Chapter 25

382 19 3
                                    


Bukas na ang recognition namin at sa wakas wala na kaming klase. Makaka pag focus na ako sa trabaho ko, pwede na ako mag pang umaga o pang gabi.

Pumasok na 'yung adviser namin at alam ko namang sasabihin n'ya na kong sino 'yung may mga award. Nong first grading kasi wala akong award dahil 87% lang average ng grade ko. Tumaas nga lang 'yun dahil katabi ko nong time na 'yun si One plus tutor ko pa si Floyd.

Nong second grading naman medyo 'di na ako obob nong time na 'yun. Lagi kasi akong tinuturuan ni Floyd sa mga topic na nahihirapan ko. Kaya lang 'di pa rin umabot ng 90% 'yung grade ko kaya wala pa rin akong award non. By grading kasi may award na natatanggap 'yung mga 90% pataas. Like certificate ganon at nong 3rd grading nakasama ako sa 90% average. Sobrang saya ko ng araw na 'yon kasi first time talaga na nagkaroon ako ng average na 90% kasi since elementary 85 hanggang 88% lang nakukuha kong average. Hindi ko talaga alam kong bakit ako napunta sa section na 'to dahil mababa naman talaga yong average ko sa mga card.

"Third congrats for being on top," nagpalakpakan kami nong malaman naming si Third 'yung pinaka mataas na average sa amin ngayong grading. Actually lahat kami dito lahat 90% pataas ang average last grading. Hindi ko lang alam ngayon. Medyo kinakabahan nga ako baka hindi na ako nakasama. Hindi kasi ako naka focus masyado nakaraan nong exam iniisip ko kasi 'yung panggastos sa surgery ni Janna.

"Congratulation to all of you, dahil lahat kayo pasok sa honor." Napangiti ako sa sinabi ng adviser namin. Waah! Totoo ba 'to? Yes! Akala ko hindi ako umabot.

"Congrats," sabi sa akin ni Floyd. Agad ko siyang niyakap dahil sobrang saya ko talaga.

"Thank you for always helping me. Kong hindi dahil sa'yo hindi magiging mataas 'yong grades ko." Siya kasi talaga laging tumutulong sa akin. Kong sagutin ko na kaya siya bukas sa awarding? Yah! Pwede para double celebration.

"No problem, ikaw pa malakas ka 'ata sa akin." Bago pinisil n'ya 'yung pisnge ko. Sobrang swerte ko talaga kasi nagkaroon ng Nikko Floyd Bang sa buhay ko.

"Alam mo nagtataka talaga ako ikaw lang kasi naiibang last name sa inyong lahat." Natatawa ko na namang sabi sa kanya na ikinasimangot n'ya. Half korean kasi siya, but he can't speak korean fluently. Hindi kasi siya lumaki sa korea dito na talaga siya lumaki sa Pilipinas. Pero marunong naman siya 'di nga lang talaga as in.

Wala daw kasi siyang nakakausap na korean only his father na lagi pang busy daw. Kaya nakasanayan n'ya ng 'di mag salita ng korean.

Ang po'pogi pati ng mga k-pop lalo na 'yung Stray Kids bias ko pati si Bang Chan don same pa sila ng last name. At isa lang masasabi ko loyal ako sa bias ko. Kaya stan Stray Kids.

"Why are you smiling?" Nawala tuloy ang ngiti ko nakakahiya baka isipin ni Floyd nababaliw na talaga ako.

"Wala sobrang saya ko lang talaga ngayon."

"Good for you," sagot n'ya sa akin. Matapos i announce ng teacher namin na lahat kami kasali sa honor lumabas na kami para tignan sa bulletin board 'yung mga average namin.

Ang dami ding ibang student na nandito. Dito kasi pinopost lahat ng mga may honor sa buong school. Hindi muna ako nakipag siksikan dahil ang dami pang student. Lumapit ako kay Third para i congratulate siya.

"Congrats Third," simula first grading si Third na talaga 'yung nangunguna sa batch namin.

"Yeah, thank you." Nasa likod lang kami ng ibang mga student. Sikat sila dito sa school pero hindi naman as in die hard 'yung ibang mga student dito. Kaya hindi sila pinapagkaguluhan tsaka hindi na sila katulad ng dati na gumagawa ng gulo para mapansin. Siguro kong hindi ko sila naging kaibigan nanggulo na sila at pinaalis 'yung mga student na nandito sa harapan namin.

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon