Hailee Point of View
May party ngayon sa mansion dahil na rin sa pag welcome sa amin. Sa totoo lang hindi pa ako sanay na parang biglang magiging ganito 'yong buhay namin. At the same time natutuwa din ako dahil mabibili ko na 'yung mga gusto ko. Tsaka makakatapos na kami ng pag-aaral 'di na rin ako magkaka problema financially.
"Ba't 'di ka bumababa?" Nasa terrace lang kasi ako ng mansion at nasa baba ang mga tao.
"Nahihiya kasi ako alam mo na first time 'to." Tinawanan naman ako ni Markie nasa baba din sila Christian ewan ko lang kong nandyan si Floyd. Invited rin naman siya kaya lang baka hindi 'yon a-attend. Tagal na rin nong huli ko siyang 5 months ago na 'ata.
"Bumaba kana hinihintay ka nila." Napa pout nalang ako at 'yon nga wala naman akong nagawa kailangan kong bumaba.
*****
Medyo kinakabahan lang ako baka bigla ko siyang makita dito at bumalik lahat. Medyo okay na din kasi ako pero 'di ko sure kapag nakita ko siya kong magiging ayos lang ba ako or babalik lahat ng sakit na iniwan n'ya. Hindi ko rin naman mapipigilan kong pupunta siya dahil invited ang family n'ya lalo na classmate pala 'yong mama n'ya at mother ko.
"Oii iba ka ngayon ah." Pang-aasar sa akin ni Jake.
"Bakit ano bang meron ngayon sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ngayon ka lang kasi namin nakita sa ganyang ayos hahaha. Nag mukha ka ng tao!" Lumapit ako kay Jake at kinurot ko siya nang-aasar na naman kasi gusto ko nga sana tadyakan kaso lang naka heels ako. Napansin ko naman si Thunder na nakatingin sa akin kaya lumapit ako sa kanya.
"Ayos ka na ba?" Napatigil ako sa tanong n'ya kasi 'di ko pa talaga alam kong totally healed na ba ako.
"Ayos na rin siguro ako." Pero tingin ko hindi pa rin baka bumalik lahat ng sakit kapag nakita ko siya. Kaya kinakabahan ako kapag nakita ko siya at 'yong pinaghirapan ko na buoin ng ilang months mawasak lang ulit.
"I'm sorry Hailee." Napatingin naman ako kay Thunder at nangunot ang noo ko bakit naman kasi siya mag so-sorry?
"For what?"
"Kasalanan namin akala kasi namin 'di n'ya sa'yo 'yon gagawin kong alam lang namin na mangyayari 'to 'di na sana kami lumapit pa sa'yo. Pero kasi kilala na namin siya dati pa alam namin na he's madly inlove with you 'di lang talaga namin maintindihan kong bakit ka n'ya iniwan."
"Hindi n'yo naman kasalanan, kasalanan ko kasi minahal ko siya ng todo. Tama na tapos naman na 'wag na natin isipin 'yon."
"Kapag bumalik talaga siya makakatikim talaga 'yon sa akin." Napangiti ako kay Thunder hindi ko alam na ganito pala sila sa akin nag-alala.
"Wag na, hindi naman kasi natin pwedeng diktahan 'yong puso natin na magmahal ng iba. Hindi n'ya na ako mahal kaya hindi ko na pipilitin pa."
"Pero alam kong may malalim na dahilan kong bakit n'ya 'to nagawa sa'yo pero never n'yang sinabi sa amin." Napangiti ako ng mapait.
"Clyde 'wag na natin siyang pag-usapan pa." Mukha namang na realize ni Thunder na mukha na akong naiiyak.
"Sorry Hailee." Nag smile lang ako sa kanya pero deep inside ang sakit na talaga.
Napahinto ako ng makita ko ang bagong dating na bisita namin at gumuho ulit ang mundo ko. Nakita ko na ulit siya at napagtanto ko na mahal ko pa rin pala talaga siya kahit ilang months na ang nakalipas. Ibang iba na siya sa dati medyo nag matured kasi ang mukha n'ya. Kasabay n'yang dumating si Ryleigh, tumingin siya saglit sa akin. Hindi ko alam kong mapapansin n'ya ba 'yong pain na nasa mata ko ng makita siya.
"So, it's true ikakasal nga sila ni Ryleigh." Parang nabingi ako ng marinig ko na ikakasal siya kay Ryleigh. Totoo ba talaga 'yon?
"Ikakasal si Floyd kay Ryleigh?" Halos 'di na ako makatayo ng maayos sa narinig ko.
"Huh?" Hindi maka pag salita si One pero sa kanya ko mismo narinig kanina na ikakasal silang dalawa.
"Sorry kong nilihim namin 'to. Pero yes ikakasal na si Floyd and Ryleigh." Straight forward na sabi ni Aaron napapikit ako sa narinig ko at parang nanghina ang mga binti ko pero nagawa ko paring makatakbo palayo sa kanila.
Bakit? Bakit hindi nila agad sinabi sa akin? Nag-unahan ng tumulo ang mga luha ko habang papalayo sa kanila. Napahinto ako sa may garden sa kalayuan dahil 'di ko na talaga kaya pa. Madilim din dito walang makakakita sa akin or makakarinig sa lakas ng iyak ko.
Ayoko ng maramdaman pa 'to pero hindi ko mapigilan dahil hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya. Akala ko magiging maayos ako pero 'di ko pala kaya lalo na sa mga nalaman ko ngayon.
"Bakit ba kasi kita minahal ng ganito?! Bakit ikaw pa?! Bakit pa kita na kilala?! Ang sakit na!"
Napatigil lang ako ng may mag abot sa akin ng panyo.
"Salamat." Basang basa 'yung panyo ng pinunas ko 'yun sa luha ko.
"Alam mo hindi ko alam kong anong kasalanan ko sa kanya. Bakit n'ya 'to ginagawa sa akin? Bakit n'ya ako sinasaktan ng ganito. Gusto kong maramdaman n'ya 'yong nararamdaman ko ngayon."
"Then do it." Napatingin ako sa lalaking nandito at napatingin sa kanya.
"Gawin mo na kong anong gusto mong gawin sa akin. Sampalin mo ako o ano pa tatanggapin ko." Tsaka ko lang na realized na it's him.
"Bakit?" Agad ko siyang hinampas sa dibdib n'ya. "Bakit mo 'to ginagawa sa akin? May ginawa ba ako sa'yong mali? I really hate you so much!" Habang hinahampas ko siya niyakap n'ya ako. Hindi ako makagalaw dahil ang higpit ng pagkaka yakap n'ya.
"Ngayon na realize ko na siguro dapat na talaga kitang kalimutan." Tinulak ko siya palayo sa akin.
"Umalis kana. Ayaw na kitang makita."
"Hailee mahal na mahal kita." Fuck him! I slap him when he said that.
"Mahal mo ako pero ano iniwan mo ako?! Hahaha 'wag mo na akong bigyan pa ng another hope. Tama na ang sakit-sakit na!" Baka kapag sinabi mo pang mahal mo ako baka hindi ko na kakayahing mawala ka.
"I'm so sorry." Bwesit na 'sorry' yan.
"Sorry anong magagawa n'yan ha? Maaalis ba lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ha! Sabihin mo nga sa akin kong mahal mo ako bakit mo 'to ginagawa? Bakit ikakasal kana sa iba? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Sabihin mo!" Hindi siya sumasagot sa tanong ko.
"Umalis kana!" Sigaw ko sa kanya, "Nasasaktan lang ako kapag nakikita kita! Sana 'di na tayo mag kita pa," tinulak ko siya palayo sa akin.
"I'm so sorry." Huling sinabi n'ya bago n'ya ako iwan. Napaupo ako dahil nanghihina na talaga ako pero umaasa ako na sana piliin n'ya ako.
*****