Chapter 2

632 36 1
                                    

Papasok na kami ngayon ulit sa school. Hindi namin kasabay si Auntie dahil nauna na siya don kanina pang alas singko.

"Cassy kilala mo ba 'yung ibang classmate ko. Lalo na 'yung siyam na lalaki na ang yayabang." Including syempre 'yung nag ligtas sa akin kahit na niligtas n'ya ako at gusto ko siyang makita di siya exempted no? Duh! Ang sungit n'ya kaya ibang iba don sa lalaking na kilala ko nong gabing 'yon. Pero kahit ganon natutuwa pa rin ako kasi nakita ko siya ulit kahit parang 'di na siya 'yong saviour ko. May nangyari kaya or talagang ganon ang ugali n'ya.

"Ah sila Floyd ba?" Who's that?

"Ewan. Basta 'yung mga lalaki don sa room namin na mga hambog." Sagot ko sa kanya.

"Yon na nga 'yun sila na. Kilala kaya sila sa school ang po-pogi kasi nila di 'ba?" What? Sikat siguro sila sa school sa pagiging basagulero at pagiging walang manners. Pero mga may itsura naman talaga sila. Sayang nga lang kasi ang basura ng mga ugali nila hindi nga ako makapaniwala na nag e-exist pala talaga sila. Dati kasi nababasa ko lang sa libro 'yong mga ganoong attitude ng mga characters.

"Ang updated mo naman pala." Sagot ko nalang sa kanya.

****

Pagdating ko sa room nandito na lahat ng classmate ko. Ako nalang 'ata ang kulang at syempre 'yung siyam as usual ganon pa rin ginagawa nila kong anong kahapon.

Pumasok na rin 'yung guro namin sa 1st subject.

"Get 1/4 of paper." What? Kinabahan naman ako dahil 2nd day ko palang ngayon at may quiz kaagad tapos wala naman siya nag klase kahapon dahil nga nag walk out siya.

"Guys pahinge namang papel d'yan." Ngayon manghihinge sila samantalang kahapon tinatapon lang nila at sinasayang.

At 'yun kawawa 'yung classmate ko na naglabas ng papel dahil halos lahat sa kanya humingi. Buti nalang ako may papel kumuha lang ako ng isang piraso baka maubos pag nilabas ko.

"Pahinge ako," napatingin naman ako sa lalaking nanghihinge sa akin. Siya lang naman 'yung lalaking hahampasin ko sana kahapon kaso iba ang natamaan. Inirapan ko siya.

"Ayoko nga! Bumili ka ng sa iyo." Sagot ko sa kanya.

"Kapag di mo ko binigyan pagsasabi ko sa kanila na may papel ka." Amputa talaga. Kaya wala akong nagawa kun'di bigyan siya.

****

Natapos ang quiz namin na wala man lang akong na sagot. Wala naman kasi talaga nag klase kahapon paano ako makakasagot?

Chineck din kaagad nong teacher namin 'yung quiz namin. By the way 15 lang kaming nandito sa room. Meaning lahat talaga kami matatalino yeeih including me.

"Hailee?" Kinabahan naman ako ng tawagin ako ng teacher namin.

"Here," kinuha ko naman 'yung papel ko at shit I expected zero ako. Wala kasi talaga akong nasagot kahit isa tapos ako pa unang tinawag nakakahiya.

"Thunder your score is 8," what? Paanong nagka score siya eh wala naman kaming pinag-aralan. Kailangan ko na bang mag advance ng mga lesson para maka score din ako.

"Floyd your score is 10," wow? Siya 'yung lalaking nag ligtas sa akin.

"Markie 9"

"Jake, 8"

"Aaron, 8"

"One, 9"

"Christian, 8"

"Third, 10"

"Ayen 9"

Binanggit na lahat at ako lang ang nag-iisa ng Zero ang score. Buti nalang talaga hindi sinabi ni Ma'am na Zero ako. Nakakahiya naman kasi sa kanila na ang pinaka mababa ay 5 na score while me zero.

Hindi ko rin inaakala na 'yung siyam na mga bakla este mga lalaki eh makakakuha ng ganoon kataas na score. Sabagay kaya nga star section 'to isip ka nga Hailee. Hindi sila mapapasama sa section na 'to kong hindi sila matalino ako lang 'ata ang bobo dito. Bakit ba ako nasama sa section na 'to?

****

Pumasok naman 'yung teacher namin sa 2nd subject.

"Get 1 whole sheet of paper." Holy crop may quiz na naman ba? Bakit? Bakit kailangan sunod-sunod. Baka ma zero na naman ako nito.

"Remember 'yung sinulat ko kahapon sa blackboard?" Oo nga pala, ako lang nga 'ata ang nag sulat kahapon non. Sila kasi mga busy mukhang may pag-asa ako magka score ngayon ng mataas. 'Yun nga lang wala ako naka review at mukhang hindi ko pa nadala ang notebook kong 'yun. Nakadagdag pa sa inis ko nang mang hinge na naman ng papel si One ano pa bang magagawa ko? Syempre binigyan ko kahit na labag sa loob ko. Tumabi ba naman siya sa akin wala kasing nakaupo sa tabing upuan ko at siya ngayon ang na kaupo.

Habang nagbabasa ang teacher namin ng question walang pumapasok sa utak ko kahit isa. Buti pa nga 'tong katabi ko mukhang ang dami ng nasagutan. Tingin ko rin lahat ng sagot ko mali 'yung ibang number pa walang sagot parang apat pa lang ang nasasagutan ko.

Nang magpapasahan na ng papel kinuha sa akin ni One ang papel ko at sinulatan n'ya 'yung mga number na walang sagot.

"Anong ginagawa mo?"

"Sumasagot, bayad 'yan binigyan mo kong papel." Pumunta na siya sa harap at binigay ang papel naming dalawa. Buti nalang talaga hindi siya nahuli kinabahan ako don. Matapos ma check ibinalik na rin sa amin kaagad ang papel.

Nang tignan ko ang papel lahat ng sinagot ko isa lang ata ang tama. Habang lahat ng sinagutan ni One tama. Kaya ang score ko 19 out of 25 salamat naman sa kanya kahit pa paano 'di ako bagsak huhuhu.

"Salamat." Tumingin naman ako sa papel n'ya na perfect score. Wow? Nakakamangha lang kasi hindi naman sila nag kopya kahapon at tanging ako lang ang nag kopya pero ako pa 'tong bobo.

"No problem. Basta pahingeng papel." Mukha naman siyang mayaman pero walang papel. Hayaan na nga next time talaga magbabasa na ako kaagad ng mga libro. Nakakahiya kasi sa kanila na mga perfect score. Mukhang tama nga ang sinabi ng teacher namin na matatalino talaga sila 'yun nga lang their behavior is so urgh!

****

Nikko Floyd | ✔ [BAD BOY SERIES 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon