang sinabi.

Pwede naman s'yang maghanap ng ibang babaeng maari niyang pakasalan. Pero bakit ako?

"I-It's okay. I Understand. Hindi na kita kukulitin kung ayaw mo talaga." He said and smiled at me.

Pero alam kong nalungkot siya sa kadahilanang hindi pa rin ako pumayag kahit ilang beses s'yang naghintay sa'kin.

"Thank you for understanding." I sincerly said.

Pagkatapos ng usapan namin ay inubos lamang namin ang kinain at hinatid na n'ya 'ko sa condo ko.

-end of flashback-

Kumuha ako ng snacks ko at sinubo iyon.

Mag-isa akong nag-rerecess ngayon dahil sobrang busy ni Yana.

May ilang minuto pa bago mag-simula ang susunod kong klase kaya habang nagbabasa ako ay bigla kong napag-isipan na tawagan si Kuya.

Hindi pa rin kasi siya umuuwi hanggang ngayon at ewan ko kung bakit ako nag-aalala dahil dalawang araw na siyang hindi kumo-contact sa akin.

Pero wala namang araw na hindi siya kumo-contact sa'kin kaya ngayon nag-tataka akong halos dalawang araw nang wala man lang paramdam si Kuya.

Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at agad na i-dinial ang number ni Kuya.

Hindi nag-riring ang kabilang linya.

Hindi sinasagot ni Kuya ang tawag. Kinabahan ako bigla sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Ano ba kasi talaga ang inaasikaso ni Kuya ro'n? Ilang linggo na s'ya na'ndon at hanggang ngayon mukhang may inaasikaso pa rin siya na hindi ko lubos mabatid kung tungkol ba talaga iyon sa Business namin.

Biglang tumunog ang bell, hudyat na mag-sisimula na ang klase.

Muli kong tinawagan ang number ni Kuya dahil nag babakasali akong magriring na 'yon at sasagutin na 'yon ni Kuya.

Habang nakadikit ang phone ko sa tainga ay bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kaizer na naglalakad. Patungo sa'kin!

Hindi ko malaman kung saan ako titingin. Umiwas ako ng tingin kay Kaizer kahit alam kong papalapit na s'ya sa'kin.

Nang maramdaman kong nasa unahan kona si Kaizer ay nag-salita siya.

"Hey, Sanya." Dahan-dahan kong ibinaba ang phone ko at umangat ang tingin ko sa kan'ya.

"Y-Yes?" Saad ko rito nang magtagpo ang mga mata namin.

"We have a SSG meeting and seminar later, 5pm." Sabi niya at tumango naman agad ako.

"Okay." Simpleng sabi ko at akala ko may sasabihin pa s'ya pero naglakad na siya paalis.

Nang umalis na siya ay agad akong nanlumo dahil naisip kong galit siya sa'kin.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now