Chapter 19

401 21 0
                                    


Mag kasama kami ngayon ni Floyd dahil sabi n'ya tuturuan n'ya ako sa exam kaya ito ngayon kasama ko siya.
Napatingin ako sa kanya habang nagpapaliwang siya.

"Na gets mo ba 'yung sinasabi ko?" Napatigil ako ng tumingin siya sa akin.

"Amh. Ano nga ulit 'yun?" Napilitan akong ngumingiti kasi hindi ko talaga naintindihan. Kainis naman kasi nakaka distract 'yung kagwapohan ng asawa ko.

"Paano mo maiintindihan kong naka titig ka lang sa akin?" Waah! Nahalata n'ya bang naka titig lang ako sa kanya? Malamang Hailee! Hindi ba obvious.

"Hindi kaya. Hindi ka lang talaga magaling mag paliwanag. Inaantok ako sa pag e-explain mo." Sagot ko sa kanya na ikinasimangot n'ya. Sarap talaga nitong asarin.

"Really huh? Hindi na kita tuturuan boring pala, e." Mukhang nagtampo dahil tinalikuran ako. Nasa lumang room kami ngayon ng school. Linggo kasi ngayon katatapos lang namin maglinis dito.

"Oii." Kinulbit ko siya dahil 'di na talaga n'ya ako pinansin. Busy na siya mag cellphone at nag airpods na siya.

"Hoy! Joke lang naman 'yun, e. Hindi ka nga nakakasawa magturo, e. Nakaka distract lang kasi 'yung mukha mo. Ba't kasi ang gwapo mo?" Teka? Huhu 'di n'ya naman siguro narinig d'ba? Pahamak kasi 'tong bibig ko kong ano-ano ang sinasabi.

"Anong sabi mo pakisabi ulit?" Nilapit nya pa 'yung mukha n'ya sa akin at tinanggal 'yung airpods n'ya.

"Huh? Ang sabi ko joke lang 'yun." Napalunok ako dahil ang lapit talaga ng mukha n'ya sa mukha ko. Lumayo naman siya sa akin bago nag smirk. Mukhang di siya naniniwala sa sinabi ko pero 'yun naman talaga ang sinabi ko may karugtong nga lang.

"Really? May sunod pa 'yun, e." Waah!

"Wala kaya! Wala na 'yung sunod." Pagtatanggi ko. Bakit ko ba kasi nasabi 'yun? Pero kasi gwapo talaga siya at crush ko siya nong una ko palang siyang nakita. Nong gabing niligtas n'ya ako. Sa ngayon mas malala pa 'ata 'tong nararamdaman ko sa kanya. Baka anytime sasabog na ako at masabi ko sa kanya 'to.

"Wala ba? Okay 'di kita tuturuan." Bago ibabalik n'ya sana ulit 'yong airpods.

"Oo na.. ang gwapo mo kasi nakakandistract." Yun nga ang laki ng ngiti ng kumag.

"Inlove kana n'yan sa akin." Sagot n'ya pa sa akin kong pwede lang sagutin na 'oo matagal na.' Samantalang dati 'di siya ganito. Ngayon nang-aasar na siya pero okay lang atleast mas nagiging comfortable kami sa isat-isa at mas lalo ko pa siyang na ki-kilala.

"Hindi ikaw kaya ang inlove sa akin. Bakit ako 'yung lock screen mo? Wallpaper mo? Lockscreen huh? Oi crush n'ya ako." At namula naman siya sa pinapagsabi ko. Wahaha akala n'ya huh!

"Stalker kita no?" Tinutusok tusok ko na 'yung tagiliran n'ya.

Nabigla ako ng sinandal n'ya ako sa wall.

"Paano kong sabihin kong stalker mo nga ako." Hindi agad ako nakasagot dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nag backfire 'ata sa akin ang pang-aasar ko sa kanya. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko at napalunok ako ng tinitigan n'ya ako at palapit na ng palapit 'yung mukha n'ya sa mukha ko.

"What if I told you that I want to court you." Halos manlaki ang mata ko sa mga pinapagsabi n'ya. Totoo ba talaga 'to? Hindi ako nanaginip. Lumayo na siya sa akin pero ako tulala pa rin. Sinampal ko na rin 'yung sarili ko baka kasi panaginip lang 'to.

"Hahahaha." Napatigil lang ako sa pag sampal ko sa sarili ko ng marinig ko siyang tumatawa. Nakakainis siya mukhang pinapagtripan n'ya na naman ako 'di n'ya ba alam kong gaano kalakas impact na binibigay n'ya sa akin tapos papagtawanan lang ako.

"Sabi na ko na, e pinapagtripan mo lang ako." Naka pout na sagot ko sa kanya.

"Mukha bang pinapagtripan kita?" Napatigil naman ako sa sagot n'ya.

"Seryoso ba 'yung sinabi mo? 'Yung liligawan mo ako?"

"Yes." Gosh. Napaupo ako sa sinabi n'ya at siya naman tumatawa. Hindi ko alam kong seryoso ba siya sa mga pinapagsabi n'ya. Pero sana lang totoo ang hirap kayang ma fall tapos di ka lang sasaluhin.

*****

Matapos ang nangyari kanina hinatid ako ni Floyd sa hospital. Bumili din kami ng prutas para kay Janna.

Si Floyd 'yung kasama ko simula kahapon at hanggang ngayon. Kahapon buong mag hapon siyang nasa hospital at dalawa kaming nagbabantay kay Janna. Yung walo kasi mga busy hindi ko alam kong bakit sila busy.

"Gutom ka na ba?" Umiling naman ako sa kanya. Hindi pa naman kasi talaga ako gutom.

"May nahanap na pala si One na pagtatrabuhan ko."

"Really? Saan naman?" tanong n'ya.

"Sa Restaurant daw nila." Napatango naman siya ng sabihin ko 'yun.

"But it's too risky. Malayo 'yun dito dalawang byahe."

"Okay lang atleast may trabaho ako. Kailangan ko talaga ng pera para sa surgery ni Janna." Kailangan naming mag-ipon.

"Kailan ka ba magsisimula?"

"Bukas." Sagot ko sa kanya.

Matapos naming mag-usap umuwi na rin siya dahil walang kasama si Lucas sa bahay nila.

******

Nandito ngayon si Cassy kami lang dalawa dito siya natulog sa hospital. Hindi kasi makakabantay si mama dahil kailangan n'ya tumulong kay papa.

"Couz gusto mo dalawa nalang tayo mag work dyan kila One. Para makatulong din ako." Mabuti nalang talaga may pinsan akong katulad ni Cassy.

"Hindi na Cassy sobrang gabi na 'yung uwi baka mapano ka pa. Baka 'di ka maka focus sa pag-aaral mo kapag nag trabaho ka rin." Sobrang gabi na kasi ang uwi. 5:30 pm yung pasok ko at ang labas 11 pm.

"Yun nga para sabay tayo umuwi at may kasama ka."

"Baka hindi ka payagan ni auntie okay lang naman. Sanay naman ako umuwi ng ganong oras." Napailing nalang siya sa naging sagot ko.

"Paano 'yan baka mapuyat ka? Magkano ba ang sahod?"

"Ang sabi sa akin ni One kapag 8 hours daw kasi 550 per day. Pang mayaman kasi 'yung restaurant na 'yun. Tsaka maghuhugas lang naman ako ng mga pinagkainan kaya easy lang." 550 pa rin 'yung sahod ko kahit 5 hours lang ako don dahil panggabi ako or baka dahil parents n'ya naman ang may-ari kaya same pa rin ang sahod ko.

"Sayang naman. Gusto ko rin sana makatulong kaso mukhang 'di ako papayagan ni mama."

Kinuha ko muna ang mga notes ko na pinag-aralan namin ni Floyd kanina. Sana lang maka pasa ako bukas sa exam.

"Dapat perfect ka dyan gwapo pati 'yung tutor mo." Pang-aasar sa akin ni Cassy napapangiti nalang ako sa sinabi n'ya. Naalala ko tuloy 'yung nangyari kanina.

"Oh? Bat ka ngumingiti mag-isa dyan?"

"Wala!" Sagot ko sa kanya.

"Ikaw Hailee huh! May hindi ka sinasabi sa akin."

"Ano namang sasabihin ko sa'yo?" Habang nakataas ang kilay ko sa kanya.

"Ewan ko. Sabihin mo na kasi sa akin 'yung mga secret mo at ng maasar kita."

"Ayoko nga aasarin mo ako, e." Napairap nalang siya sa naging sagot ko.

*****

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon