Chapter 3

594 36 0
                                    


"Ba't ang dami mo 'atang books?" Tanong sa akin ni Cassy. Kasalukuyan kami ngayong nasa balcon. Hindi kami pumasok na dalawa ngayong umaga marami kasing gawain dito sa bahay.

"Nagrereview ako baka may surprised test na naman 'yung teacher namin. Ayokong bumagsak lalo na nakakahiya ang tatalino ng mga classmate ko." Ako lang 'ata ang bobo na na punta don.

"Eh, ang swerte mo talaga sa section 1 ka pa talaga na punta. Ang daming gustong ma punta don."

"Sus! Para ma punta sila don mag-aral silang mabuti." Yeeiih gaya ko, nag-aaral ako ng mabuti.

"Oy daan nga pala tayo mamaya sa ukayan." Oh yeah ito na naman dito talaga nauubos ang pera ko. Mahilig kasi ako bumili ng mga damit. Yung mga iniipon ko nabibili ko ng mga damit lalo na kapag kasama ko 'tong si Cassy.

"Luh, marami pa kaming bayarin Cass. 120 na lang pera ko dito."

"Pero need nating bumili ng casual dress lalo na malapit na debut ni Devina." Si Devina pinsan din namin siya pero hindi ko siya close tsaka may kaya sila. 'Yung step father n'ya kasi foreigner taga Germany.

"Hindi naman siguro ako invited ikaw lang 'ata." Sagot ko sa kanya na ikinanguso n'ya.

"Duh invited lahat. Kaya mag-ipon kana dyan pambili ng damit lalo na bongga debut ni Devina." Napa rolled eyes nalang ako sa sinabi n'ya. Wala naman akong balak pumunta don pero baka pilitin ako ng babaeng 'to.

****

Nasa room na ako ngayon at hinihintay nalang ang guro namin. May katabi na naman ako ngayon syempre si One. Alam ko naman Kong bakit 'yan natabi na naman sa akin para lang sa papel.

"Tahimik n'yo naman ngayon." Sabi ko kay One.

"Wala silang sa mood." Napatango lang ako sa sagot n'ya. Sana tuloy tuloy na di 'ba?

Pagdating ng teacher namin nag klase lang naman siya buti wala nag pa quiz. Hindi pati ako naka review ng maayos kanina.

"May project nga pala kayo." Agad-agad? May project kami?

"By partner 'to." Sana naman matino 'yung partner ko. Pero wala naman 'atang matino dito sa room except for me.

"Nakikita n'yo ba 'yung lumang room sa dulo?" Sumagot naman 'yung iba ng oo syempre ako hindi. Hindi ko pa naman kasi nakikita 'yon.

"I-assign ko kayong lahat na mag linis don araw-araw hanggang maging maayos. Dahil 15 lang kayo at by partner may isang maiiwan kaya yung maiiwan na 'yun pipili nalang siya kong kanino n'ya gusto sumama." Hindi ko nga pala nasasabi sa inyo lima lang kaming babae dito sa room.

"Here's the list of partner."

"Floyd and Francine sunday kayo maglilinis. Tuwing Sunday nandito ako at oorasan ko kayo for only 2 hours." what? Ang tagal naman 2 hours? Tapos nataon pa sa linggo nadoon ako non sa amin, e.

"One and Markie nakaassign kayo sa monday." Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang magkaka partner. Paano na 'to? Bakit siya pa 'yung partner ko? Nakakahiya kaya lumapit sa kanya para kasing ang seryoso n'ya masyado. Basta ibang iba talaga siya nong gabing 'yon hayys. Pero crush ko pa rin siya! Yes, crush ko siya simula nong ni ligtas n'ya ako 'di na siya nawala sa utak ko. Mas malala nga ngayon kasi lagi ko siya nakikita pero never naman tumingin sa akin.

****

Labasan na namin at talagang nagpa huli akong lumabas para ma kausap ko siya. Huli kasi talaga siyang lumalabas kasi lagi siyang tulog. Ano kayang ginagawa nito bat laging puyat? Baka nagrereview? Hindi naman siguro? Pero na cucurious talaga ako nong gabing niligtas n'ya ako. Buti nalang 'di siya nahuli non, lalo na naka baril siya at may baril siyang dala non. Na cucurious talaga ako sa buhay n'ya. Anong meron? Pero mukhang natakot din naman 'ata 'yong nabaril n'ya dahil una sa lahat sila naman kasalanan. Pero 'di n'ya nga lang ma de-defend kapag in-ask siya kong bakit siya may baril.

Nakapikit pa rin siya 'yong mga kasama n'ya umalis na. Siya nalang talaga ang naiiwan dito, kami pala. Wala nga palang kami. Ano bang gagawin ko? Gigisingin ko ba siya? Saturday na kasi bukas at baka umuwi na ako sa amin tapos sa sunday di ko alam kong ma co-contact ko siya kaya kailangan ko siyang ma kausap.

Napalunok ako ng sinimulan kong yugyugin ang balikat n'ya. Waah please wag kang magagalit. Pero bwesit lang hindi pa rin siya nagigising. Umupo na ako sa may harap ng upuan nya kasi nga nakayuko siya kaya hindi ko alam kong gising ba siya.

"Oy, gising na." Napaupo ako sa sahig ng gumalaw na siya at tumingin siya sa akin. Ilang segundo siyang naka tingin sa akin na parang nawala siya sa sarili n'ya. Mukhang ako rin nawala din sa sarili ko dahil di ko maalis ang tingin ko sa kanya. Tsaka lang ako natauhan nong tumayo na siya para umalis.

"Saglit!" Huminto naman siya nong tinawag ko pero hindi siya lumilingon sa akin.

"Yung aayusin pala natin." Lumingon na siya ng sinabi ko 'yun.

"I don't care." What?

"Pero 'yung grade natin ang nakasalalay dito!"

"Then ikaw ang gumawa." Nag-iinit na ang pakiramdam ko ng sinabi n'ya 'yan nagtitimpi nalang ako. Sobrang sama ng ugali n'ya? Bakit ba ako nagka crush sa ganito ang ugali?

"By partner yun at hindi para sa isang tao lang." Humarap siya sa akin at bored n'ya naman akong tinignan.

"Yeah but I don't want to do it. If you want to, then go." Naiinis na talaga ako at sa sobrang inis ko sa kanya hinampas ko siya ng bag ko.

"What the fuck!" Nagkalat tuloy 'yung mga gamit ko. Dinampot ko 'yun tapos iniwan ko siya. Bahala nga siya edi wag kong ayaw n'ya di ko na siya pipilitin. Napakasama naman pala ng ugali n'ya.

Naiiyak ako kasi naiinis ako ng sobra. Plus sumasakit 'tong puso ko! Bakit ba ako nagka gusto sa kanya? Dapat talaga kalimutan ko na siya. Hindi ko lang alam ang ugali n'ya dati kaya nagka gusto ako.

****

Naglalakad na ako ngayon pauwi sa amin. Bukas sana ako uuwi para 'di ako abutin ng gabi kaya lang maaga naman kami nag-uwian kanina 3 pm palang. Kaya ngayon naglalakad na ako pauwi 30 minutes kasi kong lakarin 'yung pauwi sa amin. Tapos nasira pa talaga 'yung bag ko kanina. Bakit ko ba kasi 'yun hinampas? Nabutas ng tuluyan 'yung bag ko. Kaya ngayon yakap yakap ko yung bag ko. Ang dami ko pang gagawin kailangan ko pang magpa print at mag internet. Mababawasan na naman ang pera ko. Sana lang talaga may kita sila papa ngayon para magka pera naman ako kahit pa paano.

Napahinto naman ako ng mapadaan ako sa dinaanan ko last month. Kong saan n'ya ako ni ligtas! Nakakainis dapat 'di ko na siya iniisip at ayon para akong baliw naglalakad akong luhaan.



Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon