Maaga ako ngayong pumasok sa school. Maaga talaga ako nagigising minsan kapag nagpupuyat ako ng husto. Pero deym ang sakit ng ulo ko. Siguro dahil 'to sa pagpuyat ko kagabi.
Pagdating ko sa room wala pa ang mga classmate ko. Okay ako na ang maaga. Namimis ko na rin si Cassy kasabay papunta dito sa school. Hindi na kasi kami nagkakasabay dahil sinusundo siya ng mga ibang friends n'ya. Like classmate n'ya.
"Ang aga mo." Napatingin naman ako kay Clyde na ngayon ay naka upo na.
"Ikaw rin. Anong meron?" Nag shrugged naman siya sa tanong ko. Ngayon ko lang siya ulit na kausap parang ang busy kasi nila palagi. Sobrang nakakamis 'yong dati nong mga panahong kakulitan ko pa sila at lagi akong napipikon sa mga pinanggagawa nila. Sobrang laki na kasi ng improvement nila hindi na sila 'yong mga walang manners na nakilala ko.
"Kamusta?"
"Okay lang naman." Mukhang puyat siya, sabagay 'di na ako magtataka lagi naman talaga siyang puyat. Buti nga si Floyd 'di na natutulog habang nag klaklase. Si Clyde naman natutulog pa rin kahit nag klaklase lalo na kapag sobrang boring ng teacher namin.
"Malapit na ang vacation." Pag-iba ko ng topic.
"Oo nga, e. Dito ka pa rin ba papasok sa pasukan?" Medyo nalungkot ako sa tanong n'ya. Sa totoo lang hindi ko na talaga alam.
"Hindi ko alam. Baka titigil ako." Sagot ko sa kanya.
"Ha? Bakit?" Napatayo pa siya sa tanong n'ya at 'yong mukha n'yang parang antok kanina bigla nalang nabuhay.
"Hindi kakayanin ng budget. Walang pera hindi naman kami kasing yaman n'yo." Napa balik naman siya ng upo sa sagot ko.
"Sabagay pero sayang graduating na tayo non." Hindi na ako sumagot sa sinabi n'ya. Malaman nalang siguro 'yan kong anong gagawin ni tadhana.
******
"Hailee!" Sobrang hyper ngayon ni One dahil hila-hila n'ya ako. Hindi ko alam kong saan n'ya ako dadalhin.
"Hoy! One saan ba tayo pupunta?" Namumula na tuloy 'yung wrist ko. Ang higpit kasi nagpakakahila n'ya akala mo naman tatakas ako.
"Basta malalaman mo mamaya." Mukhang papunta kami sa rooftop. Basta nalang kasi ako hinila ni One nong kami nalang dalawa sa room. Lunch time kasi ngayon.
Parang kinakabahan ako sa mga mangyayari. Parang may kakaiba talaga.
****
Napalunok ako ng makita ko lahat ng classmate ko nasa rooftop. Nasa gitna si Floyd habang naka ngiti sa akin. Napatingin ako sa paligid lahat sila naka ngiti sa akin. Nag thumbs up naman sa akin si One. Kinindatan naman ako ni Clyde.
Napatingin ako kay Floyd na ngayon ay may hawak na mic. Nasa likod n'ya sila Aaron, Felix, Mark at Jake may mga hawak silang instrument. Para silang banda at si Floyd ang vocalist.
Bumilis ang tibok ng puso ko nong mag simula na silang tumugtog. Mas lalong pang nadagdagan ng nag simula ng kumanta si Floyd. Bakit n'ya 'to ginagawa? Bakit n'ya 'to ginagawa sa akin?
[Now playing: Last First Kiss By: One Direction]
Baby I, I wanna know
What you think when you're alone
Is it me yeah?
Are you thinking of me yeah?We've been friends now for a while
I wanna know that when you smile
Is it me yeah?
Are you thinking of me yeah? Oh, oh.Hindi ko maalis 'yung tingin ko kay Floyd. Kasi sobrang gwapo n'ya talaga ngayon. Hindi kasi siya pumasok kanina. 'Yong pala ito ang pinapagkaabalahan n'ya. Ang ganda talaga ng boses n'ya hindi ako magsasawang pakinggan.