[Nikko Floyd Bang Point of View]
"What the fuck Stephen!" Sigaw ko sa kanya.
"Pasensya na 'di ko napigilan 'yung sarili ko. Nakakainis naman kasi siya parang pinapakialam n'ya na 'yung buhay natin." Sagot n'ya.
"Pero kahit na." Sagot naman ni Ayen
"Okay kasalanan ko na. Hindi lang talaga ako naka pagpigil nong sinampal n'ya ako." Sagot n'ya bago lumakad na paalis.
"Siguro dapat na tayong mag sorry kay Hailee." Naka sad face na sabi ni One. Tsk.
"Kaya nga pinakita lang naman natin sa kanya kong ano tayo. Kong ano ba talaga tayo. Pero kong hindi n'ya tayo tanggap wala naman tayong magagawa don." Sagot naman ni Christian.
Yeah, he's right.
*****
Hailee Point of View
Hindi ko talaga papansinin 'yung siyam na 'yun lalo na si Markie. Walang hiya talaga siya, nanggigigil ako sa kanya sa sobra kong inis.
"Ba't ganyan mukha mo?" Tanong naman sa akin ni Cassy.
"Wala." Mukhang hindi naman siya satisfied sa sagot ko kaya..
"Sus! Broken ka no?" What?
"Pinapagsabi mo?" Inirapan ko siya dahil kong ano-ano na 'ata ang pumasok sa utak nito.
"Ano bang problema? Kalat kaya sa school na nag-away kayo ni Mark Stephen." Wow? May pakpak talaga ang balita grabe talaga mga tsismosa ngayon.
"Oh tapos?" Sagot ko sa kanya kaya naman sinapak nya ako sa braso ko.
"Wala kang kwenta kausap!" Sagot n'ya na ikinatawa ko lang.
"Bukas na pala debut ni Divina." Napa irap nalang ako ng tinopic n'ya na naman 'yung hinayupak na babaeng 'yun.
"Hindi ako pupunta." Sagot ko sa kanya na ikinataas naman ng kilay n'ya.
"At bakit?"
"Ayoko lang."
Palabas na kami ngayon ng bahay papuntang school.
"Kailangan nating pumunta don gaga ka. Invited kaya pati parents mo." Napa deep sigh nalang ako. Bahala na nga sure ko naman kasi pipilitin ako ni Cassy na pumunta don. Tapos kong hindi pupunta sila mama at papa ako talaga ang papapuntahin don.
"Okay pupunta na ako. Pero wala akong dress." Sagot ko nalang sa kanya bago kami nag hiwalay ng daan papunta ng building namin.
"Hailee!" Nagulat ako ng may tumawag sa akin at si One lang naman. Ginagawa nito dito? Galit ka sa kanya Hailee kaya hayaan mo siya.
"Oy Hailee," kinukulbit n'ya na 'yung tagiliran ko.
"Bakit ba?!" At ang kumag naka ngiti na nong pinansin ko.
"May sasabihin ako sa'yo."
"Ano naman?" Walang gana kong sagot sa kanya. Okay na bati na kami ni One huhuhu.. Hindi ko siya matiis tsaka wala naman siyang kasalanan.
"I have a crush." Napataas naman 'yung kilay ko sa sinabi n'ya.
"So?" Sagot ko nalang sa kanya.
"Patulong naman kong anong dapat gawin kapag nanliligaw." What? Napangiwi ako sa sinabi n'ya.
"Bakit ka nagpapatulong sa akin? Tsaka crush palang tapos liligawan mona? Paano kong mawala pagiging crush mo sa kanya? Ugok ka talaga!" At binatukan ko siya.
"Eh, pero hindi na 'ata 'to crush gusto ko na siya." Nahihiyang sabi n'ya naman sa akin.
"Yeeiih sino ba 'yan?" At ang walangya nakapikit at ngumingiti mukhang finifeel n'ya kong sino man 'yun.
"Basta tulungan mo ako." Nang maka recover siya sa pag m'mezmerize ng crush n'ya.
"Okay."
Pumasok na kami sa loob ng room ng makita ko si Stephen na badtrip ako kaagad. Buti nalang naka pagpigil pa ako.
Mukhang naging okay naman 'yung klase ngayon dahil sobrang tahimik nilang lahat. Pero napansin ko si Third at Clyde na may mga pasa. Okay na pala n'yo sa sobra n'yong kayabangan.
Pero parang may iba, e. Napansin ko rin kasing pa ika-ika mag lakad si Christian at Ayen kanina. Napaaway na naman ba sila? Okay nag-aalala na naman ako sa kanila. Bakit ba kasi ang hilig nila sa gulo.
Tumabi ako kay Ayen nasa hulihang row din kasi siya pero sa may bintana siya tapat ako kasi sa gitna.
"Ayen," nagulat naman siya sa pagtabi ko sa kanya.
"Ate Hailee." Ohmy! Bakit ba ate ng ate 'to sa akin? Magkasing edad lang naman 'ata kami.
"Bakit ka ba ate ng ate?" Nagtatakang sagot ko. Pero nong nag smile siya my gosh sobrang cute n'ya.
"Mas matanda ka po kasi sa akin." Eh? Ganon.
"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
"14," sagot n'ya.
"What 14 ka palang? Tapos G-11 kana? 'Yung totoo?"
"14 palang talaga ako ate. Actually ka bibirthday ko lang nong February." Napanganga nalang ako sa sagot n'ya pero bakit ang tangkad n'ya? Kaya pala mukha siyang bata. Siya kasi pinaka mukhang bata dito sa room. Pero 'di ko naisip na 14 years old palang siya.
"Ang bata mo pala." Nag smile siya sa akin bago sumagot. Sobrang napaka masayahin talaga nito. 'Yung smile n'ya nakakadala parang nakakawala ng pagod o problema.
"Opo, 4 years old kasi ako nong nag grade 1 ako."
"Buti tinanggap ka kahit na masyado ka pang bata." Sagot ko sa kanya. Nag smile na naman siya bago sumagot sa akin.
"Yes, 'yung talino ko kasi hindi pambata." Napangiwi naman ako sa sagot n'ya. Okay ako na talaga ang obob dito sa room.
"Ikaw na." Sagot ko nalang sa kanya.
"Bakit ka pala tumabi sa akin?" Muntik ko ng makalimutan ang itatanong ko sa kanya.
"Kasi itatanong ko lang kong anong nangyari sa'yo? Pati kay Christian?" Napatigil naman siya sa tanong ko.
"Wala namang nangyari sa amin." Sagot nya.
"Anong wala? Bakit kanina nahihirapan kang maglakad?"
"Ah 'yun ba? Napaaway kasi kami kahapon. Inabangan kasi kami kahapon dito sa school. Mga nanghahamon kasi sila kaya hindi namin inatrasan." Mga depungal talaga!
"Alam mo Ayen bata ka pa. Dapat 'di mo ginagaya 'yang mga kuya mo! Mga ugok 'yang mga yan!" Napalakas 'ata 'yung pagkakasabi ko kaya napatingin sila sa aking lahat. At ngayon ko lang din napansin na kami nalang na sampu ang nandito.
"Anong ugok pinapagsabi mo Hailee?" Nakasimangot na tanong ni One.
"Ayen, 'wag kana dapat sumama sa kanila ah. Mga bad influence sila marami ka pang mararating." Bago ginulo ko ang buhok ni Ayen. Tumawa naman sila mga ugok talaga. Mukhang bati na kaming lahat. Okay ako na marupok huhuhu..
"Akala mo naman nanay kana para mag advice, e 16 years old ka palang naman." Dumidilang sagot ni Jake.
"Oo nga 16 years old palang ako atleast yung height ko hindi pang G-7." Sagot ko kay Jake.
"Burn!" Tumatawang sabi ni Third.
"Bat ba height ko ang nakita mo Hailee?" Nakakatawa 'yung reaction n'ya sobrang priceless.
"Syempre yun nalang ang meron ka." Sagot ni Mark. Medyo nabalik ako sa kanina ng nag salita si Mark. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya. Hindi nalang ako sumagot at bumalik na sa upuan ko.
*****
Habang nagsusulat ako may nagbato sa akin ng papel. Binuklat ko naman 'yun at may nakasulat.
Sorry na. Alam kong mali ang ginagawa ko kahapon. Balik na tayo sa dati..
MS
Okay alam ko namang si Markie 'to. Napangiti nalang ako habang binabasa ko 'yun. Kasi sobrang nakaka touch 'yung pinapahalagahan talaga nila 'yung pagkakaibigan namin.
*****