Floyd
Nasa bahay na ako ngayon at nagkukulong sa room ko. Hindi ko na pinatapos ang party at umalis na talaga ako. Hindi ko rin nakita si Ryleigh kong na saan siya kaya nauna nalang akong umuwi.
May kumatok sa room ko kaya agad ko itong binuksan, it's my mother.
"Ang aga mo namang umuwi. Si Ryleigh na ihatid mo rin ba?"
"Nope, hindi ko po siya makita kanina kaya nauna na lang ako."
"Ano! Pinabayaan mo siyang maiwan don?!" Sigaw sa akin ni mom na hindi ko naman pinansin. Gusto kong mapag-isa kahit sandale lang. Gusto ko pag-isipan ng mabuti mga decision ko sa buhay na 'di ko pagsisihan.
"Floyd may problema ba?" Bumaba ang tono ng pananalita ni mommy. Mukhang napansin nya ang pananahimik ko.
"Kahit naman sabihin ko wala naman akong magagawa pa." Napangiti ako ng mapait.
"Tell me, baka magawan ko ng paraan."
"Siguro alam nyo naman mom na ayokong mag pakasal sa taong 'di ko naman mahal. Ilang beses ko sinabi sa inyo dati na may nagugustuhan akong iba pero 'di kayo nakikinig. Ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan ko kayong sundin kasi parents ko kayo." Ngayon lang ako nagsabi kay mommy ng ganito.
"Don't say that, we love you. Ginagawa lang namin ng daddy mo ang mas nakakabuti para sa'yo." I smiled bitterly.
"No, ginagawa n'yong miserable ang buhay ko. Hindi n'yo lang alam kong gaano ako nasasaktan sa mga nangyayari. Kong gaano kasakit sa akin na 'yong taong dapat na kasama ko 'di ko man lang malapitan.""Hindi namin sinasadya na masaktan ka ng dahil sa amin. Don't worry kakausapin ko ang daddy mo about dito." Kahit pa paano gumaan ang pakiramdam ko.
"Thank you, mom. Hirap na hirap na kasi talaga ako. Sobrang bigat sa pakiramdam."
"Don't worry, by the way ipakilala mo siya sa akin."
"Hindi ko alam kong tatanggapin n'ya pa ako after ko siyang saktan. Pero kapag naging okay kami mom ipapakilala ko siya sa'yo."
"Sorry nak, akala ko kasi dati nagbibiro ka lang na may nagugustuhan ka. Matulog ka na ako ng bahala sa daddy mo." Umalis na si mommy pagkatapos naming mag-usap. Sana lang magbago na ang isip ni daddy.
****
Nandito ako ngayon sa school namin nanonood ng graduation nila. Gusto ko sana batiin si Hailee kaso baka galit siya sa akin. Sayang 'di ako nakasama sa kanila dahil nag transfer ako sa ibang school nong second semester.
Matapos ang ceremony lumapit ako sa mga kaibigan ko.
"Ba't 'di mo siya puntahan?" Nag-aalangan akong lumapit kay Hailee.
"Nah, masaya siya ngayon ayokong mabura 'yong mga ngiti nya." For sure kasi once na makita nya ako magbabago ang mood nya.
"Kailan mo ba balak sabihin sa kanya yong totoo? Paano kong makalimutan ka na nya ng tuluyan, ikaw rin." Napaisip ako sa sabi ni Oliver.
"Sasabihin ko sa kanya after nito. Ayoko lang siyang guluhin dahil masaya siya ngayon."
"Kita nalang tayo mamaya sa camp for the celebration." Thunder said.