CHAPTER 9

75 2 1
                                    

" Tama ka, pero kami parin Ang mananalo..... Akagi." Ang naging sagot Naman ni fudjima sakaniya, mariin niyang pinagmasdan Ang nakangiting imahe ni Fudjima bago itinuon Ang atensiyon nito sa laro.

Gaya Nang kanina ay Nasa kamay Ngayon ni Fudjima Ang bola, kumpara sa pagdribble nito kanina ay mas mabilis na ito Ngayon. Para bang Wala itong sinasayang na Oras at Ang tanging Nasa isip lamang nito ay Ang makabawi dahil lumamang na Ang shohoku Nang dalawa sakanila.

" Ano Ang iniisip mo Fudjima? " Ang natanong nalamang ni Hanagata Nang mapansin Ang kakaiba nitong ikinikilos. Maging si Takano ay napapaisip narin sa iginagalaw nito Ngayon. Habang nasa kamay ito ni Fudjima ay kaagad itong tumira Nang walang pag-aalinlangan na siyang ikinawindang Nang lahat.

" Nagmamadali ba Siya? " Ang naturan nalamang ni Jin sa ginawa nito.

" Ano? Tinira Niya kaagad? " Bulalas Naman ni Ayako Mula sa bench Nang shohoku.... Seryoso namang nakamasid lang si Coach Anzai sa pinapakita ni Fudjima Ngayon, kung para kanina parang ibang-iba na ito kung maglaro.

Makalipas pa Ang ilang Oras, pumatak na sa anim Ang kalamangan Nang Shoyo kontra Shohoku. Sa ganda Nang larong pinapakita ni Fudjima para second half Hindi mapigilang Hindi mag-alala ni Ayako sa nagiging resulta Nang laro. Kung magtatagal pa sa court Ang presensiya ni Fudjima marahil ay matalo Sila.

" HUWAT?????! NAKA ISKOR NANAMAN! " Asar na bulyaw ni Hanamitchi Nang makitang naka score nanaman Ang team Nang Shoyo dahil sa fast break na ginawa nila Hanagata at Kasigawa... Maging si Mitsui ay naiinis narin dahil mga nangyayare...

" Mukhang nagiging delikado na ito para sa shohoku." Usal nalamang ni Maki habang nanonood...

" Hindi maganda to." Pabulong Namang Turan ni Sendoh Mula sa kinauupuan nito Kasama si Ikoichi.

" Naku! Tatlong Oras nalang Ang natitira para sa second half! " Ani ayako sakanila...

" Hmmm... Sakuragi, mag warm up kana." Ang naiusal Naman ni coach Anzai habang seryosong nanonood sa laban... May pagtataka Naman siyang tiningnan ni Ayako, maging Ang team Nang shohoku sa bench ay napatingin Rin sa gawi Nang matanda.

" Warmap? Wag mo nga akong inuutusan Tatan------ arayyyyyyy! " Ani Sakuragi Nang batukan Siya ni Ayako gamit Ang pamaypay nito....

" Hanggang Ngayon parin ba hanamitchi Sakuragi Hindi mo parin alam Ang Ibig sabihin Nang warm up? " Bagot na wika ni Ayako sakaniya... Bahagya pang napa-isip si hanamitchi sa pedeng maging ibig sabihin nun....

" Ginagawa Yun para ma kondisyon Ang katawan mo sa laro, samadaling salita.... Malapit kanang maglaro Sakuragi." Pagpapaliwanag Nang dalaga rito... Abot Tenga Naman Ang ngisi ni hanamitchi at walang pakundangang kinuha nito Ang bola Mula sa mga kamay ni Yasuda.

" Warmap ba kamo? Oh Ayan, ganito, oh eto pa! " Gunggong na bigkas nito habang mabilis na pinaikot Ang bola Sapagitan Nang kaniyang mga paa papunta sa balakang Niya. Manghang-mangha Namang nakamasid sakaniya Ang team Nang Shoyo at pati narin Ang team Nang shohoku.

' Coach Anzai, wag sabihing paglalaruin niyo na Ang gunggong na Yan? '

Ang mga salitang namuo sa isipan ni akagi habang walang Buhay na nakamasid sa gawi ni hanamitchi na Ngayon sige parin sa ginagawa nito.

" Pano ka makakapaglaro kung pagod kana Hanamitchi Sakuragi! " Pintas ni Ayako habang pinandilatan pa ito Nang mata.... Hindi pakasi umaabot sa dalawang Oras ay pagod na ito at hinihingal pa. Makalipas Ang ilang Segundo ay nagtawag na Nang time out Ang team Nang shohoku dahil namamaga na Ang lamang Nang Shoyo sakanila. 95 to 105 Ang skor para sa natitirang Oras para sa second half.

THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)Where stories live. Discover now