Siguro nga hindi para saakin ang larangang ito
Ang laro na lagi akong talo
Ang sugal na kahit anong taya at pusta ko
Napakaliit ng tyansang ako'y manaloHayaan nyong ipakilala ko sainyo ang larong ito
Ang larong tinatawag na pag ibig
Kung saan dalawa lang ang dulo
Maaaring ika'y manalo o matalo
Isa lang ang mapapayo ko, Itaya mo lahat ng kaya mo
Upang pag sisisi sa huli'y hindi matamoOo nakakatakot tumaya rito
Aminado ako na laging natatalo
Pero masarap sa pakiramdam na bawat taya at pusta mo wla kang iisiping pagsisisi sa dulo
Yung tipong mapapasabi kang "panatag ako, atleast tinaya ko lahat ng meron ko"Marahil sa ngayon ito na muna ang huli kong taya
Hindi pa siguro ito ang tamang panahon sa aking pusta
Nawa'y sa susunod kong pusta ang oras, panahon at premyo ay umayon na
At ang inaasam na pagkapanalo ay makamtanKung ang isang bagay ay nakatakda para saiyo
Kahit anong gawin mo ang kapalaran hindi mababago
May mga bagay na kahit ating gusto
Mahirap itong matamo-ᜂᜎᜈ᜔-