CHAPTER 26

64 1 2
                                    

Sanya's POV

"B-Bakit? Bakit si Kuya ang nag-presinta na pumalit sa posisyon mo? Bakit gusto ni Kuya na maging Mafia Boss? Anong dahilan?" Litong-lito na mga tanong ko sa kaniya.

He looked at me seriously now.

"Dahil may babaeng mahal ang Kuya mo. May babaeng gustong iligtas ang kuya mo sa mundo ng mga Mafia. Nasa sikretong relasyon siya kay Althea Mourisse. At ang Ama-amahan ni Athea ay isa ring Mafia, pero hindi mabuti ang ginagawa." Saad niya at nagpatuloy ako sa pakikinig.

"Kundi pumapatay ang ama nito at si althea, isa siyang inosenteng babae na nais makawala sa poder ng Ama niya at manatili nalang sana ang pagmamahalan nila ng Kuya mo pero hindi payag ang Ama ni Althea.

Ang mga sinabi ni Kaizer sa'kin ay hindi mabilis nag-sink in sa utak ko.

Nalamayan ko nalang na ang usapan namin ay napunta sa katahimikan.

Pinagpatuloy na ni Kaizer ang pagkain habang ako ay halos hindi makanguya dahil sa sobrang daming nalaman.

Wala akong kaalam-alam na Mafia pala ang dalawang lalaking malapit sa buhay ko.

---------------------

"Hindi mo pa ba uubusin 'yang pagkain mo?" Natauhan nalang ako nang mag-salita bigla si Kaizer.

Kanina pa kasi siya tapos kumain kaya ako nalang ang kumakain ngayon.

Nakaupo na sa may Sofa si Kaizer habang may inaasikaso sa laptop niya.

"Busog na 'ko." saad ko.

Bukod sa malalim ang iniisip ko ay wala na rin akong ganang kumain dahil siguro sa masama pa rin ang pakiramdam ko.

Parang gusto ng magpahinga ng katawan ko at utak ko dahil sa sobrang pag-iisip tungkol sa mga nalaman ko.

Nasa lamesa pa rin ako nang maramdaman ko ang biglang paglapit ni Kaizer sa'kin.

"Halos nakakailang subo ka pa lang d'yan. You should eat your food, Sanya. So after that, you can take your medicine na." Sabi niya.

"Wala akong gana."

"Gusto mo bang subuan pa kita?

Akmang kukunin na niya ang ginamit kong kutsara ay pinigilan ko siya.

"N-No. Oo na, uubusin ko na nga. I can feed myself, thanks." Sunod-sunod na tanong ko.

Napansin ko pa ang pagngisi niya bago siya muling bumalik sa kinauupuan niya kanina.

---------

Pagkatapos kong ubusin ang pagkain ko ay pinainom na ni Kaizer ang gamot ko.

Walang pasok ngayon dahil nakakahiya naman kung magi-stay ako rito sa Condo niya.

Pero... hindi siya pumayag.

Kailangan ko raw mag-stay dito dahil hindi pa ako sobrang magaling at ibinilin rin daw sa kaniya ni Mommy na alagaan muna ako dahil may inaasikaso pa rin silang papeles para sa negosyo.

Wala akong magawa ngayon kaya habang chinacharge ko pa ang phone ko ay naupo nalang rin muna ako sa Sofa at nagpahinga habang nagbabasa.

Si Kaizer naman as usual, ay nay tinitipa pa rin sa laptop niya at tutok na tutok siya ro'n, nang biglang mag-ring ang phone ni Kaizer.

Nakita kong nagulat si Kaizer nang makita niya ang pangalan ng tumatawag sa screen.

Mabilis niyang kinuha ang phone at bigla siyang tumingin sa'kin.

"It's Ryle. Your Kuya." He said at me.

Mabilis pa sa hangin na nailapag ko ang librong hawak ko at lumapit sa tabi ni Kaizer.

HE IS MY SSG PRESIDENTWhere stories live. Discover now