CHAPTER 25

41 1 0
                                    

"What are you doing here?" Nag-alalang tanong ko kay Sanya.

Hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay at tiningnan ko siya sa mga mata niya.

Batid kong nilalamig na siya at mukhang naligaw siya dahil bakit siya mag-iisa rito nang ganitong oras?

Nasaan ang ibang officers? At mas lalo akong nag-alala sa kan'ya nang maisip kong  may truma si Sanya sa mga sitwasyon na hindi siya pamilyar sa isang lugar at kapag naliligaw siya.

Inalalayan ko si Sanya at nang mapansin kong namumungay ang mga mata niya ay bigla siyang nawalan ng malay.

Mabuti nalang ay agad ko siyang nasalo gamit ang isa kong braso.

"Sanya, hey. Wake up." I worriedly said.

She collapsed. Kaya agad ko siyang binuhat dahilan para matuon ang atensyon nang iilang estudyanteng dumaraan.

Wala na 'kong pake sa paligid o kung sino ang tumitingin sa amin.

Ipinagsa-walang bahala ko nalang rin ang mabasa ako ng malakas na ulan.

Ang mahalaga ay kailangan kong mai-dala agad si Sanya sa malapit na Clinic.

Mabuti nalang ay halos katabi lang ng Court ang Clinic nila rito, kaya naidala ko kaagad si Sanya.

At inasikaso naman siya agad ng Nurse na na'ndito.

-----------------

Pagkalipas ng ilang oras ay hindi pa rin gumigising si Sanya. Mahimbing na siyang natutulog.

At nang i-check ko ang oras ay halos maga-alasotso na ng gabi.

Habang hindi pa gumigising si Sanya napagpasyahan ko ng tawagan si Tita Cassy, ang mommy ni Sanya

"Hello po, Tita Cassy°?" Saad ko mula sa kabilang linya.

"Oh hello, Iho. Napatawag ka?"

"Uhm Tita, dinala ko po si Sanya rito sa Clinic sa campys. Mataas po ang lagnat ni Sanya." Saad ko.

Mabilis na nag-alala si Tita Cassy at tinanong kung anong nangyari kay Sanya.

"Nakita ko po kasi s'ya kanina na nag-iisa at nag-alala po 'ko nang makitang nagpapa-ulan siya. At pagkalapit ko po sa kan'ya ay bigla nalang siyang nahimatay. Kaya po dinala ko agad s'ya rito sa Clinic."

"Is she okay now?"  Tita asked me.

"Yes po Tita. She's with me."

"It's already 8:00 in the evening. Pa'no na 'yan Iho, nasa Cebu ako ngayon dahil may importante akong papeles na inaasikaso para sa Company. Can I do a favor to you, Iho?"

"Yes Tita. What is it po?"

"Ikaw lang kasi ang mapagkakatiwalaan kong pwedeng mag-alaga ngayon kay Sanya. I know she is sick so bad, so can you take care of her?" Mahihimigan ang pag-aalala sa boses ni Tita.

Agad akong sumang-ayon dahil ayaw ko rin namang hayaan na magka-sakit nang tuluyan si Sanya.

Lalo pa at ang sabi ng Nurse kanina ay mataas na raw ang lagnat niya, na isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon at 'di pa rin s'ya gumigising.

Tita Cassy thanked me before I ended up the call.

Nagpaalam na rin ako sa Nurse na aalis na kami ni Sanya at isasama kona muna s'ya para maalagaan at makapagpahinga s'ya ng maayos.

Mahimbing pa rin siyang natutulog. Kaya ko naman s'yang buhatin kaya walang naging problema.

Halos wala na ring mga estudyante dahil gabi na talaga.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now