****
Wala akong tulog ngayon pero pumasok pa rin ako dahil kailangan.
"Hailee!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Divina lang pala.
"Bakit hindi ka umattend sa birthday ko?" Mataray na sabi n'ya pero wala akong gana maki pag-usap sa kanya.
"Ayoko lang." Sagot ko, wala naman silang pakialam sa amin kahit na nagkaganon ang kapatid ko.
"What! Kinakausap pa kita!" Sigaw n'ya nong tinalikuran ko siya.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan. Pagod ako pwede ba!" Mukhang gigil na siya sa sinagot ko sa kanya.
"How could you! Ang yabang muna porket kaibigan mo na 'yung mga hearthrob dito sa school!" Hindi ko na siya pinansin at nilampasan na. Alam ko ang rude ko sa ginawa ko, pero wala talaga akong gana. Wala na akong gana mabuhay parang nawalan ng buhay 'yung mundo ko. Pero kailangan kong labanan lahat ng lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Pumasok ako sa room na hindi nagsasalita o ngumingiti man lang. Yumuko nalang ako at wala akong pakialam sa mundo.
"Hailee ayos ka lang ba?" Lumapit sa akin si One pero hindi ako nag salita. Ayoko muna ng kausap gusto kong ma pag-isa.
****
Buong klase wala akong naintindihan may exam pa ako sa lunes. Natapos na kasi nila lahat kahapon ng exam. Sobrang talino kasi ng mga 'to kaya natapos nila kaagad ng maaga. Tapos ako pa 'tong 'di nakasabay. Paano nalang 'to sa lunes? Wala akong maisasagot.
*****
Habang nasa lunch break ang iba nasa room lang ako pati rin syempre 'yung walo. Hindi ako nagbaon ngayon dahil wala na talaga akong pera. Kaya ko naman hindi kumain kailangan namin ng pera kaya kailangan kong mag tipid.
Napansin kong may pasa na naman si Clyde. Bakit ba laging hanap nito gulo?
"May nakaaway na naman ba kayo?" Hindi sila nag salita kaya silence means yes.
"Please lang itigil n'yo na 'yan." Hindi ko nasabi na absent ulit si Floyd.
"Hailee may problema ba?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Jake.
"Alam n'yo bang sobrang halaga ng buhay. Paano nalang kong matuluyan kayo dahil sa mga pinapanggawa n'yo!" Naiiyak na ako sa sinasabi ko at sila naman tahimik lang sa mga sinasabi ko.
"Maraming taong gustong mabuhay at lumalaban para mabuhay. Tapos kayo sinasayang n'yo lang dahil sa mga gulong kinakasangkutan n'yo. Wala namang kwenta 'yung mga dahilan n'yo. Sana naman iwasan n'yo na 'yan. Hindi n'yo alam 'yung pakiramdam kapag nawalan ka. Paano nalang kapag may nangyari talaga sa inyong 'di maganda. Paano na 'yung mga naiwan n'yo?" Mahabang paliwanag ko sa kanila.
"Hailee hindi naman 'yun mangyayari," tumatawa pang sagot ni Clyde.
"Yan dyan kayo magaling! Sa hindi mangyayari! Isipin n'yo naman 'yung mga taong nag-aalala sa inyo. Hindi n'yo alam ang mararamdaman nila. Tsaka dapat make your parents proud of you. Alam ko namang lahat kayo matalino pero sana gamitin n'yo naman 'yung utak n'yo sa tama."
"Alam n'yo ba kong anong nangyayari sa akin ngayon?" Napaiyak na ako ng sabihin ko ang problema ko sa kanila.
"Yung kapatid ko may sakit siya. Sobrang sakit lang na malaman na may sakit siya. Iniisip ko nga kong ang dami ko bang kasalanan kaya nangyayari 'to sa amin. Sana kayo isipin n'yo rin na bawat buhay mahalaga kaya dapat iwasan n'yo ng maki pag-away. Alam n'yo naman siguro kong bakit ko 'to sinasabi di 'ba? Kaibigan na 'yong turing ko sa inyo kaya sana man lang umiwas na kayo sa gulo. Ayoko nang mawalan pa ng kaibigan." Sila nalang ang naiiwang kaibigan ko. Iniwan na ako ni Delaney kong na saan man siya ngayon sana masaya siya. Sana okay lang din siya wala na rin kasi akong balita about her.
Pagtapos n'yan hindi na ako nag salita at yumuko nalang. Ang sakit na kasi ng dibdib ko. I hope this time makinig na sila sa sinabi ko.
*****
Uwian na kami ngayon kasabay ko sila One, Ayen, Jake at Clyde. Ihahatid nila ako sa hospital ngayon. Kotse lang ni Clyde sinakyan namin dahil grounded sila. Si Ayen naman masyado pang bata para magka kotse. Sila Christian, Aaron, Mark at Third naman uuwi daw muna. Susunod nalang sila sa akin sa hospital.
"May alam ba kayong part time job?"
"Part time job ba? Pm me ate Hailee." Binatukan naman ni Clyde si Ayen.
"Ano namang trabaho ibibigay mo sa kanya?"
"Typing job hahaha." Natatawang sabi ni Ayen.
"Gagong bata na 'to." Dagdag ni Jake.
"Seryoso?" Sagot ko nalang.
"May alam kami marami." Sagot naman ni One kaya agad naman akong natuwa.
"Talaga? Samahan mo naman ako para maka pag apply ako."
"Hindi ko lang alam kong may vacant sila." Medyo nawala ang ngiti ko sa sinabi ni One.
"Pero kong wala magagawan naman 'yan ng paraan. Tutulungan ka namin." Sobrang swerte ko talaga dahil naging kaibigan ko ang mga 'to pero mas swerte sila dahil naging kaibigan nila ako.
"Salamat sa inyo."
****
Hinatid lang nila ako sa hospital. Kailangan pa kasi nila umuwi pero mamaya babalik daw sila. Pero hindi ko naman sinabing bumalik pa sila kaso hindi ko sila mapigilan.
Habang naglalakad ako palapit sa room ng kapatid ko. Nakita kong lumabas sa room ni Janna si Floyd. Huh? Bakit galing siya sa loob?
Tumakbo ako para mahabol ko siya pero hindi ko na siya naabutan.
Pagpasok ko sa loob ng room ni Janna may mga prutas na nandoon.
"Ate ang bait ng kaibigan mo." Ngumiti lang ako kay Janna. Wala siyang kasama dito.
"Saan si mama?" Umupo ako sa tabi n'ya.
"Wala siya dito ate umalis. Hindi ko alam kong na saan." Nagulat ako ng bumukas ulit ang pinto at si Floyd ang pumasok.
"Nandito ka na pala."
"Paano mong nalaman na kapatid ko siya? Tsaka bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko.
"Binabantayan ko siya. Wala kasi siyang kasama." Tumingin naman ako kay Janna na naka smile kay Floyd. Mukhang nagwapohan siya tsk. Ganyan kasi 'yan siya kapag natipuhan n'ya lagi siyang ngumingiti.
"Salamat sa pag bantay sa kanya."
"No problem. I hope she will be okay." I hope so too.
"Sana nga." Malungkot kong sabi.
"Don't worry I will help you."
"Salamat sa inyo."
Bumukas ang pinto at nagulat kami ng 'yung walo ang pumasok. Maliit lang pati 'tong room ng kapatid ko baka 'di kami mag kasya.
"Oy nandito ka pala Floyd?"
"Kayo huh? Anong ginagawa nyo?" Napakunot ako sa pinapagsabi ni Jake.
May mga dala silang pagkain. Sobrang dami parang pang sampung tao na ang kakain.
"Ang dami n'yo namang dala," tanong ko sa kanila.
"Ah oo, baka kasi hindi pa kayo kumakain. Kaya bumili kami ng lutong pagkain pati de lata, noodles para may pagkain kayo bukas at sa susunod pa." Nabigla ako sa sinabi ni Aaron.
"Huh? Hindi n'yo na dapat 'yun ginawa." Sagot ko sa kanila.
"Kaibigan ka namin kaya tutulungan ka namin." Nag agree naman sila sa sinabi ni Third.
"Salamat sa inyo. Pero sobra sobra na 'yan." Sagot ko sa kanila.
"Okay lang maliit lang naman na bagay 'yan." Hindi nalang ako nakipag talo sa kanila dahil mukhang ayaw din nila magpatalo kaya pinabayaan ko nalang.
Kinakausap nila 'yung kapatid ko at nilalaro laro na rin. Nang matapos na nilang kausapin umalis na din sila. Mabuti nalang wala ng maingay. Dumating na rin si mama at papa hindi nila naabutan 'yung siyam.
"Ang bait naman ng mga kaibigan mo Hailee." Napangiti nalang ako sa sinabi ni mama. Kong alam mo lang ma hindi mo sila masasabihan na mabait lalo na kapag umiral ang bad side nila. Pero thankful pa rin ako kasi naging kaibigan ko sila.
******